Yung relasyon namin sa isa't isa nung una ay for business lang, kaso nauwi yon sa malalim na pag sasamahan hanggang sa wala nang awkward or plastikan na nagaganap.
Natutunan namin tanggapin ang Isa't isa kahit mag kakaiba kami ng ugali.
Jennie is the silent bomb. Madalas nyang hindi sineseryoso ang sitwasyon lalo na kung wala naman 'tong kwenta. Tahimik naman talaga sya pero once na mag salita masasasaktan ka talaga. She's brutally honest and has a mature way of thinking pwera nalang pag bullying ang pag uusapan natin.
Katulad din ni jennie, Si rose ay mature din mag isip, kahit parehas kaming maknae ay mas maalam sya sa dapat gawin at kung anong tama. Mahilig syang mag English ng may accent at may paka-maarte in a good way. Kaso pag nainis, Wala din preno mag salita at sobrang moody. Madalas nyang makaaway si jisoo at jennie.
Si jisoo naman wala talagang sineseryosong bagay pwera nalang kung nacucurious sya o naguguluhan. Hindi porket sya yung pinakamanda, sya na dapat yung pinakamature mag isip. Stereotyping yon, pero magaling syang mag handle nang mga seryosong situation dahil responsibility nya yon bilang pinakamatanda. She always try to makes us happy at laugh lalo na pag nahihirapan na kami, despite na medyo may pag immature sya sa ibang bagay ay nahahatak yon ng good personality and attitude nya. Kaso may pagkasuplada sya Lalo na Kay rose.
Habang ako? I'm aware na immature ako lalo na pag dating sa pagibig, Hindi din ako mature mag isip at lagi lang akong naka-asa sa mga unnies ko. Ewan nakasanay ko na kasi lalo na minsan baby parin ang turing Nila sakin dahil ako Yung pinakabata or maknae.
"You done?" Napaangat ako nang tingin mula sa pag babasa ng libro, Naabutan kong nakahilig si Jennie sa pinto at nakahulikipkip. Naka crop top sya Kaya kitang Kita ko Yung small waist nya, napaiwas ako nang tingin. "Bakit Hindi ka pa bihis?"
"Nag babasa Kasi ako, Hindi ko namalayan yung oras." Napakamot ako ng ulo.
"Mag bihis kana." Tipid nyang sabi bago umalis. Tumayo mula sa kama at binuksan Yung closet ko para mag hanap ng damit. Mas prefer ko mga maluluwag na damit. Pero pag nasa stage kami feeling ko wala kaming suot, dahil minsan sobrang sikip. kaso kinakaya ko lang para sa fans namin kahit minsan naiilang ako mag sayaw. Si Jennie lang yung confident sa kahit anong isuot o ipasuot sa kanya, she's picky dahil may sarili syang fashion sense. Ako naman Hinahayaan ko lang Yung stylist dahil Kung ako papapili, over size hoodie jacket ang isusuot ko sa stage.
Isinintas ko yung Snickers ko staka bi-nun yung medyo magulo kong buhok, tinatamad Kasi ako. Kung 'di lang kasama si Jennie hindi ako sasama.
"Zoo ang pupuntahan natin Hindi fashion show!" Narinig kong sigaw ni jisoo sa sala. Napabuntong hininga nalang ako, Hindi na bago sakin 'tong scenario na 'to.
Simula't sapul palang 'di talaga mag kasundo 'tong si rose at jisoo sa halos lahat ng bagay. Kung hindi ko nga lang sila nakitang mag sabunutan dati iisipin kong gusto nila ang Isa't isa. Yes nag sabunutan sila dati for unknown reason. They hated each other. Ayun ang pag kakaalam ko.
Kung si Jennie binubully ako dahil gusto nya akong matututong lumaban. Si jisoo at rose binubully ang Isa't Isa para mag gantihan at mag-asaran.
At si Jennie Lang nakakapag patigil sa kanila.
"Ano bang pakealam mo sa suot ko? Pinakealaman ko ba yang garbage mong suot? Wag kang mainggit dahil marunong akong mamimili ng outfit unlike you!"
Medyo natamaan naman ako sa sinabi ni rose. Parehas kami ni jisoo na kung ano lang masuot.
"Wow! Hah?! At least comfortable! Ikaw nakaheels ka pa! matapilok ka Sana at mahulog sa crocodiles!"
"Iyan na Yung rebat mo sa argument ko? Childish." Nag flip hair pa si rose at umirap.
"Isip bata ka din!" Galit na sigaw ni Jisoo at binato ng unan si rose na natama sa muka. Lumapit na ako at hinila si rose sa gilid para maiwasan ang isa pang gulo. Namumula sya sa galit.
"You both are childish." Nag salita na si jennie. "Hindi mo dapat pinuna si rose, jisoo Kung ayaw mo din mapuna. Kung marunong kang mag simula nang gulo, dapat Hindi ka pikon. At ikaw naman rose, Wala naman mali sa suot mo pero pag natapilok kay tingin mo makakapag sayaw ka pa? Mag palit ka kung ayaw mong masira yang career mo dahil dyan sa kaartehan mo."
Inis na umalis si rose at pumasok ng kwarto nya. Nakita Kong nilingon ni Jennie si jisoo. "Ikaw din, jisoo mag palit ka. Seriously? Naka slippers ka lang anong akala mo palengke pupuntahan naten? Akala mo sobrang ganda nyang paa mo kung ipag labasan mo. Mag palit ka ng snickers, nakakahiya ka kasama."
Tumayo din si jisoo at pumasok ng kwarto namin. Jennie is the boss here, lahat kami ay pinapakinggan sya, she knows the best. that's why I love her, Kasi hindi sya takot mag salita at mag bigay ng constructive criticism. Kaso sa sobrang honest na nakakasakit na.
"Your outfit is okey Lisa but." Tumigil sya at sinenyasan akong lumapit, kumabog yung dibdib ko, dahan dahan akong lumapit sa kanya at pinaupo nya ako sa tabi nya. "Hindi pantay yung bun mo."
Pumunta sya sa likod ko at nag simulang ayusin yung buhok ko, kinakabahan ako pero parang may humaplos sa puso ko. Ang sarap sa feeling para gusto kong maiyak sa kilig.
Pumunta sya harap ko at pinag masdan ang muka ko kaya feelings ko namula ako sa sobrang hiya. "Done." Ngumisi sya, sakto naman lumabas si rose na nakaflat sandals na. Hindi din nag tagal lumabas si jisoo na naka snickers.
"Now let's go!" Excited na sigaw ni jisoo at nauna nang lumabas, grumpy na sumunod si rose. Lumingon sakin si Jennie kaya tumayo ako at tumabi sa tabi nya.
"Na miss ko kayo, Lalo kana lisa." Nakangising nya sabi at nauna nang lumabas. Naiwan akong nakatutula at nanlalaki ang mata.
I think I need oxygen, Jennie took my breath away. Damn kim jennie.
BINABASA MO ANG
Clash With My Crush
Фанфикшн"Dalawa Lang Naman yan, it's either she will finally love me or hate me even more." - Lalisa manoban She starts to fight her in order to make her fall in love, she knows the consequences of her action but she's so desperate to win her heart. Love c...
