001

157 6 0
                                    

Dulce

"Isa kang malaking tanga," Hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa sinabi ni Mama o tatanggapin ko dahil totoo naman. "dapat kasi, hindi mo na hiniwalayan. Sayang eh... mayaman na, may itsura pa."

Tanga ako dahil pumasok ako sa relasyon na 'yon at hindi dahil nakipaghiwalay ako sa ex ko. That's the truth.

"Kaya nga," dagdag ni Ate. "di ka kasi nag-iisip. Mas maganda pa sana yung buhay natin kung siya yung magiging asawa mo sa future. Marerenovate pa yung bahay natin sabi niya sa atin dati."

Inubos ko na kaagad yung kape na almusal ko. Dalawang linggo ng ganito ang panimula ng araw ko. Puro nalang sila panghihinayang. Palagi nalang nila na binabanggit yung 'katangahan' na ginawa ko. Sanay naman ako na ganito sila. Pero sa totoo lang, sawang-sawa na ako.

"Dalawang linggo yata na simula nung nag-break kayo. Tawagan na kaya natin, Ma?"

"May number pa ako ni Aden." Kinuha ni Mama yung phone niya at lumapit kay Ate.

Bumaon ang mahahaba kong mga kuko sa palad ko. Nagsisimula na naman silang inisin at pangunahan ako. Hindi nila tinatanong kung bakit ko siya hiniwalayan. Hindi nila tinanong kung okay lang ba ako. Hindi nila pinaramdam sa akin na may pamilya ako buong buhay ko. Anak ng. Nagooverthink na naman ako dahil sa kanila.

Tumayo na ako at inilagay ang baso sa may lababo. Galit na talaga ako. Sila ang may kasalanan kung may masasamang salita na naman akong sasabihin sa kanila. Direkta akong nakatingin kay Mama na hinihintay ang pagsagot ni Aden sa tawag.

Ang samang panoorin kapag yung pamilya mo ang nanghahabol sa ex mo. Wala na dapat akong pakialam eh. Kinakalimutan ko na dapat lahat. Kaso sa mga ginagawa nila, ako yung nagmumukhang desperada!

"Nag-ring na kanina kaso ayaw sagutin yung tawag." Ibinaba ni Mama yung cellphone niya sa lamesa at tumingin sa akin. "Hindi ka man lang tutulong sa amin? Ibang klase ka talaga!"

Kinuha ko yung bag ko at naglakad papalayo sa kanila. Ito na ang huling beses na makikipagsigawan ako sa kanila dahil lilipat na ako ng matitirahan na malayo sa kanila at malayo sa problema.

"Syotain niyo na siya! Tutal, wala na naman kami at ayoko na sa kanya. Chance niyo na 'yan oh. Habulin niyo yung pera na gustong-gusto niyong makuha sa kanya!"

Padabog na tumayo si Ate at kaagad siyang pinigilan ni Mama. "How dare you talk to us like that?! 'Wag na 'wag kang babalik sa bahay na 'to. Wala ka namang nagagawang tama para sa pamilyang 'to!" Sigaw ni Ate.

"Sadyang di na ako babalik dito!"

Lumabas na ako sa bahay at pumara ng tricycle. Pupunta ako ngayon sa isang terminal ng bus. May best part talaga 'to eh. Hindi nila alam kung saan ako pupunta at titira kaya wala na talagang chance na makita ko sila ulit. Doon ay magtatrabaho at mag-iipon ako nang di nila nalalaman.

I need to get away from everything and I want to forget everything!

Pero, alam ko naman na dadating din yung panahon na malalaman nilang lahat ang rason kung bakit ako ganito. Pati na rin yung rason kung bakit... nakipaghiwalay ako kay Aden. Iyon ang kinatatakutan kong mangyari dahil huhusgahan ako ng lahat.

Light Within Dulce [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon