028

11 0 0
                                    

Dulce

I was supposed to rest because I have an early flight tomorrow, but I can't. I have an unexpected visitor is here. Damn, Dulce, when are you going to stop overthinking?

Nahimatay si Third nang naglakad siya palayo sa akin. Mabuti nalang at mabait ang kapitbahay na nakakita sa kanya. Tinulungan niya akong ipasok ang lasing kong kaibigan sa loob ng bahay ko.

Ngayon, pucha, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng kasama rito sa bahay na lasing. Nakatayo lang ako rito sa kusina habang tinitignan ang tulog na si Third. Argh. What should I do? I can't just leave him here before going to the airport tomorrow.

Argh!

Psalm:

Just got home. Rest well, Dulce.

I let out a deep sigh and went into my bedroom. Pinatong ko sa kama ko ang phone ko. Nag-palit na rin ako ng damit. Naka-lock na naman ang pinto sa baba. Bahala na bukas, basta gigising nalang ako nang maaga.

It's three o'clock in the morning. I woke up with my alarm. Bumangon na ako para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng uniporme. Bumaba na muna ako sa kusina habang pinapatuyo ang buhok ko. Tinignan ko si Third, ang himbing pa rin ng tulog niya.

Kumuha ko ng isang cup noodles at inilagay ito sa lamesa. May water dispenser naman ako, pwedeng doon na kumuha si Third ng mainit na tubig. Inilapag ko ang susi ng bahay sa lamesa. Nagsulat ako ng note at inilagay ito malapit sa cup noodles.

Third,

Kainin mo 'to pag nagising ka. May mainit na tubig naman sa water dispenser. Iwan ko rito ang susi ng bahay. Paki-lock nalang nitong bahay kapag aalis ka na tapos, ipahabilin mo sa may ari nitong apartment ang susi. Sorry hindi ako pwedeng mag-stay ngayon para maasikaso ka. Hehe. Bye!

Ps: I will be at Tokyo.

-Dulce

Umakyat ulit ako papunta sa kwarto. Inayos ko na ang buhok ko, naglagay na rin ako ng make up. Sinuot ko ang heels ko at hinila na ang bagahe ko palabas.

I looked at Third before leaving.

Kapag talaga may chance ako para makausap ka, ang dami kong itatanong sayo. Bakit kailangan mong mag-pakalasing kahapon? May problema ka ba? May problema ka ba sa akin? Ano ba yung sinabi mo kagabi? Hay nako.

I texted Psalm when I got here at Tokyo. The five hour and twenty minute flight was tiring. Bagsak akong humiga sa kama kasabay ang paghubad ko sa heels ko.

"Leonor," inaantok kong tawag sa kasama ko na nasa kabilang kama. Masigla pa rin siyang nagtitipa sa phone niya nang tignan ko siya. "Leo!"

Napahawak siya sa kanyang dibdib. "My God, akala ko kung ano. Bakit?" aniya at bumaling ulit sa phone niya.

"Gisingin mo ko kapag kakain na ng lunch. Tulog lang ako," pumikit na ako at humikab. Kulang na kulang talaga ang tulog, Dulce?

Isang oras lang din halos ang itinulog ko. Nang gisingin ako ni Leonor, nagbihis na ako kaagad. Isang gray turtleneck sweater at jeans ang suot ko, pati na rin ang brown boots. Hinayaan ko nalang na nakalugay ang buhok ko.

Light Within Dulce [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon