Kanina ko pa napapansin na tulala si Jennie Kaya trinatry ko Yung best ko napangiti sya at gumagana naman kaya halos parang sumabog yung puso ko sa saya.
"Here." Binato nya sakin yung bottle water na agad kong binuksan at ininom, umupo sya sa tabi ko at inagaw yung bote at naki-inom din. Namula naman ako dahil nadampian yon ng labi ko.
Pero nahalikan ko na naman sya dati at kada naalala ko yon parang may paro-paro ba yon o bulate? Ewan pero parang may gumagalaw sa tyan ko, o baka nagugutom Lang ako?
Speaking of nagugutom, agad na dumating si rose na may dalang pizza. Napangiti ako at pumalakpak.
"Mga patay gutom!" Sigaw ni rose at nilapag yung pizza sa sahig. Pare-parehas kasi kaming nakaupo sa sahig dahil nag stretching kami.
"Nag salita yung kung makakain ng cake nung isang araw akala mo aagawan." Pag paparinig ni jisoo at umupo sa tabi ni rose.
Nakita ko kung paano lagyan ni rose Yung isang slice ng pizza ng maraming hot sauce at pinasok yon sa bibig ni jisoo na agad nanlaki Ang Mata dahil sa anghang.
Napailing nalang ako at kukuha na Sana ako ng abutan ako ni Jennie ng pizza. Nahihiya ko Yong kinuha sa kamay ko at nag simula na din kumain.
"Shit ka talaga! Alam mong ayaw ko sa maanghang!" Sigaw ni jisoo.
"Talaga ba? Sorry hah? No one informs me. my bad, don't worry next time konti nalang ilalagay ko."
"I hate you! Aissh!" Tumayo ang pikon na si jisoo at kumuha ng bottle water sa tabi ng pinto kung saan nakalagay yung refrigerator na nag lalaman ng mga tubig at kung minsan ay cokes and juices, kaso pinag da-diet kami Ng company kaya puro tubig lang kami ngayon.
"The feeling is mutual." May accent pang Sabi ni rose kaya natawa naman ako. Mahihin Kasi si rose pwera nalang pag nag sasalita sya ng english.
"Ang gulo mo din kumain noh?" Lumingon ako kay jennie. She reached my face and wipe my lips using her thumb. She pressed her thumb on my lips. "What are you waiting for? Suck it."
Namumula yung muka ko na sinunod tung Sinabi nya, Medyo namula din sya at binawi yung daliri nya staka pinag patuloy Yung pagkain.
"Nasty hoes." Bu-bulong bulong si rose at sumubo ng pizza habang nag lalaro ang ngisi sa labi.
"Cheater!" Sigaw ni jisoo na nakita kong pangalawang bote na yung iniinom. "Jowa ko Yan!"
"Shut up! Wala Kang jowa."
"Sus! inggit ka Lang rose, sige Tayo nalang."
"Yuck! Mandiri ka nga sa sinasabi mo." Napayakap pa ng katawan si rose at pandidiri ang mababasa sa muka nya.
Parehas kaming natawa ni jennie, she held my thighs dahil sa sobrang kakatawa nya ay muntikan na syang mauntog sa salamin.
Napangiti ako habang pinag mamasdan sya.
Maybe Tama yung naging desisyon ko. Dahil kahit tanggap ko na Hindi ako magugustuhan ni Jennie ay natutunan ko na kung paano maging masaya.
Kesa yung mga nakaraang araw na iniiwasan ko sya pero lagi naman akong umiiyak. Tama nga siguro, na at least may relationship kami sa Isa't Isa kahit mag kaibigan lang.
Moving on is a choice pero I choose not to move on, Kasi masaya ako sa nararamdaman ko kahit walang pag-asa na masuklian 'to.
Yes, it breaks my heart Everytime I see her with him, but I don't want to distance myself to her kasi feeling ko pinapatay ko lang yung sarili ko. Mas pinapahirapan ko lang yung sarili ko. I still want to stay by her side.
"Let's start!" Pumalakpak si coach deshina na kararating lang Kaya sabay sabay kaming napatayo sa pag kakaupo sa sahig. Nag prapractice kami ng sayaw ngayon, DDU-DU DDU-DU, after one year mag co-comeback ulit kami.
Alam Kong nag ta-taka Yung fans namin Kung bakit kami nawala ng ganon katagal, nag pag-alaman namin na mahina pala ang mga paa ni Jennie matapos matapilok sa stage at kinailangan operahan bago lumala, Kaya ilang buwan syang hindi nakalakad. Wala nagawa Yung company kundi ipatigil Yung comeback.
Niligpit muna namin yung kalat bago Nag simulang sumayaw, Medyo mahirap yung choreography ngayon pero madali lang sakin 'to dahil pagkabata ko palang ay pag sasayaw na ang ginagawa ko.
Ang mahirap turuan samin ay si jisoo, Medyo matagal syang maka-gets ng steps pero kahit ganon bilib din kami sa kanya dahil kahit di talaga sya ka-galingan sumayaw ay nakakasabay sya samin.
Sa kalagitnaan ng pag sasayaw ay nakaramdam ako ng parang may nakadag-an sa dibdib ko, nahihirapan akong huminga. Pinilit ko Lang tapusin Yung kanta bago dali-daling lumabas. Nakita ko Yung confusion sa muka nila pero binaliwala ko yon at pumunta sa pinakamalapit na restroom at pumasok sa bakateng cubicle, sinara ko yung takip at umupo don.
Hindi ko alam ang nangyayari pero parang kinakapos ako nang hininga at parang may mabigat na bagay na nakapatong sa dibdib ko. I tried to breath, halos maiyak ako dahil parang pag mas Lalo akong humihinga, ay mas lalong bumibigat yung dibdib ko at mas Lalo akong nahihirapan.
Medyo kulong pa Naman 'tong restroom Kaya mas Lalo akong nahihirapan huminga. Hindi din ako makatayo dahil nanginginig ang buong katawan ko.
Nag luluha na ang Mata ko sa sobrang hirap huminga. Sinubukan kong mag relax hanggang unti unti umayos yung paghinga ko.
Nakarinig ako ng pag sara ng pinto at hikbi. Pinunasan ko yung pawis ko at lumabas. Naabutan kong umiiyak si jennie habang nakatingin sa salamin. Nag tama ang mga mata namin at Kita ko ang gulat sa mga mata nya. She immediately wipe away her tears at tinatanong ako. "What are you doing here?"
"Peeing?" Patanong kong sabi. I lied but sabi ko nga dati wala naman masasaktan kapag nag sinungaling akong okey ako kahit hindi.
"Right." Tumawa sya at nag hilamos ng muka.
Kinagat ko Yung labi ko para mag ipon nang lakas bago nag tanong. "Bakit.. Bakit ka umiiyak?"
"Umiiyak ako Kasi masaya ako." Ramdam ko Yung sarkastiko sa paraan ng pag sagot nya. "Staka Wala lang yon."
Hinawakan ko sya sa balikat Kaya napatalon sya. Nahihiya kong binawi yung kamay ko. "I know something's wrong."
"If meron nga, may magagawa ka ba?"
Umiling ako. "Pero baka makatulong ako."
"Tulungan? Bakit mo naman ako tutulungan?" Natatawa nya pang tanong pero ramdam ko yung sakit sa boses nya. "There is only person who can help you, at sarili mo lang din yon."
Tinitigan ko yung muka nya sa salamin. "Bakit Hindi ka ba tumatanggap ng tulong?"
"I don't need help. I can handle myself." Aniya bago dali daling umalis.
I'm worried about her, ngayon ko lang sya nakitang umiyak nang ganon. I know something's wrong at gusto ko yon alamin.

BINABASA MO ANG
Clash With My Crush
Fanfic"Dalawa Lang Naman yan, it's either she will finally love me or hate me even more." - Lalisa manoban She starts to fight her in order to make her fall in love, she knows the consequences of her action but she's so desperate to win her heart. Love c...