thirty three

1.2K 23 2
                                        

"Ano bang ginawa mo kay jennie? Bakit sya namumula? May sakit ba sya? Kailangan nya na bang madala sa mental hospital?"

Napakunot ang noo ko sa huling tanong ni jisoo. Binato ko sya ng kapiraso ng mansanas at napangisi ako nang tumama yon sa noo nya.

"This is violence." Reklamo nya at kumuha ng prutas sa basket. Sumubo sya ng grapes bago tumayo. "Pero seryoso ano bang meron kay jennie ngayon?"

Napatahimik muna ako bago sumagot. "it's because of my assumption." Sagot ko. pinag masdan sya sa malayo. She's talking to a little girl na kanina ay kalaro nya. She looks okey pero pa minsan minsan ay natutulala sya.

"Ano?" Nakita kong Ngimiwi si jisoo. "So ikaw nga may kasalanan."

Hindi ako sumagot. Totoo naman kasalanan ko dahil pag katapos kong sabihin na nag seselos sya ay bigla nalang nya akong tinalikuran at hindi din mawala sa isip ko yung pamumula ng pisngi nya. I can't lie na sobrang cute nya nung mga oras na yon.

"Bakit ba ganyan kayong dalawa." Pag basag ni jisoo sa katahimikan. Lumakas ang hangin kaya nagulo ang buhok ko. Inipit ko yung nakaharang na buhok sa muka ko bago muling humarap kay jisoo pero hindi ko napigilan matawa dahil nakatulala sya sakin.

"Jisoo?" Natatawang tanong ko.

"Umm.." napakamot sya ng ulo bago tumikhim. "Minsan mag ka away kayo tapos minsan naman parang mamatay kayo pag nagkahiwalay kayo."

"Hindi ko din alam." Muli akong tumingin kay jennie. "She's my life."

"Paano mo sya naging buhay? Heck! Kaya nyang mabuhay ng wala ka. Eh ikaw? Kaya mo bang mabuhay ng wala sya? Diba hindi? tragic." Pang re-real talk nya na kinatawa ko kahit may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi nya. "Naku lili, baka ikamatay mo yang pag mamahal na yan. Tch! Dyan ka na nga hahanapin ko muna yung bulaklak."

Napayuko ako pag katapos umalis ni jisoo. May tumutulo nang luha sa mata ko na pinag sawalang bahala ko. Masyado na akong sanay sa sakit. Ni hindi ko na nga magawang umiyak minsan dahil para saan pa? Kahit anong iyak ko hindi ko mababago ang sitwasyon.

Agad kong pinunsan ang luha ko at niligpit yung mga kalat namin. Nawala na ang sinag ng araw kaya pwede na akong umalis sa pag kakasilong sa ilalim ng puno. Maraming pamilya ang nasa paligid na katulad din namin na nag pi-pik nik.

Ang kagandahan sa lugar na ito ay exclusive. Maraming artista ang madalas pumupunta dito para sa privacy at mas nakakapag relax kami dito kahit papano.

Nagulat ako ng may yumakap sa binti ko. Isang batang babae ang nakangiti sakin. Inangat nya ang mga braso nya na tila nag papabuhat sakin.

Paano ko ba 'to tatanggihan? Natural na mapula yung pisngi nito at kahit bata pa ay pansin ko na ang kagandahan nito.

"boo!" She giggled.

Ano ako multo?

Napangiwi ako. Kung hindi lang sya cute naibato ko na sya sa taas ng puno.

"Nini!" Turo nya sa papalapit na si jennie. Nag iwas sya ng tingin sakin at inabot yung batang hawak ko. "Unnie! That girl! She looks like! Like! Ummm? Oh! Boo!"

"Boo? Why though?" Malambing na tanong ni jennie.

"Boo has a big eyes and! And! a bangs!"

Kamuka ko ba talaga yung boo na sinabi nung bata? Baka multo talaga ang tinutukoy ng batang 'to. Sa totoo lang nakangiti ako ngayon pero gusto kong tirisin yung buhat ni jennie ngayon.

"Boo from monster inc, isn't it?"

"Uh huh!" Nakangiting sagot nung bata at pilit akong inaabot. "Boo!"

Sinamaan ako ng tingin ni jennie nung napansin nyang nag aalangan ako. Nakangiti kong binuhat yung bata. "Kamuka ko ba talaga sya?"

"you and boo! Adorable!" She giggled again and hugged me. At that moment my heart melted. Who am i lying? I love kids. They're all precious and needed to be protected.

"She likes you." Ngumiti ng matamis si jennie. Napatalon ako ng hawakan nya ang buhok ko. Inilagay nya yung takas na buhok sa likod ng tenga ko.

"Hanggang ngayon ba hindi ka parin marunong mag ayos ng buhok?" Marahan nyang tanong at inilayo ang kamay nya.

Nung mga oras na yon hindi ako makagalaw. Rinig na rinig ko sa tenga ko yung malakas na tibok ng puso ko. Para akong aatakin dahil sa ginawa nya.

"Nini! Boo! Mama needs me na!"

Agad kong binaba yung bata at dali dali itong tumakbo sa isang middle age na babae.

"Kung pwede ko lang sya iuwi ginawa ko na. i wonder kung mag kaka anak ako."

"Why are you not sure?"

Hindi sya sumagot at basta nalang ako tinalikuran. Wala akong nagawa kundi sundan sya pero hinarang ako ni rose. "We need to talk."

Nakaramdam ako ng kaba dahil seryoso ang muka nya. "Anong pag uusapan natin?"

"It's about–" hindi ko na narinig ang sinabi nya dahil naagaw ang atensyon ko kung sinong parating.

Irene.

Bakit nandito sya? Nakaramdam ako ng inis at nilagpasan si rose. Narinig ko ang sigaw nya pero hindi ko sya pinansin. Dere-deresto lang ako ng lakad hanggang makarating ako sa likod ng puno. Gusto kong marinig kung ano man pag uusapan nila.

"It's getting out of hands huh." Narinig kong sabi ni irene. "You can't control the situation if patuloy mo syang sinisingit."

"I don't know what to do. Para na akong mababaliw."

"You know i can't help you with that. Get your shit together jennie. Parang hindi na ikaw yung kilala ko dati."

Nakita kong umalis na si irene at hindi ko mapigilan ang sarili kong sundan sya. Tumigil sya at humarap sakin. Nakataas ang kilay nya at sumisilay ang mala demonyong ngisi sa labi nya. "Why are you following me lisa? Buntot ba kita?"

"I thought kaibigan ka ni jennie? Bakit hindi mo sya tulungan?"

Umangat ang kilay nya. "First of all bakit ka nakikinig sa usapan namin? Freak."

"i don't trust you irene baka nakakalimutan mo."

"Whatever." Umirap sya. "She's my friend pero hindi ibig sabihin non tutulugan ko sya sa lahat ng bagay. I answered your question, now get lost."

"Tangina." Hindi ko mapigilan mainis at napakuyom ako ng kamao. "She needs your help tapos wala kang balak na tulungan sya? Ano klase kang kaibigan?" 

"You don't know anything lisa, if i were you i will just shut my mouth."

Naiwan ako sa tapat ng parking lot habang nag-iisip dahil sa sinabi ni irene. Ang totoo na frufrustrate ako kada naiisip kong wala akong magagawa para kay jennie puro nalang ako iyak dahil hindi nya ako magawang mahalin, pero sya lagi nya akong tinutulungan kahit alam ko minsan may mabigat syang dinadala.

Pero alam ko hindi ko sya matutulungan dahil paano? Ni hindi ko nga alam problema nya.

"Jennie?" Nagulat ako ng mapansin ko sya sa dulo ng parking lot. Natigilan ako ng marinig ko ang hikbi nya.

Bakit sya umiiyak? Nakaramdam ako ng galit sa puso ko dahil iniisip ko palang na may nanakit sa kanya ay feeling ko makakapatay ako. Hindi ko man kilala ang nag paiyak sa kanya pero sisiguraduhin ko na malalaman ko din yon at hindi ko papalagpasin ang ginawa nya sa pag papaiyak sa taong mahal ko.

Tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya. "Lisa?" Nag angat sya ng tingin.

"Come here." I opened my arms. Dahan dahan sya lumapit sakin bago ko sya nakulong sa bisig ko. May binulong sya na dahilan kung bakit hindi ko narin mapigilan mapaluha.

"Lisa? Bakit ba kailangan natin masaktan? Bakit kailangan natin lumuha? Kelan ba matatapos ang sakit nato? Para akong pinapatay nito." She said as she cried louder.

Clash With My Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon