"It's nice to see two again." Ngumiti si rose at nakipag beso sa dalawa. Umupo sa tabi ko si bambam at inakbayan ako.
"Stop touching me, bammie. Gusto mo nang sapak?" Nag angat sya ng kamay biglang pag suko. "Anong ginagawa mo dito?"
"Masama bang bisitahin ang childhood Bestfriend ko?" Pilyo nyang tanong at pasimple akong kinurot sa pisngi. "I miss you, lala."
Hinampas ko sya braso. "Lala? Tigilan mo na kakatawag sakin nyan!"
"Tigilan mo rin kakatawag sakin ng bammie, masyadong bading pakinggan."
"E Diba bading ka naman talaga?" Nag angat sya ng tingin.
"Bading sayo." Seryoso nyang Sabi. Kinabahan naman ako, pero agad syang Humalakhak nang Malakas. "Joke lang! alam ko naman yung mga tipo mo, at hindi ako kasali don." Bulong nya pero narinig ko o sadyang sinadya nya.
Kunpimook Bhuwakul, or bambam or bammie. Sya ang childhood bestfriend ko, Ang superhero ko nung bata, lagi nya akong nililigtas sa mga kaaway namin na mga Bata din. Simula palang ay lagi na syang nasa tabi ko. Mag kasabay kami nangarap na maging idols, kahit imposible dahil parehas kaming galing sa thailand, staka madalas ay Japanese at Chinese lang ang kinukuha ng mga Korea companies. Buti nalang at nag karon ng himala. parehas Kaming napili at nag debut kaso mag kaibang company.
Pero kahit ganon hindi kami nawawalan ng connection sa isa't isa. Paano ko ba kakalimutan ang Bestfriend slash superhero ko?
Alam kong may lihim na pag tingin sakin 'tong gagong 'to pero kahit ganon ayokong mag assume, natural flirty kasi sya kahit kanino, ngayon nalang ay nakikipag tawanan sya kay rose na may pahawak pa sa kamay.
Ang hindi alam ng fans ni bammie, may pag ka-playboy 'to i mean literal na playboy. Hindi ko na mabilang Kung ilan' ang napaiyak nyang babae, Hindi nya naman sinaktan intentionally pero parang ganun nga. Kaso ang nangyayari at Hindi ko alam Kung paano nya napapaniwalang yung babae Yung may kasalanan, kahit sya talaga. Matalinong gago.
"Lisa." Napaangat ako nang tingin nang tawagin ako ni Kai. Naging mag kaibigan kami dahil minsan syang naging YG trainee kaso nalipat sya sa SM. Parehas namin hilig ang pag sasayaw Kaya nag click kami at naging close.
"Kai." Ngumiti ako habang iniiwasan ang matalim na tingin ni jennie. Hindi ko Alam Kung bakit masama ang tingin nya sakin. "What brought you here?"
"Actually, we have an announcement." Nag salita si Jennie kaya mas lalo akong kinabahan.
"Announcement?" Biglang lumabas si jisoo ng kusina. May kinakain itong tinapay na di ko alam ang tawag.
"Spill the tea, sis." Ngumisi si rose.
"Wait? Announcement? Shit! ba't Wala akong alam dito? Ano ba Yan! Dude!" Nag kamot ng ulo si bammie Kaya sinamaan ko sya nang tingin. Nasa seryoso kaming sitwasyon.
Nag lakas loob akong mag tanong. "What is it Jennie?"
"But first let's settle ours first." Tumitig sya sa Mata ko. "I realized masyado nang childish yung ginagawa natin, we have to stop. Staka lisa, I don't know if you're dumb or Wala ka Lang talagang pakealam. Ya' know Kung bakit ako nakipag kaibigan sayo, para matututo Kang Lumaban. Now, you finally did it. Wala ka nang kailangan sakin, Kaya leave me alone. And what you did to me? I don't forgive you, never. Kasi I do respect your sexuality, you should've respect mine. If Hindi mo Alam or kung kailangan ko pang ipaalala, I'm straight, I like boys. Kaya Kung ano man namumuo dyan sa puso't isip mo, tigilan mo na. You can't changed my sexuality especially my heart."
Para akong sinaksak ng ilang beses dahil sa sinabi nya, she's right. I can't changed someone's sexuality especially their heart. Pero kahit ganon? parang kahit sinasampal na sakin Ang katotohanan bakit gusto ko parin lumaban?
"Am i clear, lisa?" Walang emosyon ang mga mata nya. Hindi ako sumagot at nag iwas ng tingin. "Now, siguro nag tataka kayo or may hinala na kayo but me and kai, we're in a relationship."
Tuluyan nang naglaho ang pag asa ko. Hindi ko alam, nung mga oras na yon nasabi ko sa sarili ko.
The Game is over.

BINABASA MO ANG
Clash With My Crush
Fanfiction"Dalawa Lang Naman yan, it's either she will finally love me or hate me even more." - Lalisa manoban She starts to fight her in order to make her fall in love, she knows the consequences of her action but she's so desperate to win her heart. Love c...