Dulce
My room was in total darkness and deafening silence is all I could hear. I am alone, as usual, I have nobody with me. This was how my every night felt like for several years. And it's painful to realize that everyone around you doesn't know that you're suffering. Nobody's aware of a battle that I'm fighting silently.
Damn. Paano ko nga ba naalala yung thoughts ko na 'yan noong Grade 9 ako? Sabagay, kapag naman palagi mong nararamdaman yung isang bagay, kagaya ng breakdowns ko dati, yun at yun lang din ang maiisip. Overthinking I guess.
Dahil walang pasok ngayon at pansamantalang sarado rin ang bakery, nandito ako ngayon sa bahay nila Mina. Katatapos lang ng pasko kahapon at dito ako dinala ng mga paa ko habang naglalakad. Bigla ko nalang naisipan na sumakay ng tricycle at magpahatid sa kanila.
May binibili lang si Mina kaya naiwan lang kami rito ni Tita at ni Maki na tulog pa rin hanggang ngayon. Wala pa ngang alas otso, nandito na ako.
"Dulce, ang ganda ng binigay mong regalo sa akin," sambit ng nanay ni Mina.
Nandito kami ngayon sa salas ng bahay nila. Hindi naman ito ang unang beses na pumunta ako rito. Siguro, mga limang beses sa isang buwan ako napapadpad dito kaya
"Mabuti po at nagustuhan niyo," ngumiti ako
Tumawa siya. "Sabi nga sa akin ng anak ko, kapag hindi raw kasya sa akin ay kanya nalang daw. Nakakatuwa naman at namimigay ka ng mg regalo kahit na ikaw lang din ang nagtatrabaho para sa sarili mo."
Ngayon nga lang ako naging malaya na mamili ng mga bagay sa mall tapos ipapamigay sa mga kaibigan. Dati kasi, kontrolado nila Mama pati wallet ko. Alam mo yung kahit anong tago ko, nagagawa pa rin nilang mahanap at kuhanan ng pera?
Pag naman may pera akong naipon dati, wala naman akong mga pagbibigyan ng regalo. Si Aden at Cyrin lang kalimitan ang nabibilhan ko. Asa pang tanggapin nila Mama regalo ko kung meron man.
Maganda rin naman sa pakiramdam na may napapasaya dahil sa mga binibigay. Kagaya nalang ni Tita Nina. Worth it ang pagkuha sa ipon kapag may napapasaya. 'Di ba?
"Ganun po ba," tumawa ako. "Buti nalang po at kasya sa inyo."
"Kamusta na nga pala yung panliligaw sa iyo ni Sir Third?" tanong niya.
I sighed. "Ayun Tita, hindi pa rin po siya natigil. Kahit pa na sabihin kong may gusto akong iba, sa ganung paraan niya pa rin daw ako itatrato."
"Sobrang bait niya talaga," aniya. "Kahit naman sa ibang tao ay mabuti siya makipagkapwa. Sa umpisa, palaging naiisip ng karamihan na masungit siya pero grabe yang batang yan kung mag-alaga. Lalo na noong tinanggap niya si Mina sa bakery."
Aware naman ako na napakabuti niya. Sa sobrang bait niya nga, I question myself if I really deserve his kindness and care. Kasi, c'mon, parang hindi siya naniniwala na may gusto ako sa iba. Sinasaktan ba niya sarili niya dahil sa akin? Ay tangina, hindi, ako yung nanakit sa kanya.
Eh, 'eto nararamdaman mo Dulce eh. Hindi mo naman pwedeng pilitin na ibigay sa kanya yung gusto niya. Kasi, nakuha na 'to ng iba... Kahit na, hindi ako sigurado.
"Pero, wala ka namang ginagawang mali. Sinusundan mo naman ang nararamdaman mo at nagsasabi ka naman di ba sa kanya ng totoo?" tumango ako sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
Light Within Dulce [On Going]
RomanceDulce's a type of girl that would memorize a country every breakdowns. And guess what? She memorized the whole world. That's how her life has been since her childhood. All she ever wanted was to escape from hell. After high school her greatest escap...