022

38 1 0
                                    

Dulce

"Choda," Thea commented after hearing my story.

I sighed. "I don't know. Alam mo naman yung buong storya kung paano ako napapunta rito at kung bakit, di ba?"

Thea knows everything about me. Araw-araw ba naman kaming magkasama ngayong college. Alam niya yung tungkol kay Aden, kay Mom at Ate, at kung paano at bakit ako pumunta rito sa Cebu. I can trust her.

"Of course," she said. "sigurado ako, gusto mo siyang i-confront tungkol sa mga sinasabi niya. Pero, hindi mo magawa kasi tinulungan ka niyang makapunta rito."

Tumango ako at humiga sa kama niya. "Argh. I have no choice but to understand her... and to hide what I really want to say."

I met Thea's Ninang a while ago, ang bait niya. Sinukatan niya kami para sa gown na gagamitin sa party. It's an annual celebration and it's my first time. Maging sila Kristie at Mina, nabanggit nila sa akin na pumupunta rin sila sa party kada taon.

"Damn," aniya. "Ano ng plano mo?"

Nagkibit balikat ako. "Probably, I'll just act normal when with I'm her.  Dapat pati siya na mismo ang makaka-realize ng maling nagawa niya. Ganun naman siya dati sa Manila. But now, I don't really know what's wrong with her."

"Pero kapag may pagkakataon ka na pwede mong sabihin sa kanya, don't hesitate to say everything ha?"

Umuwi ako sa bahay na iniisip pa rin ang kinilos ni Cyrin kanina noong nagkita kami. May pasok pa naman bukas, tapos ito ang nasa isip ko. Mabuti nalang at nag-review na ako kahapon.

"So, you have new friends," Cyrin gladly said. "I'm so happy for you." she does not look happy about it.

Tumawa ako at sumandal sa upuan. Sana naman maisip niya na may mali siyang nabanggit kanina. Sana naman ma-realize niya na ang insensitive niya ngayon. Kaso, tangina, hindi ko talaga magawang ipakita sa kanya na galit ako.

"Hoy, 'di ba may boyfriend ka na?" I changed the topic.

"He'll come at the party. Busy pa siya sa requirements, parehas kaming maraming hahabulin," sagot niya.

"I really have no idea kung sino ang boyfriend mo. Sabi mo nung high school tayo, sasabihin mo kaagad sa akin kung sino boyfriend mo," umasta pa ako na parang nagtatampo.

She laughed. "Really? I didn't know. May usapan pala tayong ganun?"

Tumango ako. "Ikaw pa nga yung nagbring up ng topic na 'yon dati. Kinalimutan mo na kaagad ha?"

She looked at her phone. "I gotta go, Mom texted me already. Thanks for the cupcakes by the way."

"No problem. Hatid kita sa labas," tumayo na ako pero pinaupo niya ako ulit.

"No need," she smiled. "See you at the party."

The next day, I'm in my uniform already. Kanina habang naliligo ako, naririnig ko pa rin ang mga salitang sinabi ni Cyrin sa akin kahapon. Handa na akong umalis sa bahay ngayon, dala ko na ang bag ko at lumabas na ako sa bahay.

"Good morning,"

Bubuksan ko na sana ang gate nang may magsalita sa likod ko. Third's here. Last week, commute na ako palagi kapag papasok sa school dahil wala siya rito. At, masasabi ko na mas maganda pala na mag-commute nalang palagi. Less hassle kay Third.

Light Within Dulce [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon