Dulce
Few days later, I think everything's better than before.
Wala na masyado ang bigat na nararamdaman ko kada araw. Paano ba naman eh araw-araw akong umiyak sa tabi ni Psalm. Mabuti nga at di siya nagsasawang makinig sa mga sasabihin ko.
Bumangon na ako at naligo. Nang makapagbihis pagkatapos ay pumunta na ako sa bakery. Nandito na yata si Third. Nakita ko na may mga luto ng Cyndesal pero walang tao. Baka may pinuntahan.
Naglinis muna ako bago umupo para maghintay ng mga bibili.
Nailibing na nga pala kahapon si Ate Barbs. Grabe, daig ko pa yata ang mga kamag-anak niya dahil sa pag-iyak ko. Siguro nga, ganito talaga kapag hindi naramdaman ang presensya ng pamilya dati. Naparamdam ni Ate Barbs yun eh kaso nga nawala siya. Hay. Another morning without seeing my favorite costumer.
"Good morning," bati ni Third. Lumapit siya sa akin nang may malapad na ngiti sa mukha.
"Kamusta?" Tanong ko. Umupo siya sa tabi ko.
"Nakakapagod," sagot niya. "Pero maayos naman. Kagabi ako nakauwi tapos sa apartment ako natulog. Bad timing at tulog ka na raw sabi ni Kristie. Ikaw kamusta?"
I smiled. "Okay lang."
"Na-miss mo ba ko?" Tanong pa niya.
"Hindi," deretsong sagot ko.
Tumawa siya. "Ang sakit naman talaga kapag hindi ka nagtatago noh?"
I rolled my eyes. "Kaysa naman mag-paasa ako tapos hindi ko naman talaga nararamdaman yon. Pati, nag-tetext ka naman palagi sa akin kahit napakabagal kong mag-reply. Edi, ramdam ko rin na nandito ka."
"Okay sabi mo eh. Birthday nga pala ng pinsan ko ngayon," sambit niya. "May party mamaya sa isang club. Gusto mo bang sumama?"
Club? Pucha. Ngayon ko lang ulit narinig ang salitang 'yan. "Pwede naman kaso nakakahiya. Hindi ko sila mga kilala."
He smiled. "You will. Pati, hindi ka naman nila mapapansin don. Mga classmates and random persons lang naman," tumigil muna siya at hinintay ako na matapos sa pagbebenta sa isang constumer na dumating. "Nabanggit kasi sa akin ni Cyrin na madalas kayong napunta sa mga clubs sa Manila."
Cyrin? I haven't talked to her for a month now. Hindi niya na-rereplyan ang mga texts ko. Ano na kayang nangyayari sa kanya?
"Ah, oo," sagot ko.
Nag-simula 'to nung sinasama na ako ni Aden sa mga clubs. Pero noong Grade 12 lang, bawal pa ako malamang pero wala namang pakialam sila Mama. Nakakalusot kami sa mga ganong lugar, malay ko rin kung bakit. Kay Aden din ako natutong uminom ng kung anu-ano.
"So, sama ka na?"
Sana ay walang mangyaring masama mamaya kung sakaling malalasing ako. Pucha.
"Tangina, 'wag mo kong iiwan doon kapag nalasing ako."
Tumawa siya. "Hindi nga ako magpapakalasing para bantayan ka. I know, namimiss mo ng pumunta sa mga ganong lugar."
BINABASA MO ANG
Light Within Dulce [On Going]
RomanceDulce's a type of girl that would memorize a country every breakdowns. And guess what? She memorized the whole world. That's how her life has been since her childhood. All she ever wanted was to escape from hell. After high school her greatest escap...