twenty seven

1.1K 24 3
                                    


"J-jen n-nie i-i-i c-can br-breath..."

That's the last thing jennie heard bago nya nakitang nakahandusay na si lisa na tila walang buhay. In a blinked of an eye nakita nya si lisa na binubuhat ng mga nurse at nilalagay sa stretcher.

Malakas na tunog ng sirena ng ambulansya ang tanging maririnig sa building. Umiiyak si jisoo habang pinapanood na ipasok si lisa sa loob ng sasakyan. Hinila sya ni rose papasok ng kotse na agad pinaandar ni jennie. Pare-parehas silang tahimik habang sinusundan ang ambulansya kung saan nakalagay si lisa.

Pag dating sa hospital agad pinasok si lisa sa loob ng emergency room. Naiwan sila sa hallway tatlo kapwa parehas mga balisa. Pinunasan ni jisoo ang luha at lumapit kay jennie.

"what you've had done?!" Nang gagalaiting sigaw ni jisoo habang pinipigilan sya ni rose. Walang emosyon na tumingin si jennie kay jisoo bago tumalikod. "Wag mo akong talikuran! bitch!"

"It's not the right time to fight!" Malakas na sigaw ni rose para mapatigil si jennie sa pag lalakad at tumigil si jisoo sa pagsigaw. "Look!" Tinuro nya yung emergency room. "Si lisa nasa loob ng kwarto na yan! Nag aagaw buhay tapos anong ginagawa nyo?! Nag aaway! For fuck sake! Tumigil na kayo!" Halos maputol ang ugat sa leeg ni rose sa pag sigaw.

"Naiintindihan kita rose pero paanong hindi ako magagalit kung kagagawan ng bitch na yan kung bakit nag aagaw buhay ngayon si lisa!"

Humarap si jennie kay jisoo. "Don't call me bitch." Malamig na aniya nito. "Last time i checked wala kang alam sa nangyari. Shut your mouth jisoo baka makalimutan kong mas matanda ka saken."

"O my god!" Napahilamos ng muka si rose sa frustration sa dalawa. "You know what? mag patayan na kayo mga kingina nyo." Mura ni rose at iniwan yung dalawa sa hallway.

"Hindi kita mapapatawad pag may nangyaring masama kay lisa."

"May nangyari na at alam kong hindi mo ako mapapatawad."

Napapikit pikit si jisoo dahil hindi sya makapaniwala sa narinig. "Do you think joke 'tong nangyayari ngayon?"

"hindi ko naman kailangan mag paliwanag sayo." Kumunot ang noo ni jennie bago nag lakad palayo at iniwan mag isa si jisoo.

"What's wrong with her?" Napakamot ng ulo si jisoo sa inis. "She's really a bitch."

"Sinong kausap mo dyan? Hangin? Baliw ka na ata jisoo." Napalingon si jisoo at nakita si bambam na halatang puyat dahil sa malaking eyebags.

Sumama ang muka ni jisoo at umirap "Ikaw muka kang panda. Pandak na nga panda pa."

"Bulag ka ata o sadyang tanga. Isa ako sa pinakamatangkad samin plus ako pinakagwapo." Pag mamalaki ni bambam. "Rose!"

"Shut the fuck up." Agad na sabi ni rose at umupo sa isang tabi.

"Tangina ano bang nangyayari dito?" Napakamot ng ulo si bambam at tinignan yung dalawa na parehas tahimik.

30 minutes na pare parehas tahimik ang tatlo. dumating nadin si jennie na sumandal sa pader at tumungo. Nag hihintay sila na lumabas ang doctor para malaman nila kung okey na si lisa.

Maiyak iyak si rose dala ng pag aalala kay lisa at frustration sa dalawang kaibigan. Inis si jisoo kay bambam at jennie dahil panay ang pag tapon nya ng masamang tingin sa dalawa. Walang nakakakita sa muka ni jennie pero ramdam ni bambam ang aura nito. Nakakatakot at the same time nakakalungkot.

Kumunot ang noo ni bambam. Nag tataka sya dahil parang walang buhay si jennie.

Inabot na ata sila ng hating gabi bago lumabas yung doctor. Napaangat ng tingin si jennie at walang emosyon na tumingin sa doctor.

"She's fine kailangan nya lang ng mahabang pahinga." Tipid na sabi ng doctor bago umalis. Dali daling pumasok si jisoo at bambam ng kwarto para tignan si lisa.

Naiwan si rose at jennie. Tumabi si rose kay jennie at bumuntong hininga. "I'm not gonna lie. Katulad ni jisoo nagalit din ako sayo sa nangyari but i understand dahil wala naman talaga kaming alam sa totoong nangyari kaya tatanungin kita jennie." Lumingon si rose kay jennie. "What happened?"

Dumaan muna ang isang minuto bago sumagot si jennie. "Yung nangyari? Kasalanan ko. Marami akong masasamang salitang sinabi sa kanya." Tipid na paliwanag ni jennie.

"Hindi kita pipilitin na sabihin sakin lahat." Tumango si rose. "But may sasabihin lang ako sayong isang bagay."

Natahimik sila pareho, lumingon si jennie kay rose at nakita nyang nakatitig si rose sa kanya. "Don't forget words can kill so think before you talk jennie baka tuluyan syang mawala satin." Aniya bago ito pumasok ng kwarto.

Napatulala si jennie sa narinig. napatungo sya at Tuluyan nang bumagsak ang masaganang luha na kanina nya pa pinipigilan.

Clash With My Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon