Hindi ko alam na mas may isasakit pa pala yung nararamdaman ko ngayon, Kung noon, nasasaktan ako kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin yung feelings ko, nasasaktan ako Kasi bestfriend lang turing nya sakin.
Ngayon nasasaktan ako sa mali kong desisyon, Na ngayon hindi na kami mag bestfriend at wala na akong pag-asa dahil may nag mamay-ari na ng puso nya.
Nakakatawa dahil mismong kaibigan ko pa yung minahal nya, yung dalawang taong importante sakin nag mamahalan ngayon. Wala akong magawa kundi manood at pigilan yung feelings ko
Paano ko nga ba ipag lalaban yung feelings ko? Kung game over na? Ayaw ko naman sirain relasyon nila o ipag pilitan pa ang sarili ko.
Ang tanging magagawa ko nalang ay masaktan habang pinapanood sila. Habang iniisip na sana ako nalang si kai. Mananatili nalang ako sa sana.
Pero ang pinaka-sana ko lang naman ay matapos na Yung sakit na nararamdaman ko, sawang sawa na yung puso ko na masaktan at umasa.
Masyado na akong Nagiging tanga.
Bakit ba Kasi ganito Ang pag ibig? Bakit di nito ako magawang pasayahin, kahit minsan Lang?
"Really? Hmmm... Kumakain ka na ba?... Yes, I'm about to sleep.... Thank you kai..... I love you too.... Goodnight..."
Dumaan sa harap ko si jennie, Hindi nya ako napansin pero kelan nya ba ako napansin? Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto nya.
Dun kumawala Yung luha sa Mata ko.
Sobrang saya nya, nakikita ko sa Mata nya na Mahal nya si kai. Nasasaktan ako pero anong magagawa ko?
Ang sakit sakit na sobra, parang gusto ko nalang mag laho.
Agad kong pinunasan ang luha ko ng makarinig ako ng hakbang. Nilingon si rose na nakangiti sakin, tumabi sya sakin at niyakap ako. "Alam Kong nahihirapan ka ngayon, Basta tandaan mo lang nandito ako."
"Kung saan meron akong superpowers, Hindi para pa-ibigin sya, kundi kalimutan Yung nararamdaman ko sa kanya. Kasi rose, napapagod na ako. Kasi kahit saang angulo Wala na akong makitang konting pag asa, tingin ko ay wala nang kwenta na ipag patuloy ko pa 'tong nararamdaman ko."
"I know." Hinawakan nya ako sa kamay at hinila patayo. "Let's go, dun Tayo sa rooftop."
Hindi na sumagot at sumunod nalang sa kanya. Sobrang lalim na iniisip ko at ni 'di ko namalayan nakarating na kami. Umupo ako sa bench, agad tumabi sakin si rose.
"You know what, hindi ako manhid o bulag para Hindi maramdaman Yung nangyayari sayo. Nasasaktan ako bilang kaibigan mo, Kasi unti unti nang nawawala Yung sigla sa mga Mata mo."
"I lost myself, sa sobrang pag mamahal ko sa kanya nakalimutan ko na yung sarili ko."
Nag hummed sya. "Yung tanong ko nung isang araw, paano ba kayo naging mag bestfriend?"
Niyakap ko Ang sarili ko at Bumuntong hininga. "I once saved her."
"From what?"
"From killing herself."
"Jennie!" Sigaw ko at hinila sya para pigilan ang pag talon nya sa balcony. Mas malakas ako sa kanya Kaya nagawa ko syang buhatin at ibaba.
Namumula ang mga Mata nya, at halatang pagod na pagod dahil sa eyebags sa namumuo sa ilalalim ng mga Mata nya. Tumawa sya at tinulak ako palayo sa kanya. "S-Stop overreacting lisa, nag sta-star gazzing lang ako."
Halata na lasing sya. "Jennie, why would you do that?"
"Do what?"
"You almost killed yourself!"
Tumawa sya at biglang nag seryoso. "I'm not trying to kill myself, Lisa! I'm just having fun! Look at the sky, diba puro stars!" Inangat nya ang kamay sa era. Nakita ko ang pag tulo ng luha sa mga Mata nya. "You see those stars? ang kinang nila. They're all equally beautiful. Pero may mas malaki at may mga stars na Hindi kasing liwanag ng iba."
"Jennie–" umupo ulit sya sa edge ng balcony, nanlaki Ang Mata ko at sinubukan Kong lumapit.
"Don't!" Sigaw nya. "Lisa, you see. That's how unfair our life is. Bakit 'di nalang pwedeng pantay pantay tayo? Bakit kailangan laging may umangat at maiwan?"
"H-hindi ko alam ang ibig mong sabihin. Please! Jennie bumaba ka na dyan." Unti unti akong lumapit, nakatitig lang sya sakin. Muntikan na syang mahulog dahil nawalan sya ng balance. thank god, buti nalang at nahawakan ko sya sa braso.
Niyakap ko sya nang mahigpit. "I was so scared, don't do that again." Naiiyak Kong Sabi at hinalikan sya sa ulo.
"She passed out, dun mo ako naabutan at tinatanong Kung anong ginagawa namin sa kwarto mo."
"Omygod, so Jennie almost killed herself inside my room." 'Di makapaniwalang sabi ni rose. Natigilan sya at humarap sakin "Pero bakit ka agad umalis nung pag katapos non? I was confused kasi tinatanong Kita nung Gabi yon, pero Hindi ka sumagot at bigla kang nawala."
Nag iwas ako nang tingin. "Sinisisi ko Yung sarili ko sa nangyari."
"Why?" Kumunot ang noo nya.
"Nung gabing yon niyaya nya ako sa bar, sinubukan ko syang pigilan, pero kilala mo si Jennie matigas ang ulo non. Wala akong nagawa kundi samahan nalang sya. Feeling ko sobrang laki ang problema nya nung Gabi yon at ayaw nya sabihin sakin. Habang nasa bar kami bigla syang nawala, I tried to find her everywhere hanggang sa tumawag sakin si jisoo at tinatanong ako Kung bakit umuwi nang lasing si Jennie. Kaya Dali Dali akong umuwi ng dorm at nahanap ko sya sa kwarto mo. nakita ko kung paano nya muntikan patayin ang sarili nya. I blamed myself, dahil kundi sya nalasing Hindi nya magagawa yon, Sana pinigilan ko sya. R-rose i-i almost l-lost her."
Inakbayan nya ako. "It's not your fault, lisa. I'm sure di nya rin sinasadya." Ngumiti sya. "So pag katapos non naging mag bestfriend na Kayo?" Tumango ako.
"Pero ngayon may Kai na sya, 'di nya na ako kailangan." Malungkot Kong sabi.
"That's not true, kailangan ka parin nya. Bilang kaibigan."
"Bilang kaibigan." Tumawa ako kahit ang sakit sakit na dibdib.

BINABASA MO ANG
Clash With My Crush
Fanfic"Dalawa Lang Naman yan, it's either she will finally love me or hate me even more." - Lalisa manoban She starts to fight her in order to make her fall in love, she knows the consequences of her action but she's so desperate to win her heart. Love c...