fourteen

1.7K 29 0
                                    




"If I calculated kung ilang buwan mo nakasama si Jennie bago mo sya natutunan mahalin." Tumigil si rose at nag angat ng tingin sakin. "9 months? Tama ba?"

Tumango ako. Napalingon ako kay jisoo at nakita kong namumutla sya sa 'di malamang dahilan. Nung nag tama ang mata namin ngumiti sya na parang walang nangyari.

"After non, paano mo nakayanan lahat? I mean 2 years mo syang minahal nang di nya namamalayan?"

"Hindi ko din alam kung paano ako nakatagal, Kasi habang naco-confused ako sa nararamdaman at sexuality ko ay patuloy parin ang pangbubully nya sakin. Ang pinakamasakit non, dahil sa pag mamahal ko sa kanya ay hindi ko magawang mag tanim nang galit. Ayun siguro Yung pag kakamali ko, hinayaan ko na saktan nya ako habang mas lumalala Yung nararamdaman ko sa kanya."

"Naguguluhan parin ako." Sabi ni jisoo. "Paanong nangyari na mas nagustuhan mo sya lalo kung wala naman syang ginagawang mabuti sayo? Diba naiinlove tayo pag pinapakitaan tayo ng mabuti?"

"That's right though." Sagot ko. "Pero mas lumalamang sakin yung mga kaunting magagandang bagay na pinapakita nya. kahit ilang beses nya ako saktan, kahit ilang beses nya ako ipahiya, Hindi ko magawang magalit. Kasi kahit ganon sya, ay pinapahalagahan nya din ako."

"Ya' know what may explanation dyan, may mga tao talaga nai-inlove bunga ng violence and abuse." Napalingon lahat kami kay bammie.

"Paano?" Medyo natatawang tanong ni rose. "Hindi ako matalino, at lalong lao wala akong alam sa love, pero paano ka maiinlove kung sinasaktan ka lang? It doesn't make sense."

"It makes sense, dahil habang sinasaktan ni Jennie si lisa ay pinapakitaan nya rin ito ng mabuti. Yung hate nagiging love, dahil naco-confused Yung biktima."

"You mean, minapulate ni Jennie si Lisa? Sinadyan nya yon?" Gulat na tanong ni jisoo.

Tahimik lang ako at nakikinig pero sobrang lakas nang kabog Ng dibdib ko.

"Actually no, I think Hindi naman siguro sinasadya ni Jennie yon." Nakipag-titigan sya sa Mata ko. "Like to hate, and hate to love."

"Bammie is right." Natahimik sila nung nag salita ako. "When I first saw jennie, nagustuhan ko sya dahil sa magaganda nyang katangian, she's beautiful and strong. Pinagtangol nya ako sa mga bullies ko. Nag simula akong magalit sa kanya dahil pilit nya akong binabago, sa pamamagitan ng pang bubully sakin, Gusto nyang matututo akong lumaban at saktan din sya pabalik, kahit ayaw kong manakit ng tao. I hate that she wants to change me, I hate that she always bully me and provoking me to do something I really don't want and I hate that I'm slowly starting to love her. Dapat magalit ako sa pang-bubully na ginagawa nya pero kahit 'di ko man aminin ay na-a-aappreciate ko yung gusto nyang gawin sakin, pero hindi Kasi ganon yon. Hindi nya ako mababago sa pamamagitan nang pang bubully na ginagawa nya, ayun ang kasalanan nya at ang kasalanan ko naman ay dapat lumaban ako nung una palang para lubayan nya ako, pero siguro Kasi nae-enjoy ko din yung atensyon na binibigay nya sakin." Huminga ako nang malalim at bago nag baba ng tingin. "She bullied and protect me at the same time, na confused ako ng sobra. I should hate her, Pero nauwi lahat sa love."

"Pero paanong patuloy mo parin syang minahal?" Medyo nakaramdam ako ng inis dahil sa puro tanong ni jisoo. Si bammie na ang sumagot para saken.

"Dahil kumbaga masyado na syang hulog para umahon pa, staka parang pag mamahal lang yan sa parents mo kahit gaano pa sila ka-sama sayo, mamahalin mo parin sila dahil magulang sila."

"Pero hindi naman kadugo ni Lisa si jennie."

"Omygod, stop asking a question, dumb bitch."

"Did you just called me dumb bitch?!"

Clash With My Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon