twenty

1.6K 26 0
                                    


Sinundan ko si Jennie nung lumabas sya nang cubicle, I know I look like a stalker but I'm just worried about her.

Nakasandal sya sa pader sa likod ng YG habang may tinatawagan sa phone. Nag tago ako kung saan hindi nya ako mapapansin o makikita. sumandal ako sa pader.

"are you sure that you're breaking up with me?" Yung paraan nung pag sasalita nya ay para may kumurot sa puso ko. Bakit ba ako nasasaktan? Diba dapat maging masaya ako na mag hihiwalay na sila?

"Did I do something wrong? Ano bang ginawa ko para hiwalayan mo ako? Ang sakit Kasi kai, hindi naman Kasi pwedeng ganon na lang."

Napapikit ako at dinadama ang malamig na simoy na hangin. Kumakabog nang malakas ang dibdib ko pero pinilit Kong maging kalmado.

"Ganito nalang ba? Mag tatapos nalang ba kasi nag sasawa k-kana?" Narinig Kong nag Crack boses nya. "May kulang ba sakin? Ano bang mali? Please sabihin mo na sakin kai, para maitama ko pa. J-just don't leave me."

She sounds so desperate and it breaks my heart. Bakit ba ganito kasakit ang love? Bakit kailangan natin dumanas nang ganito?

"H-Hihintay kita sa park kung saan tayo laging nag kikita, pag pumunta ka ibig sabihin itutuloy parin natin 'to. maghihintay ako hanggang umaga, pag di ka dumating hahayaan na kitang lumaya."

Sumilip ako at nakita kong umiiyak na sya habang nakayakap sa tuhod. Gusto ko syang yakapin pero natatakot ako.

Naramdaman ko nalang tumulo ang Luha ko habang pinapanood ko syang umiyak. Umatras ako at umalis. Anong gagawin ko?

Nasasaktan yung mahal ko pero wala akong magawa. Dapat nga matuwa ako dahil may chance na ako, pero Hindi ako ganon. Gusto mo maging masaya sya dahil choice nya yon. Ayoko nang ipag pilitan ang sarili ko.

Napahawak ako ng dibdib dahil nag sisimula na naman akong mahirapan huminga. Tumigil ako sa isang bench na nadaan ko at umupo. I closed my eyes and i allowed myself to breath kaso paano kung tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko?

Nung makarinig ako ng yapak ng mga paa ay pinunsan ko yung luha ko. Nagulat ako nung makita ko si coach deshina sa malayo kausap si jennie.

Hindi ko marinig yung sinasabi nila pero halatang seryoso. Buti nalang at Hindi nila ako nakikita kung saan ako nakaupo.

Siguro ay mag sisimula na ang practice. Inayos ko muna Ang sarili ko bago nag lakad papuntang practice room. Naabutan Kong nag lalaro ng rock paper and scissor si jisoo at rose.

"Play fair!" Reklamo ni rose. "Masyado Kang madaya."

"Masyado Kang mahina." Pangaasar ni jisoo. "Loser!"

Umupo ako sa sahig at tinitigan ang reflection ko sa salamin. Nakita kong lumapit narin si jisoo at rose sa tabi ko. Umupo sila sa mag kabila ko. Jisoo lay her head on my shoulder bago nag salita. "I have a feeling na may nangyayari na naman hindi maganda."

"Baka feeling mo Lang yon." Biro ko at tinulak yung muka nya. Natawa ako sa nakasimangot nyang muka.

Hindi nag tagal bumalik narin si Jennie at coach deshina. Nag simula na kaming mag practice at inabot kami ng gabi. Napaupo ako sa sahig sa sobrang pagod, kataka taka na sobrang bilis ko atang mapagod ngayon.

"That's all for today." Nakita ko ang pag sulyap ni coach deshina Kay Jennie bago umalis. Walang sinabi si Jennie at Dali daling umalis din.

"Mag sta-stay ka ba dito?" Tanong ni jisoo. Sya nalang naiwan dahil nauna si rose mag sisimula na daw Kasi yung spongebob.

"Uuwi din ako, may gagawin lang ako." Nag kibit balikat sya at hindi na nag tanong pa. Nag paalam sya kaya tumango lang ako nang tipid. Naiwan akong nakatutula ulit sa reflection ko. Hindi ko alam kung nag ooverthink ba ako pero kasi parang mas lalong ako pumapayat, Medyo pansin narin Yung eyebags ko dala nang pagpupuyat. 

Napabuntong hininga ako bago inaalala yung nangyari kanina. Hindi ko alam Kung bakit ganon yung reaksyon ko, dapat maging masaya ako Kasi pwede ko Yong gamitin para pa-ibigin si jennie.

Kaso ayaw kong tuluyan syang magalit sa akin. Nung Huli Kong pinag pilitan ang sarili ko sa kanya ay Sinampal nya ako.

Matagal na akong pilay para ipag patuloy pa yung pag mamahal ko sa kanya. Masyado na akong pagod para tumayo at subukan pang abutin Yung puso nya.

Lalo na nung nakita ko kung paano sya umiiyak dahil Kay kai.

Kaya gagawin ko lahat para hindi sya masaktan. Alam kong selfless pero anong magagawa ko? Ganon naman talaga ang love, it's either ipag lalaban mo hanggang kamatayan o mag paparaya ka para sa ikakasaya ng taong mahal mo.

I reached my old phone to dial Kai's number. Nasira kasi yung phone ko nung nakaraan kaya wala akong nagawa kundi gamitin yung luma ko na puro basag din Yung screen. Pinag ta-tyagaan ko lang dahil pag katapos ng comeback makakabili din ako.

Ilang minuto yata akong nakatitig sa pangalan ni Kai bago yon pinindot para mag simula na syang ma-contact. Wala pang ilang Segundo ay sumagot agad sya. 

I closed my eyes, i'm doing this for you, jennie.

"Let's talk."

Clash With My Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon