Dulce
Sunday. Day off. Fuck my life.
Hindi pa ako bumabangon sa kutson na 'to mula pa kagabi. Hanggang kailan ba ko makararanas ng ganito? Ang lungkot na naman ng kalangitan. Panibagong araw na naman na may bigat.
Bakit nga ba ko malungkot? Bobo talaga, malamang, gawa ng umalis si Psalm. Hindi ko siya nakausap bago siya umalis. Natatandaan ko na noong Lunes ang huling usapan. Tungkol pa sa issue na meron tungkol sa akin.
Nagsisisi tuloy ako na hindi ako pumunta sa kanya noong may shift ako. Pwede namang makisuyo muna ako kay Kristie para magtinda, para kitain si Psalm. Kaso, bakit ngayon ko lang naisip yung mga paraan? Wala na naman yung kikitain ko. Bobo ko talaga.
It really is a cycle.
We meet people, and then they leave.
Pero, hindi naman masama na umalis siya. Nakakalungkot lang siguro kasi wala na yung kakausapin ko tuwing hapon.
Tangina mo, Psalm. Kung nasan ka man jan sa America, sana ayos ka lang. Pagbalik mo talaga dito, sasapakin kita. Dapat sinabi mo saken nung Lunes!
Ang dami ko pang gustong malaman tungkol sayo. Hindi ko pa na natatanong yung tungkol sa sakit mo. Hindi pa rin ako nakakapagtanong kung ano yung mahahalagang nangyari sayo dati. Bakit ngayon ko lang naiisip 'to?
Tangina naman, Dulce.
"Tuwing Sabado, sinusumpa ko. Oo, alam ko para akong tanga rito, pero sinusumpa ko!" Sumpa ba talaga tawag sa ganto? Argh nevermind. "Babalik ako sa inyo tuwing Sabado! Hihintayin ko na bumalik ka! Hihintayin ko ang araw na masasapak kita!"
Napabangon ako nang may sumigaw mula sa kabilang bahay. "Dulce? Ayos ka lang?!" Sigaw ni Kristie. Tangina oo nga pala, magkakadikit lang ang bahay namin.
"Oo! Ayos na ayos!"
Tumawa ako magisa at ininom sa bote ng mineral water. Daig ko pa yata ang nakainom tangina. Gusto kong mag-inom! Ay gago, may test bukas.
I let out a deep sigh.
This is not the end of everything. I trust him, for sure, gagawa siya ng paraan para bumalik dito. Gago, assuming. Pero, hindi ako mawawalan ng pag-asa na babalik siya.
I will wait for you, mf.
Nilaan ko ang buong araw sa pag-aaral. Dapat lahat ng details, alam ko para masagutan ko lahat. Natatawa naman ako. Kasi hindi naman ako ganito dati.
Nung high school, i'm just aiming for the passing score, pero ngayon, ganon pa rin tangina anong point ko?
Ang pinagkaiba lang naman ay yung goal. Goal ko noong high school, maging proud sila Mama kahit imposible. Kaya palagi akong nag-aaral. Masaya rin naman kasi balanse. May oras din ako para mag-saya kasama yung hayop na yon pati si Cyrin.
Ngayong college, 1st sem palang ng year na 'to, hindi yon ang iniisip kong goal. Goal ko ng maka graduate for myself. Hindi para matuwa sila o para maghangad ng pagmamalaki.
Nasabi ko na naman yan sa isip ko dati. Pinapaulit ulit ko lang araw-araw.
The next day, Third's already ready to leave the bakery. Lumabas ako sa apartment, nandoon na siya sa loob ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Light Within Dulce [On Going]
RomanceDulce's a type of girl that would memorize a country every breakdowns. And guess what? She memorized the whole world. That's how her life has been since her childhood. All she ever wanted was to escape from hell. After high school her greatest escap...