"Jennie." Napakagat ako ng labi dahil patuloy parin sya sa pag mamaneho. Masyadong tutok ang mga mata sa kalsada. Kita ko ang tuyong dugo sa kamay nya kaya hindi ko maiwasan mag alala.
"What if mag sumbong sila sa pulis? Paano kung ipakulong ka nila? Dapat hindi mo na ginawa yon."
Hindi parin sya sumasagot at mas binilisan nya ang pag papatakbo. Nung mga oras na yon takot ang tanging nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung paano nya nagawang manakit ng ibang tao. Walang pagsisi o hesitasyon ang makikita sa muka nya pag katapos nyang gawin yung ginawa nyang kanina.
"J-jennie!!" Malakas kong sigaw ng muntikan na kaming tumama sa isang sasakyan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko papatigilin si jennie sa ginagawa nya. Natatakot ako na parehas kaming mapahamak. Kinakabahan man ay pinilit kong mag salita. "Listen to me, jennie. You have to calm down. Please, i'm begging you."
"You want me to stop?" Malamig nyang tanong.
"Yes." Naiiyak kong sagot.
"Nag papatawa ka ba, lisa?" Mas lalo nyang binilisan yung kotse. "Ikaw ba marunong ka bang tumigil? Hah?! Hindi diba?! Kasi kaparehas lang tayo! Wala tayong pinapakinggan kundi sarili lang natin!" Malakas nyang sigaw at nagulat ako nang dineresto nya ang kotse sa isang puno.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil pag kamulat ng mga mata ko ay nasa hospital na ako. Naririnig ko ang malakas na iyak ni jisoo at rose sa tabi ko.
"L-lisa! a-are you okey?" Hinawakan ako ni rose sa kamay. Namumula ang mga mata at halatang wala pa syang tulog.
Hindi ako makapag salita nung mga oras na yon. Litong lito ako at hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid. Pumasok ang mga doctor na agad akong tinignan at tinanong ngunit nanatili akong nakatulala at wala sa sarili.
"She is in state of trauma."
Mas lalo kong narinig ang iyak ni jisoo. Lumapit sya sakin at yumakap sa gilid ko. Halata naman nagulat si rose sa sinabi nung doctor.
"Bambam!" Bambam? Narinig ko ang pag bukas ng pinto at pag pasok ng isang tao. Nakatayo ngayon sa harap ko si bammie.
"What happened?" Seryosong tanong ni bammie kaya hindi ko na napigilan umiyak. Agad nya namang pinunsan ang luha ko. Bumuntong hininga sya at tinitigan ako sa mata. "Hindi ka ba napapagod lumuha, lisa?"
Hindi ako sumagot at nag iwas ng tingin.
"Kapag mag kasama kayo lagi ka nalang nasasaktan." Ngumiti sya ng mapait. "Hanggang kelan ka ganyan?"
Nanatiling tikom ang bibig ko.
Narinig kong sumara ang pinto at napansin na wala na si jisoo at rose sa kwarto. Nakatayo si bambam sa tapat ng bintana, mukang malalim ang iniisip dahil nakakunot ang noo nya.
Pag karaan ng ilang minuto ay bigla syang nag salita. "Naalala ko pa nung unang beses na sinuway natin parents natin, lisa."
Napatulala ako nung marinig ko yon.
"Bakit ba gusto gusto mong pumunta doon?"
Narinig kong tanong ni bammie habang sinasagutan ko ang assignment namin. Malapit na kasing matapos ang break at ngayon lang pinaalala ng magaling ko bestfriend kaya ayun nangongopya ako sa kaibigan kong si kyro.

BINABASA MO ANG
Clash With My Crush
Fanfiction"Dalawa Lang Naman yan, it's either she will finally love me or hate me even more." - Lalisa manoban She starts to fight her in order to make her fall in love, she knows the consequences of her action but she's so desperate to win her heart. Love c...