Chapter VI

10.8K 826 105
                                    

Chapter VI: Secret of the Strange Cave

"Finn..Doria?!"

Nakaguhit pa rin sa mukha ni Elder Xuan ang labis na takot at gulat. Sa lahat ng taong makikita niya ngayon, ang binatang bangungot niya pa ang biglang lilitaw sa kaniyang harapan upang magpakita.

Mahigit isang taon na mula nang pagtangkaan ni Elder Xuan ang buhay ni Finn Doria. Akala niya ay nagtagumpay siya sa kaniyang plano ngunit nagkamali siya dahil noong ipadala siya ni Grand Elder Isaac ng Sacred Dragon Institute sa malayo at pangmatagalang misyon, doon niya na nalaman na 'hindi' pala isang 7th Level Bronze Rank ang pinagtangkaan niya ng buhay.

Nalaman niyang 9th Level Gold Rank si Finn Doria gaya niya kaya naman hindi na siya nagtaka kung bakit hindi niya ito matagumpay na napatay. Gumamit lang siya ng ordinaryong patalim noon at hindi siya gumamit ng soulforce kaya iniisip niyang palabas lang ng binata ang lahat. Nabalitaan niya rin ang pagsali ni Finn Doria sa Cloud Soaring Sect at ang pagbibigay ng proteksyon ng pamunuan nito sa Azure Wood Family kaya naman dahil sa sobrang takot, naghanap siya ng mapagtataguan at nagpalipat-lipat ng lugar upang makalayo sa binata.

At ngayong nasa harap na siya ng binata, hindi niya mapigilang hindi manlumo at mangamba.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo, Inner Elder Xuan? Hindi ka ba nagagalak na makita akong muli?" mapaglarong tanong ni Finn Doria.

"Ikaw... Paano ka nakarating sa liblib na lugar na ito?!" takot na sigaw ni Elder Xuan.

Nakangiti pa rin si Finn Doria at ilang saglit pa, hinawakan niya ang kaniyang interspartial ring at isang papel ang biglaang lumabas mula rito.

"Dahil mayroon ako ng bagay na ito..." nakangiting wika ni Finn Doria habang ipinapakita sa matanda ang kopya ng mapa na nagmula kay Munting Poll.

"Paanong...!" gulat at pagtataka ang gumuhit sa mukha ni Elder Xuan ng makita niya ang kopya ng mapa.

"Nakakagulat ba?" tanong ni Finn Doria. Tumingin siya sa mata ni Elder Xuan at mapapansing mayroong nakatagong galit ang makikita rito, "Naaalala mo pa ba ang isang maliit na nayong pinanggalingan mo? Gaya ko, kinamumuhian ka rin nila ng sobra."

Nang marinig ni Elder Xuan ang mga salitang binitawan ni Finn Doria, nakaramdam siya ng matinding panlalamig sa kaniyang katawan. Nakatingin siya sa binata na para bang nakatingin siya sa isang halimaw.

"Dapat ay inubos ko na ang mga mangmang na 'yon! Ikaw..! Palabas mo lang ang lahat ng pagkamatay mo! Isa kang kasuklam-suklam para sa tulad nating mga adventurers!" galit na wika ni Elder Xuan.

Kahit na galit ang kaniyang tono, malinaw pa ring makikita sa kaniyang mukha ang labis na takot. Sa huli, nakakulong pa rin siya sa patibong at hindi siya makagalaw kahit kaunti. Kayang-kayang gawin ni Finn Doria ang kahit anong gusto niyang gawin sa kaniya at madali lang para sa binata kung gugustuhin nitong patayin ang matanda.

Mapaglarong ngumiti si Finn Doria at inilapit ang mukha niya sa matanda. Bahagya siyang tumawa at marahang nagwika, "Iba ka talaga, Inner Elder Xuan. Ikaw pa talaga ang may ganang tumawag sa akin bilang kasuklam-suklam na Adventurer. Pumapatay at idinadamay mo ang mga inosente tapos malinis ang tingin mo sa iyong sarili? Pinapatawa mo talaga ako..."

Matapos itong sabihin ni Finn Doria, umayos siya ng tayo at matalim na tinitigan si Elder Xuan. Hinawakan niya ang kadenang nakapulupot sa matanda at marahang nagsalita, "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Mukhang pinapaboran ako ng kapalaran dahil inihanda ka na nito para sa akin. Marahil sawang-sawa na ang kapalaran sa iyong mga kasuklam-suklam na gawain kaya naman gumawa na ng paraan ito para wakasan ang iyong kasakiman. Nahuli ka ng patibong ng isang Formation Master at kahit hindi ako dumating, maaagnas pa rin ang iyong katawan sa lugar na ito hanggang sa tuluyan ka ng mamamatay."

Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon