Dulce
A week has passed and another shift has been done. Sigh. Another pahinga for Dulce at dahil Linggo na bukas, matutulog ako maghapon.
Sa mga nakaraang araw, halatang halata ang panliligaw ni Third sa akin jusko. Araw-araw may almusal siyang binibili para sa akin. Madalas siyang nag-reregalo ng mga chocolates. Ang sweet niya kumpara dati.
Pero syempre, pinapanindigan ko naman yung plano ko na hindi siya bigyan ng pag-asa. Sinasabi ko sa kanya palagi na malabo at wala akong nararamdaman pero wala eh. Ayaw niyang sumuko at patuloy pa rin niyang ginagawa ang gusto niya. Sabi nga ni Psalm, hayaan nalang kasi choice niya. Hindi ko kailangang ma-guilty. Hindi mo kailangang ma-guilty, Dulce.
Inaantok na naman ako. Pakiramdam ko lagi ay kulang ako sa tulog sa tuwing katatapos lang ng aking shift. Papunta na ako sa apartment nang may tumawag sa akin.
"Dulce," si Kristie.
Oo nga pala. May issue pa sa pagitan namin. Hindi ko siya pinapansin madalas. Hindi rin naman ako lumalapit. Humarap ako sa kanya. Seryoso siya at mukha talagang ang sama ng loob sa akin grabe. Tumawa ako sa isip ko. Just entertain her, Dulce.
"Kristie."
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Sure," i smiled. "Ngayon na ba?"
Tumango siya at dumeretso sa loob ng tinutuluyan niya sa apartment. Sumunod naman ako sa kanya. Parehas lang halos ang itsura nito pati ng tinutuluyan ko. Dumeretso siya sa may dining table at naupo. Sumunod naman ako saka umupo sa tapat niya. Nasa guidance office ba ko?
The tension is in the atmosphere. I know this kind of situations. I've been in this kind of conversations before. I can handle this. I swear.
"Akala mo ba hindi ko pansin?" biglang lumabas ang tunay niyang ugali. Parang bigla siyang naglabas ng apoy ah. "Ibang iba ang pagtrato ni Third sayo. Ano mo ba siya? Anong meron sa inyo? Nililigawan ka ba niya? Kayo na ba?" Sunod sunod ang pag-tatanong niya sa akin.
Sabi na eh.
Humikab ako, "Teka lang Tito Boy, hinay-hinay. Isa-isang tanong lang oh. Ano yung unang tanong? Ah akala ko hindi mo pansin? Malay ko ba. Wala naman akong pake sayo."
Kumunot ang noo niya. Kitang kita ko ang panggigigil niya sa kanyang mga kamay. Pasensyahan kami. Kung nilalabas niya ugali niya saken, bahala siya.
"Nananadya ka talagang manakit ano? Anong klase kang tao. Alam mo namang may nararamdaman ako para sa kanya. Sinasadya mong manakit," may namumuong luha sa mga mata niya.
Nag-krus ang aking mga braso at sumandal sa upuan. "Alam mo, kakasabi ko lang 'di ba? Wala akong pakialam. Hindi ko iniisip kung may nasasaktan ba ako dahil wala naman akong ginagawang masama, okay?"
"Meron. Pinapakita mo talaga sa akin sa harap-harapan kung gaano ka niya kagusto. Nananadya ka. Ang sama ng ugali mo. Napakasama mo," nagtuloy tuloy na ang mga luha niya.
Hindi ito ang unang beses na may umiyak na babae sa harap ko na ako ang dahilan. Aden... hahaha that fucker. Maraming nagkakagusto sa gagong 'yon. Napakaraming babae ang umiiyak dahil sa kanya. Nakakatawa lang, ako pa yung spokesperson niya sa tuwing may babaeng gustong kausapin siya sa personal. Nasanay na tuloy ako na harap-harapang hinuhusgahan at minumura.
BINABASA MO ANG
Light Within Dulce [On Going]
RomanceDulce's a type of girl that would memorize a country every breakdowns. And guess what? She memorized the whole world. That's how her life has been since her childhood. All she ever wanted was to escape from hell. After high school her greatest escap...