009

77 2 0
                                    

Dulce


"Ito talaga napakasungit," komento ni Psalm habang nagkkwento ako. "Masungit na cute," tumawa siya. "Plus, matapang at kayang-kayang ipagtanggol ang sarili."

Nakatingin ako sa kamay niyang hawak ko. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Bakit? May problema ba siya? Huminga ako nang malalim at tinignan siya.

"Psalm may problema ba?" Nag-aala kong tanong. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang umiiyak. "Psalm, anong nangyayari sayo? Hoy. Kausapin mo ako, nandito ako, Psalm."

"Aalis na ako," aniya at bigla akong binitawan. "Kalimutan ko na ako dahil hindi na ako babalik pa rito," seryoso niyang sambit sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla siyang naglaho na parang gabok sa Endgame. Tangina, Psalm nasan ka? Tumakbo ako papalayo para hanapin siya nang bigla akong madapa.

"PUTA," napabangon ako sa kutson. Ang bilis ng tibok ng puso ko at napakabilis din ng paghinga ko. Dagdag pa rito, pawisan ako. "Bangungot. Tangina, buti nalang."

Akala ko talaga iniwan ako ni Psalm. Ayokong mangyari yon pucha. Kailangan ko siya palagi. At, ang pagpunta ko sa tabi niya ay pahinga ko na rin bawat araw. Grabe. Ayoko ng matulog.

7:00 am. Ilang oras tulog ko? 17 hours? What the fudge. Natuloy nga yung paggising ko kinabukasan. Pumunta ako sa sala dala ang aking phone. Manonood nalang muna ako ng TV habang kumakain.

My phone vibrated.

Unknown Number:

U free? Tara lumabas mamaya :) save my number.

Ako:

Who u? Where did u get my no.?

Unknown Number:

Third. Cyrin gave it to me hehe.

Ako:

Saan tayo pupunta?

Sir Third:

It's a surprise.

Ako:

Okay okay. What time?

Sir Third:

8:30 am pupunta na ako.

Tangina naman. Pumunta kaagad ako sa kwarto at kumuha ng maisusuot na damit. Black crop top at mom jeans ang napili kong isusuot mamaya sa pagmamadali. Bakit naman kasi napakaaga?

Tsk. Relax, Dulce. Hayaan mo siyang maghintay. Maligo ka nang matiwasay, okay?

Saktong 8:30 ako lumabas. May nakasabit sa likod ko na mini bag. Tangina ang laman lang ay phone, wallet, at panyo. Dumeretso na ko sa labas ng apartment at nandito na nga ang kotse ni Third.

"Good morning," bati niya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. "Kumain ka na ba?"

Tumango ako at nilagay sa lap ang mini bag ko. "Bakit naman ang aga niyo magyaya Ser? Saan ang punta natin?"

Light Within Dulce [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon