Chapter XXXV

12K 837 203
                                    

Chapter XXXV: I want her to die

BANG!!

Isang napakalakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong paligid nang tumama ang talim ng asul na espada ni Sect Mistress Sheeha sa harang na bigla na lamang lumitaw at bumalot sa kabuuan ng binata. Nagkaroon ng pwersa sa pagitan nang asul na espada at ng misteryosong harang na naging dahilan nang pagkakaroon ng malakas na ihip ng hangin.

Ang misteryosong harang na nakapalibot sa katawan ni Finn Doria ay hindi basta-basta, ramdam na ramdam ng karamihan sa mga naroroon na ang misteryosong harang na 'to ay mayroong napakalakas at nakapangingilabot na pwersa.

Hindi ito madaling makita ng mata dahil kailangan nang matalas na pakiramdam upang malaman ang pag-iral nito sa kabuuan ng binata. Wala itong porma at hugis dahil nakatuon lang ang harang na ito sa bahagi na inatake ni Sect Mistress Sheeha.

Nakapikit pa rin si Finn Doria at patuloy pa rin ang kaniyang pagsusubok na makatapak sa Sky Rank. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniyang paligid pero isa lang ang malinaw sa kaniya, mayroong misteryosong enerhiya ang bigla na lamang pumalibot sa kaniyang katawan at unti-unti nitong pinagagaling ang kaniyang mga pinsala.

BANG!!!

Ilang sandali lang ang itinagal nang pagtutunggalian ng atake ni Sect Mistress Sheeha at ng misteryosong harang. At nang umalingawngaw muli ang isang napakalakas na pagsabog, bigla na lamang marahas na tumilapon ang katawan ni Sect Mistress Sheeha palayo sa katawan ni Finn Doria. Malinaw na makikitang nagkaroon siya ng mga pinsala sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan matapos tumama ang kaniyang atake sa misteryosong harang na pumoprotekta sa binata.

Kahit na napinsala siya, nagagawa niya pa ring makagalaw at malinaw na makikita sa kaniyang mukha ang bakas ng matinding pagkagulat. Hindi niya inaasahang mayroong harang na bigla na lamang lilitaw para protektahan si Finn Doria mula sa kaniyang atake. Halos ibinigay niya na ang lahat ng kaniyang lakas sa atakeng iyon ngunit hindi man lamang nito nagawang istorbohin ang binata sa kaniyang pagmumuni-muni.

Unti-unting bumaba ang katawan ni Finn Doria hanggang sa mapaupo na siya sa lupa. Tahimik pa rin ito at payapa habang hawak niya ang kaniyang Crimson Black Heavy Sword.

Nang masaksihan ng karamihan ang pangyayaring ito, napanganga at nanlaki ang kanilang mga mata nang dahil sa matinding gulat. Makikita sa mukha nina Lord Helbram, Chain Levor at sa grupo nina Sect Master Noah ang matinding gulat. Hindi nila alam kung bakit at paanong nangyaring mayroong bigla na lamang lumitaw na harang upang protektahan ang binata.

Karamihan sa kanila ay nagtatanong sa kanilang isipan kung sino ang may kagagawan ng kaganapang ito.

Naibaling ni Sect Mistress Sheeha ang kaniyang atensyon sa gulat na si Lord Helbram at naguguluhang nagwika, "Lord Helbram... ikaw... ikaw ba ang pumoprotekta kay Finn Doria...?"

Mayroong pinaghalong galit at pagkabahala ang tono nang pananalita ni Sect Mistress Sheeha. Magtatagumpay na sana siyang mapatay si Finn Doria gamit ang atakeng iyon pero dahil sa biglaang paglitaw ng misteryosong harang, ang kaniyang balak at tagumpay ay bigla na lamang naglaho. Nawalan na siya ng pag-asa na mapatay ang binata sa pinakamahinang sitwasyon nito.

Agad namang natauhan si Lord Helbram at galit na tumingin kay Sect Mistress Sheeha. Mabilis siyang nagtungo sa harapan ni Finn Doria upang protektahan ang binata mula sa Faction Master ng Ice Feather Sect.

"Sect Mistress Sheeha! Sinasalungat mo ba ang aking kautusan?! Sinabihan kitang huminto ngunit nagpatuloy ka pa rin sa iyong kapahangasan!" galit na sigaw ni Lord Helbram habang matalim na nakatingin kay Sect Mistress Sheeha. Sandali siyang tumigil bago tuluyang magpatuloy sa pagsasalita, "Isinantabi mo na ba talaga ang dangal at dignidad mo bilang Adventurer?! Bilang Faction Master ng isa sa Seven Great Faction?! Inatake mo ang isang batang adventurer na nasa kritikal na sitwasyon para lamang sa iyong masamang hangarin!"

Legend of Divine God [Vol 3: Cold War]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon