Chapter XXXIV

11.7K 829 179
                                    

Chapter XXXIV: A Sudden Change

'Lord Helbram!' gulat nilang wika sa kanilang isipan.

Nakatuon silang lahat sa matandang nasa itaas at hindi nila magawang maitago ang kanilang matinding gulat. Hindi nila inaasahang darating sa kritikal na oras si Lord Helbram sa kasalukuyang kaguluhang nagaganap. Ito ang mayroong pangalawa sa pinakamataas na awtoridad sa Royal Clan kaya naman sinong hindi magugulat sa biglaang paglitaw nito?

Gayunpaman, hindi lamang sila nagulat dahil sa pagdating nito, bagkus, mas nagulat sila sa hitsura at kalagayan nito ngayon.

Ang kaniyang gintong roba ay mayroong mga dumi habang ang kaniyang buhok ay nagkagulo-gulo na. Mayroon din siyang mga galos sa kaniyang katawan na para bang sumabak siya sa isang laban. Pero nagtataka lang sila, sino ang makagagawa nito kay Lord Helbram? Siya ang kilalang pangalawa sa pinakamalakas na Adventurer sa buong Sacred Dragon Kingdom kaya naman nagtataka ang bawat isa kung paanong humantong ang kanang kamay ng Mahal na hari sa ganitong kalagayan.

Kahit na hindi ito gaanong nagtamo ng pinsala, mapapansing magulo ang daloy ng enerhiya sa loob ng katawan nito, senyales ng matinding pagod at malapit nang pagkaubos ng kaniyang enerhiya. Mukha rin itong balisa at nagmamadali dahil sa sobrang gulo ng buhok nito at matinding hingal.

Nagulat din sina Sect Master Noah at Sect Mistress Sheeha nang maramdaman nila ang malaking pagbabago sa antas ng lakas ng matanda na kanilang tinititigan sa ngayon. Kahit na magulo ang daloy ng enerhiya nito, hindi sila maaaring magkamali dahil pumapalibot pa rin ang malakas na aura nito.

5th Level Sky Rank!!

Hindi sila maaaring magkamali, ang kanang kamay ng Mahal na Hari ay isa na ring ganap na 5th Level Sky Rank!

Karamihan sa kanila ay alam na isa lamang 4th Level Sky Rank noon si Lord Helbram. Saksi sila sa antas ng lakas nito noong nakaraang mahigit apat na buwan sa Floating Island. At ngayong umangat muli ang antas ng lakas ni Lord Helbram, isa itong magandang balita para sa buong Sacred Dragon Kingdom.

Bukod pa roon, nagulat din sila sa biglaang paglitaw ng isa pang pigura sa likod ni Lord Helbram. Isa itong lalaking nakasuot ng itim na balabal at mapapansing nakangiti ito habang pinagmamasdan ang buong paligid. Nang mapadako ang tingin ng misteryosong lalaki kay White na Soul Puppet ni Finn Doria, napawi ang ngiti nito at agad itong napalitan ng matinding pagkagulat.

Direkta itong tumingin sa simbolong nakatatak sa kasuotan ni White at tahimik na napatulala. Ang dahilan kung bakit natahimik ang misteryosong lalaking ito ay dahil iyon ang kanilang simbolo, ang simbolo ng dating Evil Chain Bandits!

Naramdaman din ni Sect Master Noah ang lakas ng misteryosong lalaki kaya naman hindi niya mapigilang mapahinga nang malalim. Hindi niya inaakalang mayroon pa palang ganito kalakas na Adventurer ang lilitaw sa kanilang kaharian.

Isa rin itong 5th Level Sky Rank at ang inilalabas nitong aura ay hindi hamak na mas malakas kaysa kay Lord Helbram!!

Sa kabilang banda naman, habang gulat pa rin ang nakaguhit sa mukha ng karamihan, nakaramdam naman ng matinding pangamba si Sect Mistress Sheeha sa pagdating ni Lord Helbram at ng misteryosong lalaki.

Ang dalawang bagong dating ay hindi hamak na mas malakas sa kaniya at higit pa roon, ang isa rito ay si Lord Helbram, ang kanang kamay ng Hari. Sa sinabi pa lang nito kanina, malinaw na hindi siya narito bilang kakampi, marahil narito siya para kay Finn Doria.

Naging blangko ang kaniyang pag-iisip dahil sa biglaang pangyayaring ito. Kung talagang narito si Lord Helbram upang protektahan si Finn Doria, kalimutan niya na ang pagpaslang sa binata, kahit ang saktan ito ay sobrang na.

Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon