"Hindi ko mai-imagine na halos tatlong taon ka na ganon, 'di ko man lang napansin lahat." Tumigil kami sa kotse nya. Inalalayan nya akong pumasok at sinara ang pinto. Umupo sya sa driver seat. "Alam mo, mag break ka muna sa lovelife na yan. Bumalik muna tayo sa pag kabata."
"Pag kabata?" Kinabit ko yung seatbelt ko.
"Alam mo ba Kung gaano kasarap maging Bata? Kasi wala pa tayong muwang, puro happiness lang iniisip natin, habang lumalaki tayo palungkot tayo nang palungkot.
"Tama ka naman dyan, pero paano tayo babalik sa pag kabata?"
"You'll see." Ini-start nya na yung sasakyan at tumingin ako sa labas ng bintana. "Alam mo yung unang beses tayo nag Kita?"
Nag hummed ako. "Umiiyak ako Kasi nahulog yung ice cream ko kaya nilapitan mo ako at pilit pinatahan."
"Nung hindi kita mapatahan sinasabi ko kay mama na ibili ka ng bago, pero alam mo mahirap lang din kami non kaya Hindi nya ako binigyan ng pera."
"Tapos dahil loko-loko ka ay inaya mo akong mamalimos para makabili Tayo ng ice cream." Natatawa Kong pag papatuloy.
"At least nakabili tayo, kaso parehas tayong pinagalitan ng mga magulang natin, dahil din don napalapit tayo lalo dahil naging mag best friend ang mom mo at mama ko."
"Good memories."
"It is indeed a good memories, dahil ice cream palang Yung problema natin noon. Ngayon may pera na Tayo, pag ibig naman at babae ang prinoproblema natin." Natatawa nyang Sabi at niliko Yung sasakyan.
"Bakit na-momoblema kadin ba sa lovelife mo?"
"Oo naman, kasi kahit kaplayboy ako marunong din naman ako mag mahal."
"Kaya din siguro Tayo naging mag bestfriend dahil parehas tayong Playgirl at playboy." Nanlaki ang mata ko nang mapansin ko papunta kami ng isang park. Nag park muna sya bago kami bumaba at nilock nya ang sasakyan nya. Tumakbo ako sa pinakamalapit na bakanteng swing at umupo.
"Tingin mo, mahirap ba syang mahalin o madali ka Lang mainlove?" Biglang Tanong ni bammie at umupo sa isa pang swing.
Mas nilakasan ko yung sipa para mas umangat ako, pumikit ako nung tumama uung hangin sa muka ko. "Mahirap syang Mahalin at Tama ka, madali akong ma-inlove."
"Nakakapag taka, napakarami mo nang napaiyak na lalaki sa Babae din pala bagsak mo." Tumigil sya sa pag swi-swing kaya tumigil din ako.
"Wag Kang mag salita nang tapos, mas marami kang pina-iyak na Babae, baka sa lalaki din bagsak mo." Pangaasar ko.
"Hoy! Hindi mangyayari yon! Staka eww? Paano ako mag kakagusto sa lalaki? Jezz! iniisip ko palang na makikipag sex ako sa kanila nandidiri na ako."
Sinamaan ko sya nang tingin. "Hindi ko tinatanong yung sex life mo. Ang tanong ko lang paano Kung mainlove ka sa lalaki."
"Alam mo lisa, part ng relationship ang sex, Kaya pag nainlove ako sa lalaki dapat top ako."
"Top?" Kumunot noo ko.
Umiling iling sya at tumawa ng malakas. "Wag mo nang alamin. Alam ko karamihan sa girl and girl relationship ay switch."
"Switch?"
"My my my." Ginulo nya yung buhok ko at tumayo. "Wag mo nang alamin, hayaan mo pag nag sixth month old ka na papaliwanag ko sayo."
"Anong tingin mo saken? Five month old?"
"Oo kase di mo kayang kumain ng matigas."
Tangina talagang bammie 'to, anong akala nya hindi ko naintindihan sinasabi nya? Oo, nag papanggap Lang ako pero syempre alam ko at naintindihan ko ang mga sinasabi nya dahil hello! nag kakagusto parin ako sa lalaki. staka well, may experience narin ako at hindi ko yon kinakahiya pero hindi ko din pinag mamayabang, hindi Naman ako kagaya ng mga ibang lalaki at babae na kiss and tell sa tropa.
And as a teenager mabilis talaga tayong mag-tiwala pero pag nag mature tayo, ma-rerealized natin na 'di puro lang sex ang relasyon. Na Hindi natin kailangan ibigay ang sariling katawan natin para masabing mahal natin yung isang tao.
"Shut the fuck up, bammie." Binato ko sya nung hawak kong sandwich, binili namin kanina habang nag lalakad sa mall. agad nya yong nasalo at ngumisi.
"Eto ba ang ibig sabihin pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay?" Pangaasar nya at tumakbo palayo dala yung sandwich ko kaya wala akong nagawa kundi habulin sya.
Para kaming mga bata na nagtatakbuhan, may mga batang sumali samin kaya nauwi yon sa habulan at tayaan.
Tawa ako nang tawa matapos yon at binatukan si bammie. Nag reklamo Naman sya pero 'di ko sya pinansin. Ngayon lang ulit ako nakaramdam nang ganitong saya, feeling ko bata ulit ako na walang problema kasama ang matalik na kaibigan kong si bammie.
"This is so fun!" Humiga ako ng damuhan at tumingin sa taas ng langit, nakakasilaw kaya inangat ko yung kamay ko para takpan ang muka ko.
Umupo si bammie tabi ko. "It's nice to see you being free and happy nang walang iniisip. I'm happy, Sana Lang lagi akong nasa tabi mo para pasayahin ka."
Ngumiti ako. "Kelan ka ba nawawala kapag kailangan kita? Kulang na nga lang sayo, award dahil minsan inuuna mo pa ako kesa sarili mo."
"We're both selfless, tingin ko nga hindi tayo mag bestfriend kundi mag soulmate, dahil parang parehas tayo." Tumayo sya at ngumiti "bibili Lang ako ng ice cream." Paalam nya.
Hindi man ako swerte sa pagibig, sobrang swerte ko naman sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Clash With My Crush
Fanfiction"Dalawa Lang Naman yan, it's either she will finally love me or hate me even more." - Lalisa manoban She starts to fight her in order to make her fall in love, she knows the consequences of her action but she's so desperate to win her heart. Love c...