It's time for me to give up.
Nalaman na ng lahat ng mga fans at netizen ang relasyon ni kai at jennie. Some are happy, some are annoyed since mga possessive yung ibang blinks. I can't blame them but i know they will support jennie. Ayun ang pag kakakilala ko sa mga blinks. Nag tutulungan sila para saamin apat. Susupportahan nila kami dahil mahal nila kami.
I was so thankful because of that.
"What do you mean it's the end? Hello? Hindi pa sila mag papakasal." Umirap si rose at ininom yung soju na nakalapag sa lamesa.
"It's the end dahil tingin ko sila na para sa isa't isa." Ngumiti ako ng mapait pag katapos ay tumingala sa langit. Nasa roof top kaming tatlo nina rose at jisoo. Nag iinuman kami dahil isang taon na ang nakalipas ng pag bawalan kami ng company na pumunta ng mga bars.
"Ya know hindi mo pwede sabihin na sila na sa huli. Remember people change, pwedeng makakilala pa sila ng iba na mas mag papasaya sa kanila."
Pumalatak si jisoo at tumaas ang kilay. "Bakit ba kontra ka ng kontra?"
"Hindi ako kumokontra nag sasabi lang ako ng posibility na pwedeng mangyari." Depensa ni rose at muling tumungga.
"In short gumagawa ka ng what ifs at pinapaasa mo lang ang sarili mo."
Natawa naman ako ng tahimik kahit natamaan ako sa sinabi ni jisoo. Nag simula na silang mag talo at mag asaran. Hindi ko alam kung bakit ang hilig nilang mag bangayan.
Hindi ko namalayan na nakarami na ako ng inom. Biglang umiikot ang paningin ko. Tumayo ako at agad din natumba. "Fuck!" Mura ko at muling ininom yung bote ng soju na hawak ko. "Let's all cheer for the love we can't have!" I shouted.
"Lisa slow down." Pag awat ni jisoo. "Baka masobrahan ka."
"Wag kang mag aalala, hindi ko ikakamamatay ang alak." Tumawa ako ng malakas at binato ng malakas yung bote sa sahig. Napatalon sa gulat si rose. "Putanginang buhay to, minsan ka na nga lang mag mahal, tapos puro sakit pa ang dinudulot." I started to cry. "All i want is to be love back. All i want is her heart. I never thought loving her could cause me so much p-pain."
"Lisa ilabas mo na lahat ng sama ng loob mo, wag mong kimkimin." Mahinang sabi ni rose na nakatingin sa akin.
"I had enough rose. Napapagod na ako sa lahat at gusto ko nang sumuko pero wala akong lakas kasi tama kayo, umaasa parin ako na sana mabaling yung tingin nya sakin. Na sana ako nalang dahilan kung bakit sya masaya. Na sana ako yung mahal nya."
"Pwede ba akong maging pranka?" Napalingon kami ni rose kay jisoo, namumula na sya sa sobrang kalasingan. "Kahit pa mahalin ka ni jennie, kahit kelan hindi nyo yun pwedeng ipublic unlike kai, he's a man, and a man who fell in love with a girl is society accepted unlike—"
"That's enough." Tumayo si rose at tinulak si jisoo palabas. "Hindi ka dapat pinapainom! sobrang daldal mo!" Narinig kong sigaw ni rose.
"Arghh" Sigaw ko sabay sabunot sa ulo ko at muling tumunga ng soju hanggang maka tatlong bote ako. Y
"what's going here? Bakit namumula si jisoo nung nasalubong ko?" Napaangat ako ng tingin at nakita si jennie. She's wearing a fitter shirt with rip jeans. May bitbit din syang mga paper bag. "are you just gonna stare at me? Answer me."
"Just ask her." Pang babalewala ko sa kanya at muling tumunga ng soju.
"What the fuck is going on? nawala lang ako saglit" ngumiwi sya at hinawakan ako sa braso. "Let's go inside."
"Fuck off."
Nanlaki ang mga mata nya nang sabihin ko yon but i don't care. Masayado na akong nasasaktan at lasing para pag isipan ang mga sinasabi ko.
"What the hell is wrong with you? Nakalimutan mo bang mas matanda ako sayo?" Namumula na ang muka nya sa sobrang inis.
Tama yan magalit ka sakin.
"Do you think you deserve some respect? No because you're a fucking bitch, you—"
Napangisi ako ng bigla nya akong sampalin. I look at her with disgust in my eyes. "I mean it jennie, you're a bitch for bullying me."
"I did those for you sake! Because you are my friend and i love you!"
"Tangina! Kaibigan?! Mahal?! Matagal ko nang alam yon!" I cried. Pag dating talaga sa kanya sobrang hina ko. "Respetuhin mo naman yung feelings ko. Jennie, matagal na akong nag titiis at umaasa sayo. At alam mo lahat nang yon tapos pupunta ka sa harap ko para sabihin na mahal mo ako? Bilang kailbigan? Putangina! Nakakapagod na! Nakakapagod ka nang mahalin!" Sigaw ko at Napaluhod ako sa sahig. Tinitigan ang walang emosyon nyang mga mata.
"Sa tatlong taon na pag mamahal na 'di masuklian. Naaawa na ako sa sarili ko." Pinunasan ko luha ko.
"Anong gusto mong gawin ko? You know what hindi ko kasalanan kung bakit ka nasasaktan, ginusto mo na mahalin ako at wala akong responsibilidad para mahalin ka pabalik. And i'm a bitch? Then you're so desperate, lisa. Masyado kang uhaw sa pagmamahal, nakalimutan mo nang hindi yon dinedemand. Mahal mo ako? Bakit di mo pinakita? Ang mahirap sayo lisa masyado kang self centered, hindi ka nag iisip, in short napakatanga mo para magalit sakin." Ngumisi sya. "Respect needs to be gain especially love. Hindi nililimos ang pag mamahal, lisa. kusa yon binibigay sa mga taong deserve non at you know what di mo deserve mahalin pabalik."
Tumalikod sya pag katapos nyang sabihin yon at tuluyan nang nawasak ang puso ko.
○~○~○~○~○~○
A/N: i'm back since may reader na nagalit sakin (ata) peace sayo ate/kuya pasensya na di ganun kadaling mag sulat especially kapag hectic ang schedule ni author.Comment kayo kung maganda tong chapter na to or delete ko pag ayaw nyo XD

BINABASA MO ANG
Clash With My Crush
Fanfic"Dalawa Lang Naman yan, it's either she will finally love me or hate me even more." - Lalisa manoban She starts to fight her in order to make her fall in love, she knows the consequences of her action but she's so desperate to win her heart. Love c...