one

2.7K 61 0
                                    



She slapped me.

Napahawak ako ng pisngi. ramdam ko sa yung galit nya sa ginawa nyang pag sampal sakin. Aaminin ko Masakit Yung sampal nya, pero walang tutumbas sa sakit nararamdaman ngayon ng puso ko.  

"That's it, Lisa. you've already crossed the line." Humakbang sya palayo sakin. Mas Lalo syang lumalayo sakin. "You want to start a war? Pag bibigyan Kita. Just be ready, because i give no mercy to anyone."

Kinuyom ko ang kamao ko. Kailangan bang kalabanin ko sya para makuha ang puso nya? But I want her, I only want her. Kung sa huli ay maiiwan akong luhaan ay Wala na akong pakealam.

Bago pa ako makasagot ay umalis na sya at iniwan ako. I stared infront of the mirror. I look pathetic. Lisa, ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Umupo ako sa sahig at binaon Ang Muka ko sa tuhod. I cry silently.

"Lisa? Are you okey?" Hindi ko na kailangan mag angat ng tingin para malaman kung sino yon. Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko at niyakap ako. Mas Lalo akong napaiyak. "Omygod, Why are you crying?"

"R-rose, bakit ba Kasi sya yung nagustuhan ko? Bakit sya pa? Mag best friend kami, p-pero ngayon Pati Yung label na yon nawala na. I want her, I still want her k-kahit Hindi nya ako gusto, k-Kahit walang pag asa na mapansin nya Yung feelings ko."

"I'm sorry, kung wala akong magagawa para tulungan ka." Nag-angat ako nang tingin. Nag Tama ang mga Mata namin. "I'm not a love expert plus, I haven't experienced love."

"Love can bring you happiness or Pain." Pinunasan ko Yung luha ko at ngumiti. "Dati akala ko pag nainlove ka, magiging masaya pero Hindi pala ganon. Dahil Hindi lahat nang pag mamahal ay nasusuklian."

Nag hummed si rose at tumango. "Anong plano mo ngayon? Mag Momove-on ka? o mag tatanga tangahan?" Natawa naman ako sinabi nya.

"Tanga tangahan talaga? Di ba pwedeng nag mamahal Lang?"

"Sus, parehas Lang yon. Kaya kasi Nagiging masakit ang love kasi pinag pipilitan." Ngumuso naman ako sa sinabi nya. Humalakhak sya nang malakas at bahagya akong binatukan. Mas lalo akong ngumuso at hinawakan ang ulo ko. "Natamaan ka naman, syempre Joke Lang yon. Pero realtalk, Anong plano mo ngayon?"

"I kissed her." Pang babaliwala ko sa tanong nya.

"You did what?" Nanlaki Ang Mata nya dahilan para matawa ako. Natatawa Kasi ako sa muka nya. Sinamaan nya ako nang tingin. "Stop Laughing." Inis nyang suway. 

"Okey!" Nag angat ako ng kamay, Bilang pagsuko. "I kissed her and she slapped me."

"It's indeed one sided love." Bulong nya.

"I can hear you, ya' know."

"I assumed na finorce mo sya? That's not cool, lisa. It's considered as sexual harassment."

Nag iwas ako nang tingin. "Alam Kong mali yung Ginawa ko."

"Atleast you admitted it. Isipin mo nalang pag biglaan kitang hinalikan. anong mararamdaman mo? Diba magagalit ka? Consent is sexier, lisa."

Saglit akong natahimik sa sinabi nya at Bumuntong hininga bago nag salita. "She declared a war."

"Ano to? May pa war na magaganap?" Biro ni rose pero agad din nag seryoso. "Anong ibig sabihin non?"

"She will do anything to make me suffer hanggang masatisfy sya." Ngumiti ako nang mapait. I'm already suffering since the day that I fell inlove with her.

"And you think magagawa nya yon? Lisa, we're an idols, may reputation tayong hinahawakan. She's not that dumb."

"You don't know what Jennie is capable of."

"That's true, but I'm worried about you. Bakit 'di ka nalang mag apologize or something?"

Umiling ako. "As much as gusto ko yon gawin." Natigilan ako at tumingin sa reflection ko sa salamin. Bumuga ako ng hangin bago nag patuloy. "Pero may iba akong plano."

"What's your plan?" Kinakabahan nyang tanong.

"I'm desperate and inlove. I'll do anything to win her heart. Kahit masaktan ko sya o masaktan nya ako."

"So? kakalabanin mo sya? Are you kidding me, lisa? tingin mo magugustuhan ka nya pag ginawa mo yon? You're crazy."

"I'm crazy in love with her." Tumayo ako at tinitigan ang muka ko sa salamin. "Dalawa Lang Naman yan, it's either she will finally love me or hate me even more."

Clash With My Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon