Dulce
"Seryoso? You met a guy, sat beside him for almost one and a half hour, and found out that he's blind?! Shemay. Kapag ako nasa posisyon mo, maluluka na ako doon." Sambit ni Cyrie habang kumakain. "May binigay ba siya sayo? Kahit cellphone number man lang or full name?"
Umiling ako at isinubo ang isang kutsarang ice cream. "Pangalan niya lang. Psalm. Hindi ko na siya nasundan nung nasabi niya sa akin na bulag siya. Ang tagal kaya bago mag-sink in yung mga sinabi niya! Pati sumakay na siya sa kotse kasama yung kapatid niya. Nung lumabas ako sa airport."
Tumaas ang kanyang dalawang kilay. "Yung plate number ng kotse, nasaulo mo ba?"
The last thing I know, nakatingin nalang ako sa bintana ng kotse nila. Hindi tinted yung bintana kaya nagawa ko pang makita siya kahit sa malayo. Pero, hindi ko naisip na tignan yung plate number! Ang ko naman. Umiling ulit ako. "Hindi ko naman gusto na magkita ulit kami kaya okay lang noh."
"Gwapo ba?" So yeah. Meet my marupok na kaibigan. Interesado siya sa lahat ng gwapong nakikita niya or naiimagine niya. Sa kwento ko pa nga lang, wala akong nasasabi na itsura, interesado na siya. Astig.
Napasandal ako sa upuan at sumubo ulit ng ice cream. "Hindi nga ako maalam tumingin kung gwapo ang isang tao, di ba?"
She rolled her eyes. "Hm. simula kasi noong naging kayo ni A, hindi ka na tumitingin sa ibang lalaki. Tinetesting ko lang kung natingin ka na ngayon sa mga gwapo lalo na't single ka."
Yeah right. Hindi na ako natutuno tumingin sa ibang lalaki dahil sa kanya. Kaso wala na ngang kami. Hindi ko rin alam kung bakit pero hindi talaga ako maalam tumingin kung gwapo ang isang tao.
"Psh. Ang sabihin mo, gumagawa ka ng paraan para masabi ko yung dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan," sinungitan ko siya. "Nagsawa ako, okay? Ayun talaga ang dahilan."
Dinahilan ko talaga yung bagay na imposibleng mangyari. Bwiset. I can't even imagine myself doing that. Pero para takpan ang lahat, mas pinili ko na maging masama ang tingin sa akin ng lahat. Wala eh. Tanga ako.
"Talaga lang ha? Baka masabunutan kita kapag nagsisinungaling ka." Sinimangutan niya ako at uminom siya ng juice.
Tumawa ako. "Baka ako pa ang sumabunot sayo kaso libre mo nga pala 'tong ice cream kaya 'wag na," sigh. "Malapit lang ba dito yung branch ng bakery niyo?"
Tumango siya. "Wala pang sampung minuto, makakarating na tayo doon kapag naglakad. Napalayo tayo sa topic ah? Ang misteryoso naman nung naka tabi mo," Binigyan ko siya ng masamang tingin. "'eto na nga oh magmomove on na," tumayo na siya at sumunod na rin ako. "May gusto ka bang itake out na pagkain?"
Ang yeah, meet my super kind friend. She's really one of a kind. Mapagbigay, maganda, mabait, at higit sa lahat, marupok. Pero walang jowa?! HAHAHAHA parang ako lang. Kaso yung pinagkaiba talaga namin, siya... totoo. Tapos ako? Puro kasinungalingan. Nakakaguilty din kahit papaano kasi ang unfair ko.
"Wala na. Mamayang hapunan nalang ulit tayo kumain. Ako naman ang manlilibre."
Lumabas kami sa ice cream shop at naglakad na papunta sa bakery. Katabi lang ng bakery yung apartment kaya hindi na ako mahihirapan. Hindi na ako gagastos sa transpo dahil walking distance lang naman.
BINABASA MO ANG
Light Within Dulce [On Going]
RomanceDulce's a type of girl that would memorize a country every breakdowns. And guess what? She memorized the whole world. That's how her life has been since her childhood. All she ever wanted was to escape from hell. After high school her greatest escap...