twenty nine

1.1K 26 0
                                    

Changes

Marami nang nag bago matapos kong kalabanin si jennie lalo na sa sarili ko. Tama nga si jennie naging self centered akong tao simula nung pinilit kong kunin ang atensyon nya.

I cried so much because of desperation. Natuto din akong mang baliwala ng sarili kong feelings at feelings ng mga taong nasa paligid ko. Eto ba talaga ang nagagawa ng pag mamamahal? Bakit parang unti unti na akong sinisira nito? Nakakatanga, nakakainis kasi wala akong magawa para labanan 'tong nararamdaman ko.

Bakit ba kasi sobrang mahal ko si jennie?

Wala nga syang pinakitang sweetness sakin o kahit konting dahilan para ma-fall ako sa kanya. bigla ko nalang sya minahal o siguro minahal ko sya dahil kahit ganon sya tinuruan nya ako kung paano maging malakas.

Yes she succeeded mas naging malakas ako sa ginawa nyang pang bubully sakin pero naapektuhan yung emotion ko, mas naging mahina ako doon.

I can't blame her kasi ginusto ko naman lahat nang nangyari. walang dapat sisisihin kundi yung sarili ko lamang. Sino ba ang nag pumilit? Sino ba ang nag pakatanga? Ako lang naman ang puno't dulo ng lahat.

Kasalanan kong minahal ko sya ng sobra.

"Pag mas lalo kang nag iisip mas lalo ka lang masasaktan." Lumingon ako kay bammie matapos nyang sabihin yon.

Ngumiti ako ng mapait at tumingala sa langit. Nasa rooftop kami ngayon ng hospital. "I can't help it."

"Just like the love you have for her." Hinawakan nya yung kamay ko at pinisil yon. "Hindi ko mapigilan masaktan sa nangyayari sayo lala pero pinapaalahanan lang kita. Do you think worth it pa yung love na nararamdaman mo? Why don't you try to let go of it?"

"Matagal ko nang sinubukan pero wala bigo parin." Tumawa ako at binawi ang kamay ko. Tinignan ko sya sa mata. "i love her so much, sya na yung buhay ko. Hindi ko nga alam kung magmamahal pa ako ng iba. The love i have for her is so strong, to the point i'm willing to die for her."

Natahimik sya kaya tumingala ulit ako sa langit at inangat ang kamay ko na tila inaabot yon. "She's just like a sky.... yeah beautiful." Ngumiti ako. "No matter how much i try... i can't never reach her." 

"Pwede mo syang makuha kung ibibigay yon ng pag kakataon. Miracle exist lisa. Malay mo isang araw imumulat mo ang mata mo na naabot mo na sya." Pag papalakas nya sa loob ko.

Napangiti ako at tumango. "Thank you so much bammie."

"You're always welcome lala."

"Bakit mo ako laging tinutulungan?" Tanong ko kay bammie habang nag lalaro kami ng bahay bahayan.

"Kasi ako ang hero mo, ang gwapo mong hero." Humagikgik sya at binuksan yung luto lutuan. "Luto na yung ulam!"

Hindi ko mapigilan balikan ang mga nakaraan nung bata palang kami ni bammie. He's my besfriend and my hero. Lagi syang nasa tabi ko kapag may umaaway at nasasaktan ako. Ngayon malaki na kami hindi parin yon nag babago.

"Sana hanggang dulo bestfriend parin kita." Ani ko. Tumawa sya tumango. "Na sana ikaw parin yung hero ko hanggang sa huli at sana walang magbago."

"Of course." Nakangiwi nyang aniya at muli tumawa. "hanggang sa dulo ipag tatangol kita kahit si jennie pa yan."

"Bammie!" Binatukan ko sya. "Kahit bestfriend kita pag sinasaktan mo si jennie, ako ang makakalaban mo." Banta ko na kinakamot nya ng ulo.

"Wow! Overprotective hindi naman sya mahal."

"Bammie!" Sigaw ko dahil bigla syang tumakbo pagkatapos nyang sabihin yon. "Humanda ka sakin!"

Umabot kami ng canteen bago ko sya nahabol at kinurot sya ng malakas sa tagiliran. Halos maiyak sya sa sakit kaya natawa ako ng sobra. "Buti nga sayo!"

"This is not a playground." Napalingon kami at nakita namin si irene. Sa likod nya ay si jennie na nakatitig sakin.

"Sungit." Bulong ni bammie sakin kaya tumango ako. Matagal na kaming may tensyon ni irene simula nung mag kakilala kami. Aaminin ko may konti akong inggit sa kanya dahil mas pinapahalagahan sya ni jennie kesa sakin.

"Are you okey lisa?" Plastik nyang tanong sakin kaya napangiti ako ng hilaw. "So it's a yes. Good thing dahil akala ko matutuluyan kana."

Walang emosyon ang muka ni jennie pero hinila nya palayo si irene. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil hindi man lang nya ako pinagtangol.

"Kung di lang sya babae baka nasundok ko na sya." Nang gagalaiting sabi ni bammie at hinila ako sa kamay. Pumunta kami ng kwarto ko at dun nag kwentuhan mostly si bammie dahil tulala lang ako sa bintana.

She's back.

Yung taong unang pinag selosan ko. Alam kong straight si jennie at walang pag asang magustuhan nya si irene pero alam ko yung totoo.

Maya maya lumabas si bammie. Alam kong ramdam nya wala ako sa mood. Yan ang nagustuhan ko sa bestfriend ko. kilala nya ako. Alam nya pag gusto ko o ayaw ko ang isang bagay o sitwasyon.

Tumayo ako mula sa kama at pumunta nang bintana. Hindi ko inaasahan na makikita ko silang dalawa sa baba. Mukang may pinag uusap sila. Nagulat ako ng nag angat nang tingin si jennie. Nakita nya ako at nabasa ko ang emosyon sa mata nya.

Napahawak ko ng dibdib ko at bumalik sa kama. Nagulat ako nang bumukas ang pinto at pumasok yung doctor. "Here's the result." Inabot nya sakin yung folder. Nanlaki ang mata ko habang binabasa yung nakasulat don.

"We found out you have a rheumatic heart disease." Nabitawan ko yung folder.

"S-so bumalik yung sakit ko? P-Paanong nangyari yon?" Di makapaniwala kong tanong.

"Ask yourself Ms manoban." Inayos nya yung salamin nya sa mata bago tumingin ng seryoso sakin. "you drink alcohol right?"

Tumango ako.

"Exactly, hindi mo inalagaan ang katawan mo kaya bumalik ang sakit mo." Casual nyang sagot. "Ms manoban i suggest na umiwas ka muna sa mga bagay na pwedeng mag palala ng sakit mo katulad ng mga alak and one more thing." Kumunot ang noo ko ng tumigil sya sa pag sasalita

"Too much emotions can completely damage your heart."

Napatigil ako sa sinabi nung doctor at napatingin sa labas ng bintana.

That only means one thing.... I have to avoid her.

Clash With My Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon