006

89 1 0
                                    

Dulce

“Ate Sexy!” masiglang bati ni Maki sa akin. Nagpakarga siya at kaagad ko siyang binuhat. Pucha napakakyut naman nito. Narinig ko na tumawa sila Third at Mina.

“Maki, kilala mo ba ako?” nakangiti kong tanong sa bata.

“Ate sexy po,” inosenteng sagot niya.

“Ako si Ate Dulce.”

“Ate Dulche.” Pucha ang cute. Tumawa ako at niyakap siya nang mahigpit.

I really love babies. Back then, my day was always completed if I were able to see a baby. Ehh my ex has a little sister and she's 2 years old. I kinda miss Adina. Sana hindi siya lumaki kagaya ng kapatid niya.

“Easy, Roselynne, nanggigigil ka kay Maki. Maiipit na oh.” Sambit ni Third. Dadali na naman sa pantawag na Roselynne jusko. Niluwagan ko tuloy ang pagkakayakap kay Maki pero siya na mismo ang yumakap nang mahigpit.

Inirapan ko si Third. “Ano ha? Siya mismo gusto ng hug na mahigpit.”

Nakita ko naman na tumawa siya at lumayo sa amin para sagutin ang natawag sa kanyang phone.

“Hahanda ko lang yung pagkain sa loob. Punta na rin kayo.” Sambit ni Mina. “Maki, behave ka lang sa kanila ha?”

Pumunta na rin kami sa sala. Hindi ko iniimikan si Kristie. Alam kaya ni Third na may gusto sa kanya si Kristie? Tch, why should I even care.

Pinagmasdan ko ang bahay nila Mina. Hindi ito gaanong malaki pero malinis at maganda. May naka-display pang graduation pictures ni Mina, hanggang high school nga lang. Hindi ko pa nararanasan na maidisplay ang picture ko sa tanggapan ng bahay namin. Ewan ko ba kay Mama puro nalang mga larawan ni Ate sa mga beauty contests ang naka-display.

Tangina, favoritism.

“Kristie, Third, halina kayo sa hapagkainan at nakahanda na ang mga pagkain,” napatingin ako sa nanay ni Mina. Kasing edad niya lang siguro si Mama.

“Sige ho,” nakangiting sagot ni Kristie. “Third, tara na dun kakain na.” Pshh. I laughed secretly on my mind. Pag nga naman crush mo yung tao ano. Nagawa ko rin yun dati, kaso sa maling tao. Damn, nevermind.

“Ija, ikaw ba si Dulce?” napatigil ako sa paglalakad at lumingon kay Tita.
Ngumiti ako. “Ako nga po. Nakkwento po kayo sa akin ni Mina. Napakabait niyo pong ina at lola.”

Well, base sa mga kwento ni Mina sa tuwing sinasamahan ko siya sa pagtitinda, napakabuti nga ng nanay niya. She didn't left her side or even get angry at her when Mina told her that she's pregnant. Sino nga ba ang inang hindi makakaintindi sa anak niya? Sino bang ina ang hindi tatanggap sa kanyang anak kahit may nagawang mali?

Syempre, tangina, nanay ko.

Tumawa siya. “Iyan talagang anak ko, napakadaldal ano? Namana sa tatay niya. Nabanggit niya sa akin na nagttrabaho ka ngayon para sa pag-aaral mo ng kolehiyo.”

“Ah opo. ‘Yun po ang rason. Para rin po hindi na mahirapan mga magulang ko.” Liar. Para di na po ako mahirapan sa puder ng Mama ko. Pero, legit naman yung para sa tuition fee ko.

Light Within Dulce [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon