Dulce
5:50 pm. Napagisipan kong maglakad sa labas since plano ko naman 'to simula noong nakarating ako rito sa Cebu. Mabuti at nakatulog ako kahapon nang maayos. Knowing the fact na fresh pa sa utak ko yung mukha ni Kristie. Pucha.
Papalubog na ang araw at ang tahimik ng paligid. Tanging ang mga tuyong dahon na naaapakan ko ang maririnig. Nasa may gilid ako ng kalsada na kung saan may mga punong malalaki.
Ang ganda pala ng view dito. Lalo na at medyo mataas ang lugar na 'to tapos may makikitang lake mula rito. Kitang-kita ko yung anyong tubig na kulay asul.
I am really... satisfied.
May natanaw akong bench at may nakaupo doon na lalaking naka suot ng hoodie. Parang ang sarap tumambay doon at tumulala nalang buong magdamag. Naglakad ako patungo sa bench na iyon at napatigil sa gilid ng lalaki.
Parang tumigil nang saglit ang mundo ko. May naramdaman pa akong pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan. What the actual fvck. Tinagilid ko ang ulo ko para mas makita yung mukha ng lalaki.
Siya nga ba 'yon?!
What the heck!
Siya nga!
"Psalm?"
Ang bilis ng tibok ng puso ko nang gumalaw ang ulo niya at tumingin sa gawi ko. Kaya pala pamilyar yung mukha! Hindi ko inaasahan na makikita ko ulit siya. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko.
"You sound familiar."
Napakagat ako sa labi. Oh my God. This is actually happening? Nakakagulat. "Tanda mo yung puchanginang babae na nakatabi mo sa eroplano na Dulce ang pangalan?" Natatawa pa ako habang nagsasalita. "Ako 'yon."
May malaking ngiti na gumuhit sa mukha niya. "Seryoso?" Natatawa siyang sabi.
Naupo ako sa tabi niya. Hindi ko alam pero ayaw matanggal ng ngiti sa labi ko. I'm really glad that I get to see him again... unexpectedly.
"Pucha naman oh. Ako nga 'to. Bigyan kita ng proof? Ikaw yung nakatabi ko sa eroplano na introvert daw kamo tapos natuto ng makipagusap sa ibang tao. Tapos gwapong-gwapo ka pa talaga sa sarili mo ha?"
Tumawa siya. "Ang astig naman. Ikaw nga yung nakatabi ko. Taga rito ka pala?"
"Well, kakalipat ko lang at nagtatrabaho ako doon sa bakery na malapit dito. Ngayon ko lang naisipan na maglakad kaya ngayon lang ulit kita nakita. Sana pala eh noong unang araw ko palang dito."
Nakatingin lang siya nang deretso sa unahan. Tinaas ko ang aking mga paa at niyakap ang mga tuhod ko habang naka upo. Medyo malamig din ang panahon tapos ako 'tong si tanga, nagsuot pa ako ng crop top at sweat pants. Nakalimutan ko pa yung jacket ko. Jusko magtitiis tuloy ako sa lamig.
"Nagiging madaldal ka na ah? Nahawa ka na siguro ng mga nakakasama mo rito."
Naalala ko si Mina. Parang nadadala na rin ako sa pakikipagusap niya sa akin kaya minsan napapagaya na rin ako. Pero hindi naman yung sobrang bilis kagaya ng pagsasalita niya.
"Yung kasama ko sa trabaho. Madalas ko siyang kakwentuhan kaya ayon. Medyo natututo na akong makipagusap nang maayos. Yung hindi... awkward."
BINABASA MO ANG
Light Within Dulce [On Going]
RomanceDulce's a type of girl that would memorize a country every breakdowns. And guess what? She memorized the whole world. That's how her life has been since her childhood. All she ever wanted was to escape from hell. After high school her greatest escap...