Chapter XXIV: Stop Hiding
Sa loob ng isang magarang karwahe, komportable at nakangiting nakaupo si Brien Latter habang pinaglalaruan ang kaniyang Blue Flame Alchemy.
Pabalik na si Brien Latter kasama si Sect Master Morgan sa Alchemy God Sect mula sa Sacred Dragon Kingdom. Tapos na ang kanilang misyon kaya naman ang dapat na lang nilang gawin sa ngayon ay maghintay sa panibagong kautusan.
Masaya si Brien Latter ngayon at napakagaan ng kaniyang pakiramdam dahil hindi niya na kailangang magpanggap na mamamayan ng isang Third Rate Kingdom. Hindi niya na rin kailangang magpanggap na isang estudyante ng Alchemist na mayroon lamang Orange Alchemy Flame dahil para sa kaniya, isa itong malaking kahihiyan.
"Sect Master Morgan. Kailan ba natin aatakihin ang mahinang kaharian na 'yon? Hindi na ako makapaghintay na makapaghiganti kay Kiden Sylveria. Ito naman ang hangarin ko noon pa man kaya hindi na ako makapaghintay pa." Naiinip na wika ni Brien Latter.
Malumanay naman siyang tiningnan ni Sect Master Morgan at nagwika, "Kailangan pa nating hintayin na makalabas ang ating hari sa kaniyang pag-eensayo. Sa oras na maging isa na siyang ganap na Legend Rank, maaari na nating lusubin ang Sacred Dragon Kingdom at gawing alipin ang kanilang mga mamamayan. Sa ngayon, hihintayin muna natin ang balita ng pagpanaw ng kanilang hari bago tayo gumawa muli ng hakbang at isa-isahin sila."
"Kung gayon, malapit na pala. Sa oras na makapaghiganti na ako kay Kiden Sylveria, isusunod ko ang angkan ni Finn Doria. Ayokong mayroong matirang nagpapaalala sa akin sa hambog na 'yon kaya naman sisiguraduhin kong buburahin ko na sila sa kontinente ng Ancestral." Nakangising wika ni Brien Latter.
Para sa kaniya, isang malaking tinik sa dibdib ang iniwan sa kaniya ni Finn Doria. Hindi niya makakalimutan kung paano siya pinahiya nito sa harap ng maraming Adventurers. Mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili noon pero noong lumabas si Finn Doria, patuloy siyang ibinababa nito sa kahit anong larangan. At ng ganitong klaseng kakayahan ay hindi matatanggap ng gaya niyang mapagmataas.
Napakunot ang noo ni Sect Master Morgan. Syempre ay pamilyar na siya sa ugaling ito ni Brien Latter at kahit na hindi niya ito masyadong nagugustuhan, wala siyang magagawa dahil ang binatang ito ay isa sa dalawang batang Adventurer na nagtataglay ng Blue Flame Alchemy.
"Hahayaan namin ang iyong kagustuhan dahil malaki ang naging parte mo sa planong ito." Malumanay na wika naman ni Sect Master Morgan.
Hindi na tumugon si Brien Latter at pinagpatuloy na lamang ang kaniyang paglalaro sa kaniyang Blue Flame Alchemy.
Matapos ang ilang saglit, habang naglalakbay, bigla na lamang napahinto ang karwahe kaya naman naglaho na rin ang Blue Flame Alchemy sa kamay ni Brien Latter. Bumukas ang pinto ng karwahe at agad na pumasok ang isang lalaking nasa katanghaliang gulang pa lamang.
Mayroon itong napakalaking pangangatawan at sobrang itim na buhok. Mapapansin din ang makapal at mala-espada nitong kilay.
Nabigla naman si Sect Master Morgan nang makita niya ang malaking lalaking ito. Pamilyar siya rito dahil gaya niya, isa rin itong Faction Master ng Crimson Blood Kingdom. At ang Faction na kinabibilangan ng lalaking ito ay ang pinakamalakas sa lahat, ang Blood Tiger Sect.
Ito ang nagbabantay sa aktibidad ng kalapit na dalawang Second Rate Kingdom kaya naman nagtataka si Sect Master Morgan na makita ito sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay.
"Sect Master Kuzan. Mayroon bang problema?" nagtatakang tanong ni Sect Master Morgan.
Taimtim na tumingin sa kaniya si Sect Master Kuzan at mariing nagwika, "Sect Master Morgan... Kailangan mong magmadaling bumalik sa Sacred Dragon Kingdom upang kuhanin ang dalawang mahalagang bagay."
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]
FantasíaApril 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --