Chapter XXIX: Mastermind
Nang umalingangaw ang malakas na halakhak ng isang babae, ang lahat ay natigilan. Lahat ng naroroon ay napatingin sa pinagmumulan ng napakalakas na halakhak at ang karamihan sa kanila ay mayroong kabang hindi maitago sa kani-kanilang mukha. Ito ay dahil karamihan sa kanila ay pamilyar sa babaeng 'yon.
Sa lugar kung saan naroroon sina Sect Master Noah at Creed Doria, malumanay na nakatitig si Sect Master Noah sa lumilipad na babae. Kahit na malayo pa ito ay ramdam na ramdam niya na ang napakalamig nitong presensya. Nakasuot ito ng hapit na asul na bistida at mayroon itong mahabang itim na buhok na umaalon dahil sa malakas na hanging sumasalubong sa kaniya.
"Sect Mistress Sheeha..." bulong ni Sect Master Noah.
Hindi nga siya nagkakamali sa kaniyang naramdaman simula noong dumating sila rito, mayroon pang isang Sky Rank Adventurer bukod sa kaniya at kay Finance Minister Long ang nasa teritoryo ng Nine Ice Family.
Hindi niya alam kung kailan pa naririto si Sect Mistress Sheeha pero alam naman niyang bago pa man sila dumating, andito na ang Faction Master ng Ice Feather Sect. Hindi niya lang makumpirma dahil masyadong malabo ang kaniyang pakiramdam at tutok na tutok din siya sa paglalaban nina Finn Doria at Finance Minister Long. Gayunpaman, sigurado siyang pilit na itinago ni Sect Mistress Sheeha ang kaniyang presensya para hindi siya matagpuan ng kahit sinong naroroon.
Matapos ang ilang sandaling pag-iisip kung bakit ito ginagawa ni Sect Mistress Sheeha, bigla na lamang nagdilim ang ekspresyon ni Sect Master Noah dahil mayroon siyang napagtanto. Marahil sinadyang antayin ni Sect Mistress Sheeha na patayin ni Finn Doria si Finance Minister Long bago siya tuluyang magpakita!
Ginamit niya ang buhay ng iba para lang sa kaniyang pangsariling interes!
'Sheeha talagang makamandag ang iyong puso..' sa isip ni Sect Master Noah.
Gayunpaman, hindi alam ni Sect Master Noah kung anong binabalak ni Sect Mistress Sheeha kaya naman nag-aalala siyang napatingin siya kay Finn Doria.
Sa ngayon, ang sitwasyon ni Finn Doria ay napaka komplikado. Pumatay siya ng isang Ministro sa loob ng Sacred Dragon Kingdom at ang kasalanang ito ay siguradong mayroong mabigat na kaparusahan. Kahit pa ang binatang ito ang pinakatalentadong at pinakamalakas na batang Adventurer sa buong kaharian, hindi pa rin siya maabsuwelto dahil lamang sa kaniyang talento at hindi hahayaan ng Royal Clan ang lahat ng ito.
Malaking sampal ang ginawang ito ni Finn Doria sa awtoridad ng Sacred Dragon Family kaya naman kahit na matagumpay niyang matapos at makaligtas sa digmaang ito, hindi niya pa rin maiiwasan ang galit ng Royal Clan.
Bumuntong hininga si Sect Master Noah at marahang nagwika, "Kung aabot sa puntong iipitin siya ng Royal Clan... sa tingin ko ay kailangan kong makiusap para sa kaniyang kapakanan. Masyado na akong maraming utang sa kaniya at hindi ako mapapanatag kung hindi ko maibabayaran ang lahat ng 'yon."
--
Mahigpit ang hawak ni Finn Doria sa kaniyang Crimson Black Heavy Sword habang nakatingin sa paparating na pigura. Umaga na ngunit aktibo pa rin ang nagliliyab na apoy na pakpak ng binata sa kaniyang likuran.
Gumaling na rin ng tuluyan ang mga galos at sugat ng binata sa kaniyang katawan, ito ay isa sa malahimalang epekto ng Phoenix Wing Pill. Punong-puno ng buhay ang kaniyang aura at enerhiya dahil sa kakapalan nito, senyales na malapit na niyang maabot ang susunod na ranggo.
Huminto ang pigura 'di kalayuan kay Finn Doria at malinaw na nakikita ng binata na malapad itong nakangiti sa kaniya. Ang ngiting ito ay ngiting walang magandang hangarin. Ramdam na ramdam ng binata ang napakalamig na aurang nagmumula rito. Ramdam na ramdam niya rin na napakalakas ng aura nito, hindi hamak na mas malakas sa pinatay niyang 2nd Level Sky Rank.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]
FantasyApril 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --