Chapter XXII: What I want is justice!
Naramdaman ng lahat ang malakas na presensya at aura na mabilis na nagtutungo sa kanilang kinaroroonan kaya naman hindi halos makahinga ng maluwag ang lahat maliban kay Family Head Artos at Finn Doria.
"Ang presensyang 'yon... maaari kayang...!" gulat na bulong ni Family Head Artos.
Mayroong isang pigura ang namumuo sa kaniyang isipan habang pinakikiramdaman nh mabutinang presenyang parating. Gayunpaman, masyadong matagal na simula noong huli niya itong nakita kaya naman hindi siya makasigurado kung ito nga ang taong 'yon.
Sinulyapan naman ni Finn Doria si Family Head Artos ngunit mabilis niya ring ibinaling ang kaniyang atensyon sa pinanggagalingan ng malakas na presensya ng isang 9th Level Profound Rank.
Matapos ang ilang saglit na paghihintay, isang matandang lalaki ang bigla na lamang lumitaw sa pinanggagalingan ng malakas na presensya. Nakasuot ito ng asul na damit gaya ng mga suot ng Elders ngunit mapapansing sobrang luma at napakadumi na nito. Nakakaagaw rin ng pansin ang magulo at maputi nitong buhok. Higit pa roon, halatang-halata na ang katandaan sa mukha ng matandang ito dahil kulu-kulubot at nangingitim na ang ilalim ng mga mata nito.
"Grand Elder!!" gulat na sigaw ni Family Head Artos.
Napatingin naman ang lahat ng naroroon sa matandang bagong dating. Mayroong nasiyahan at nanabik dahil kilala nila ang Grand Elder na 'to.
'Grand Elder...? Kung gayon ang 9th Level Profound Rank na ito ay ang kanilang Grand Elder...' sa isip ni Finn Doria.
Tama. Ang matandang ito ay walang iba kung hindi ang matagal ng nananahimik at nagmumuni-muning Grand Elder sa liblib na kuweba sa teritoryo ng Nine Ice Family. Inilayo niya na ang kaniyang sarili mula sa makamundong mga bagay at itinuon niya ang kaniyang atensyon sa pagmumuni-muni sa pag-aasam na marating niya ang antas na Sky Rank. Mahigit labing-isang taon na ang nakararaan simula noon at hindi na siya nakialam sa pamamalakad ng iba't ibang bagay sa buong Nine Ice Family.
Gayunpaman, kung awtoridad lang ang pag-uusapan sa kaso ng Nine Ice Family, ang Grand Elder pa rin na ito ang mas mataas kay Family Head Artos. Iginagalang ang kaniyang bawat desisyon hindi lamang dahil sa sobrang tanda na nito, bagkus, dahil siya ay pinagkakatiwalaan na noon pa man nang namayapang nakaraang Family Head.
Dahil sa naramdaman niyang paglalaban kanina ng isang 9th Level Profound Rank at ng kung sino man, agad niyang nilisan ang kaniyang kuweba at mabilis na nagtungo sa pinanggagalingan ng mga pagsabog. Siya ang Grand Elder at siya ang nagsisilbing Guardian ng angkang Nine Ice Family kaya naman prayoridad niya pa rin ang kaligtasan ng mga miyembro ng Nine Ice Family.
"Grand Elder Theo! Mabuti na lang at dumating kayo!" nanabik na wika ni Family Head Artos.
Agad siyang nagtungo sa tabi ng Grand Elder at magalang na yumuko rito. Mayroong bakas ng kasiyahan at lihim na ngiti mula sa kaniyang mukha habang hinaharap ang Grand Elder.
"Family Head Artos? Ang iyong antas ng lakas..." gulat na wika naman ni Grand Elder Theo matapos mapagmasdan mula ulo hanggang paa ang lumapit sa kaniya.
Mahigit labing-isang taon pa lang ang nakararaan ngunit ang dating 7th Level Profound Rank ay isa na ring 9th Level Profound Rank. Hindi maintindihan ni Grand Elder Theo kung paanong nangyari ang bagay na ito ngunit ang mas lalong hindi niya maintindihan ay kung bakit puno ng galos at alikabok ang katawan ni Family Head Artos.
Isa pang nakapukaw ng kaniyang pansin ay ang sira-sirang mga gusali at nagkalat na bahagi ng katawan ng tao sa paligid. Nagtipon-tipon din ang mga miyembro ng Nine Ice Family na para bang mayroong pinapanood na laban.
![](https://img.wattpad.com/cover/180249130-288-k559247.jpg)
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]
FantasíaApril 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --