Chapter XXIII

10.9K 887 137
                                    

Chapter XXIII: Chain Levor

Sa itaas ng malawak na kagubatan, sa himpapawid, mapapansing mayroong matandang nakasuot ng gintong roba ang mabilis na lumilipad na para bang naghahabol ito sa oras. Malaya at mabilis itong nakalilipad sa himpapawid na para bang isang ibon.

Syempre, ang matandang ito ay walang iba kung hindi ang kasalukuyang tagapangalaga ng Sacred Dragon Kingdom, si Lord Helbram Vildar. Ang kapatid ng kasalukuyang hari.

Mahigit isang araw na ang nakalipas simula nang umalis si Lord Helbram sa palasyo upang magtungo sa Nine Ice Family. Gayunpaman, hindi pa rin siya nakakakalahati dahil ang palasyo ay masyadong malayo sa teritoryo ng Nine Ice Family, ang Noble Clan na ito ang pinakamalayo sa palasyo.

Kailangan niyang pigilan ang digmaan sa pagitan ng Azure Wood Family at Nine Ice Family dahil sa nakaambang panganib na dala ng Crimson Blood Kingdom. Hindi na niya hahayaang malagasan pa ng malalakas na Adventurer ang Sacred Dragon Kingdom dahil alam niyang sa oras na mawala na ang hari, siguradong susugod na ang mga malalakas na indibidwal ng Crimson Blood Kingdom upang sakupin ang kanilang kaharian.

Sa kasalukuyan, isa lamang mahinang Third Rate Kingdom ang Sacred Dragon Kingdom. Hindi nila kayang labanan ang kahit kalahating pwersa ng Crimson Blood Kingdom dahil isa itong malakas na Second Rate Kingdom. Maraming Sky Rank ang naninirahan dito kaya naman alam nilang hindi nila ito kakayanin sa oras na maganap na ang bangungot ng lahat ng mamamayan ng Sacred Dragon Kingdom.

Kung talagang malalagasan sila ng mga Profound Rank dahil sa digmaan sa pagitan ng dalawang Noble Clan, marahil ito na rin ang katapusan ng buong kaharian dahil sa paghina ng kanilang kabuuang pwersa. Kailangang-kailangan nila ngayong magkaisa at magtulungan dahil kung hindi, hindi lang Royal Clan ang maaapektuhan dito, maging ang malalakas o mahihinang angkan ay siguradong maapektuhan din.

Lahat naman ay hindi gugustuhing maging alipin sa kamay ng ibang Adventurers. Bawat isa ay gusto naman ng payapa at malayang buhay. At upang maisakatuparan ang lahat ng ito, kailangan nilang depensahan ang kanilang lupang sinilangan laban sa mga sakim na mananakop.

Habang patuloy siyang mabilis na lumilipad sa himpapawid, bigla na lamang napahinto si Lord Helbram nang maramdamang niyang mayroong biglaang humarang sa kaniyang dinaraanan sa hindi kalayuan.

Nasa himpapawid pa rin si Lord Helbram at malinaw na mababakas sa kaniyang mukha ang matinding galit. Matalim niyang tinitigan ang taong nakapurong itim sa kaniyang harapan at nagwika, "Sino ka at bakit mo ako sinusundan?!"

Kanina ay naramdaman na ni Lord Helbram ang presensya ng misteryosong tao na nasa harap niya pero dahil mabilis din itong naglaho, hindi niya na ito binigyang ng gaanong pansin dahil na rin sa kaniyang pagmamadali.

Maaaring itinago nito ang kaniyang presensya kaya naman hindi ito naramdaman ni Lord Helbram. Pero imposibleng mangyari ang ganitong bagay dahil si Lord Helbram ay isang 5th Level Sky Rank, isa sa dalawang 5th Level Sky Rank sa kahariang ito. Maliban na lang kung...

Pinakiramdamang mabuti at itinuon ni Lord Helbram ang kaniyang atensyon sa tahimik na misteryosong tao. Matapos ang ilang sandali, nanlaki ang kaniyang mga mata at napanganga siya dahil sa kaniyang naramdaman.

Isa ring 5th Level Sky Rank!!

Ito na marahil ang dahilan kung bakit hindi agad naramdaman ni Lord Helbram ang presensya nito. Ito ay dahil sinasadyang itong itago ng misteryosong tao at kung hindi siya pagtutuunan ni Lord Helbram na 5th Level Sky Rank ng pansin, malabo rin niyang matagpuan ang presensya nito.

Dahil sa hindi nagsasalita ang misteryosong tao, muling gumuhit kay Lord Helbram ang kalituhan at galit, "Inuulit ko, sino ka at anong ginagawa mo sa aming Sacred Dragon Kingdom?!"

Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon