Chapter IX: Inquiry at the Adventurer Guild/Anger
Sa teritoryo ng Cloud Soaring Sect, mayroong isang silid kung saan mayroong siyam na pigura ang nakaharap sa isa't isa. Bawat isa sa kanila ay nakasuot ng lilang roba at ang kanilang lakas ay hindi basta-basta.
Anim na batang adventurers ang nakaharap isang lalaki habang nasa tabi naman nila ang isang babae at isang matandang lalaki.
Nakayuko ang limang batang adventurer habang ang isa namang dalaga ay naiinis na nakatingin sa mata ni Sect Master Noah. Ang dalagang ito ay walang iba kung hindi si Ashe Vermillion. Ang kaniyang antas ng lakas ay umabot na sa 4th Level Profound Rank!!
"Ama! Bakit mo ba ginagawa ito?! Pilit kang tumatanggi na tumulong at ngayong kami na ang gumagawa ng paraan para tulungan ang taong nagligtas sa aming lahat, pinipigilan mo kami. Pwede bang ipaliwanag mo sa akin dahil hindi na kita maintindihan!" inis na sabi ni Ashe Vermillion.
Hindi naman siya pinansin ni Sect Master Noah at tiningnan niya lang ang lima pang miyembro ng Soaring Seven. Makikita sa kaniya ang gulat at pagtataka habang pinakikiramdaman ang antas ng lakas ng batang adventurers.
"Kayong lima, paanong naabot niyo ang kasalukuyan niyong antas ng lakas sa maikling panahon lamang...? Kahit na sandamakmak na kayamanan ang nakuha niyo sa loob ng Mystic Treasure Realm, hindi pa rin niyo maabot ang kasalukuyan niyong antas ng lakas.." nagtatakang wika ni Sect Master Noah.
Kahit na nakatanggap na siya ng impormasyon tungkol dito, hindi niya pa rin mapigilang hindi magtaka sa kung paanong nangyari ang lahat ng ito. Sa loob lamang ng mahigit tatlong buwan, unti-unting umangat ang kanilang antas ng lakas hanggang sa umabot ito sa Profound Rank. Mayroon pang dalawang 2nd Level Profound Rank sa limang ito!
Kahit sina Elder Marcus ay nagulat din sa pangyayaring ito. Kahit noong kabataan nila, wala pang nakakaabot sa ganitong antas ng lakas gamit ang maikling panahon lamang.
Walang sinuman ang nagsalita mula sa lima kaya naman itinuon ni Sect Master Noah ang kaniyang atensyon sa pinakamalakas sa limang ito, "Lore Lilytel. Paanong nangyari ang lahat ng ito? Ako ang inyong Sect Master at karapatan kong malaman kung anong nangyayari!!"
Ang kaniyang boses ay punong-puno na ng inis. Hindi niya matanggap na wala siyang kahit kaunting kaalaman sa nangyayari. Kung lalabas ang tungkol sa kasalukuyang lakas ng mga Core Member ng kaniyang Cloud Soaring Sect, siguradong magtataka ang lahat. Wala siyang maisasagot na makabuluhan dahil maging siya ay hindi kayang ipaliwanag ang mga nangyayari. Kahit ang Royal Clan ay walang kakayahan na gawing Profound Rank ang kanilang mga miyembro sa maikling panahon lamang, paano pa kaya siya na isa lamang Sect Master ng isang Faction?
"Sect Master Noah, paumanhin pero hindi ko po maaaring sabihin ang katotohanan. Sumumpa ako sa isang kaibigan na itatago ko ang tungkol sa bagay na ito kaya naman kahit na gustuhin ko pang ipaalam, wala akong magagawa kung hindi ang isikreto ito upang hindi mabali ang aking sinumpaan sa aking kaibigan." Seryosong at mariing tugon ni Lore Lilytel.
Nang marinig ito ni Sect Master Noah, natigilan siya at napaisip. Nahihiwagaan siya kung sinong kaibigan ang tinutukoy ng binata. Nag-isip siya ng ilang minuto ngunit kahit anong pag-iisip niya wala talagang pigura ng tao o nilalang ang pumapasok sa kaniyang isipan.
Kilala niya si Lore Lilytel. Hindi ito palakaibigan at mapagmalaki itong binata. Noon pa man, bukod kay Ashe Vermillion, wala ng sinuman ang gusto nitong lapitan.
Dahil hindi niya naman makuha ang katotohanan mula sa bibig ng mga batang adventurers, inutusan niya na lang si Punishment Hall Elder na ibigay na ang karampatang parusa sa mga lumabag. Kailangan nilang makulong sa kulungan ng Punishment Hall Elder at humarap sa mga dingding upang alamin at matuto sila sa kanilang mga kasalanan.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]
ФэнтезиApril 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --