"Tangina!" Napamura ako nang mapansin kong nakatulog ako nang matagal at nakalimutan kong i- set yung alarm. I groaned at ginulo gulo ang buhok ko bago tumakbo ng c.r para maligo. Pag katapos ay nag suot ako ng black shirt at pants staka snickers bago lumabas kwarto. Tinali ko rin yung jacket sa bewang ko para kahit pa-paano ay may dating.
"SpongeBob? Daig mo pa bata."
"Tinatawan mo ang horror? Daig mo pa Ang baliw sa mental hospital."
"Isip bata!"
"Sira ulo!"
Nilagpasan ko si jisoo at rose na nag tatalo sa Sala habang may hawak na dalawang CDs. Mukang Hindi nila ako napansin, Dali Dali akong sumakay ng motor ko. Oo, marunong akong mag motor.
Hindi Kasi ako kasing yaman nung tatlo na mga bata palang ay may sarili nang kotse. Staka Hindi ako mahilig sa kotse, mas nakahiligan ko ang motor.
Tumama sa muka ko ang malakas na hangin. Nakalimutan ko yung helmet ko sa sobrang pag mamadali, buti nalang at hindi ko nakalimutan yung mask ko at shades. Ayokong makuyod ng saesaengs at koreboo. Mga adik at stalker pa naman Yong mga yon.
Nakarating ako sa tapat ng SM Building. Pumunta ako sa park nila at pinakita Ang ID ko Kaya agad nila akong pinapasok. I've been here 2 times. Una dahil binisita ko si kai nung trainee day at pangalawa may collaboration sanang mag gaganap between Blackpink at exo pero hindi pumayag ang SM sa offer ng YG.
Dumaan ako sa lobby kung nasaan yung dressing room nila. Buti nalang pag dating ko ay wala pa yung mga make up artist. Naabutan ko si kyungsoo, Chanyeol, baekhyun at sehun.
As usual nakakatakot kung tumingin si kyungsoo para syang mangangain ng buhay.
"Bakit ka nandito?" Nasungitan naman ako sa tanong ni sehun, nakakadistract yung makapal nyang kilay.
"You're here." Napalingon ako sa likod ko at nakita si kai. Tumango ako sa kanya at lumabas ng room. Narinig kong nag tanong si baekhyun sa isang bagay na parang sila lang yung nag kakaintindihan.
Sumandal sya sa pader. "Anong pag uusapan natin?"
"About Jennie."
Naging blanko ang itsura nya Kaya nahirapan akong basahin sya. "What about her? Tapos na kami."
"Alam kong wala akong karapatan na hilingin 'to but." Kinagat ko yung labi ko at nag angat nang tingin. "She needs you."
"How'd you know? Did she told you?"
"She didn't, but I saw how she cried and begged for you to stay." Sumandal ako sa pader sa katapat nya. "Did you loved her? Or Do you still love her?"
"I do love her that's why I back out because I want to protect her. Both of our companies wants me and Jennie to be in a relationship for publicity. Ya' know our life, maraming cameras, maraming mapanghusga at maraming magagalit na fans, and I can't control them. Ayokong mangyari ulit yung nangyari sa past relationship ko."
"Naintindihan kita at tingin ko ay Hindi na kita mapipilit." Tumalikod ako pero may sinabi ako bago nag lakad palayo.
"If you love her, you'll stay. If you love her, you'll protect her."
Dali dali akong sumakay ng motor at pinaandar ko kung nasaan si jennie. Tinigil ko ang motor ko sa kalayuan bago nag lakad, agad ko syang nakita Kaya umakyat ako ng puno para pag masdan sya at bantayan narin.
Nag simula nang bumuhos ang ulan. Mga ilang minuto ako nag stay bago ko naisipan lapitan sya. Tumalon ako ng puno para mapalingon sya sa direksyon ko, nagulat naman sya nang makita nya ako. "Sineryoso mo talaga Yung sinabi Kong unggoy ka?" Tumawa sya Ng mahina. "Anong ginagawa mo sa taas puno? At bakit ka nandito?" Seryoso nyang tanong.
"Nag hahanap ng saging." Biro ko at binato sa kanya yung jacket. "Himina na yung ulan pero isuot mo parin Yan para Hindi ka lamigin."
Tinanggap nya yon at ngumiti. "Aalis ka na?" Narinig tanong nya nung tumalikod ako.
"My mission is done." Mapait akong ngumiti at tumakbo palayo. Lumingon ako at nakita ko syang kaharap na si kai, lumakas ulit ang ulan.
At parang silang nasa movie dahil nakita ko Kung paano sila mag halikan sa ilalim ng malakas na bugso ng ulan.
Ngumiti ako habang umiiyak ng tahimik. Buti nalang at sinasabayan yon ng malakas na ulan, para Hindi nila makita Kung gaano ako nakaka-awa tignan.
BINABASA MO ANG
Clash With My Crush
Fanfic"Dalawa Lang Naman yan, it's either she will finally love me or hate me even more." - Lalisa manoban She starts to fight her in order to make her fall in love, she knows the consequences of her action but she's so desperate to win her heart. Love c...