Dulce
"Mina, pabili nga ng sampung piraso na Cyndesal."
Nakataas ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin. "Oh Dulce, ikaw pala 'yan. Sige teka lang."
Pumasok na siya kaagad sa loob. Nasa labas lang ako ng bakery. Ayokong makasalubong si 'you know who' doon sa loob. Lumabas na si Mina at inabot sa akin ang isang supot na may lamang tinapay. "'Di ba nasabi sa iyo ni Sir Third na libre lang sa atin ang ganyan?"
I raised my brows. "Hindi. Hindi ba malulugi kapag libre lang sa atin 'to?"
Tumawa siya. "Hindi noh. Yaman na yaman ng may ari eh. Saan ba ang punta mo ha? Naka porma ka jan ah."
"Grabe. Nasaan ang porma rito eh naka jacket at pantalon lang naman ako?" Inayos ko ang paghawak sa supot. "Mauna na ako ha? Kapag may naghanap sa akin, sabihin mo eh may pinuntahan lang."
Tumango siya. "Hindi ko ba sasabihin na may date ka?" Binigyan pa niya ako ng isang mapangasar na tingin.
"Hindi kasi wala namang magtatangka na makipagdate sa akin noh. Bye!" Kumaway ako sa kanya.
"Ingat!" Masiglang sabi niya at may pa-flying kiss pa talagang nalalaman 'to. Jusko.
Now this will really be my favorite part of a day: Yung makausap ko si Psalm. He will probably be my living diary. At mamaya, paniguradong puro rants ang sasabihin ko sa kanya!
Habang naglalakad ay 'di ko pa rin maiwasan na mag-overthink. Kristie is really driving me nuts. Parang kanina lang, nagagalit ako sa kanya tapos ngayon, nagiguilty ako dahil sa mga sinabi ko.
God, I really feel guilty.
Ngumiti ako nang matanaw ko na may lalaking naka upo sa isang bench. Binilisan ko ang paglalakad papalapit sa kanya. He's still wearing the same hoodie.
"Yow Psalm." Umupo ako sa tabi niya at tinapik ang kanyang braso para maramdaman niya na nandito ako.
"Dulce." Nakangiting bati niya.
"May dala akong tinapay. Bagong luto pa." Binuksan ko yung supot at kumuha ng dalawang Cyndesal. "Here." Kinuha ko ang kamay niya at inilagay doon ang tinapay.
"May dala ka pa talagang pagkain ah. Mukhang mahabang usapan ang ipinunta mo rito."
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa may lawa at kumakain. "Yep. Mahabang usapan nga yata ang ipinunta ko rito."
"Go. Kwento ka lang jan. Makikinig ako."
Sigh. "Yung katrabaho ko kasi doon. May galit sa akin. Kaninang umaga lang 'to nangyari ha? Pucha pumunta lang daw ako rito para mapuri at magustuhan ng iba. Like, ang immature ng ganon!"
Napatingin ako sa kanya bigla. Bakit bigla nalang akong nanlalambot? Kumuha ako ng isa pang tinapay at kinuha ang kanyang kamay. Ginawa ko yung kagaya kanina bago magpatuloy sa pagsasalita.
"Tapos ano..." should I even mention names? 'Wag na muna siguro. "crush niya nga yata yung manager namin. Nilalandi ko daw?! Jusko. Hindi ko naman type yung boss namin kasi kaibigan ko lang naman 'yon."
"Oh, eh ano naman yung sinabi mo sa kanya? Pinagtanggol mo ba sarili mo?
"Malamang!" Naipadyak ko ang aking paa sa may samentadong sidewalk. "Sinabi ko sa kanya na hindi ko kamo type yung boss namin. Eh dahil sa inis, nasabi ko tuloy na hindi naman siya type ni boss." Tumawa ako nang malakas. "Pucha tapos pinagsisisihan ko lahat ng sinabi ko. Nagiguilty talaga ako."
BINABASA MO ANG
Light Within Dulce [On Going]
RomanceDulce's a type of girl that would memorize a country every breakdowns. And guess what? She memorized the whole world. That's how her life has been since her childhood. All she ever wanted was to escape from hell. After high school her greatest escap...