Dulce
“Ang laki naman ng branch niyo rito,” sambit ko habang pinagmamasdan ang bakery nila. “Café na ‘to eh.”
Tumawa si Third. “Soon, irerenovate na yung bakery sa atin. Ganito na rin ang itsura non kapag natapos. Wait for me here, kakausapin ko lang mga tauhan dito.”
Tumango ako at naupo. Ang ganda naman dito. Sa Maynila, napunta kami ni Aden sa mga café. Lagi kong na-appreciate ang mga disenyo. Parang sinauna ang theme dito. May mga nakadisplay pang litrato ng mga ninuno nila Cyrin. Everything looks aesthetic. I'm amazed.
“Hey, tara na,” sambit ni Third matapos ang ilang minutong pakikipagusap sa mga nagttrabaho rito. Tumayo na ako at sumunod kay Third sa labas. Pinagbukas niya ako ng pinto ng kotse saka ako pumasok.
“Third, saan tayo pupunta?” tanong ko dahil wala talaga akong idea kung saan kami pupunta.
“Sa restaurant ng Tita ko. Masarap mga pagkain doon,” napatango ako.
“Nilalamig ka ba?”
Napansin niya na niyayakap ko ang braso ko. Bakit nga ba tank top at jeans ang sinuot ko? Dapat nag-hoodie man lang ako. “Ah okay lang. Sanay naman ako sa malamig.”
“Kung gusto mo naman may jacket ako. Kuhanin ko?”
Umiling ako. “Wag na, salamat.”
Pucha. Ang elegante ng kainan na ‘to. Gago, yung mga tao ang sosyal ng suot. Tapos, nakasuot lang ako ng ganito? Para silang mga sasalang sa title defense dahil sa pormal na mga suot nila. Rich people pala ang mga ito jusko.
“Tangina mo ser, bakit di mo naman sinabi na sosyal ang pupuntahan natin?” sinuntok ko si Third nang mahina sa braso.
“Bakit naman?” he checked me out. “ayos naman ang suot mo. You’re beautiful.” Sinamaan ko siya ng tingin at umupo na ako. “Pili ka na ng gusto mo.”
“Anla ser,” nakakahiya pucha “i-order niyo nalang din po ako ng kagaya ng iyo,” Tumango siya at umorder na. Habang naghihintay ay may lumapit na matandang babae sa amin.
How fancy.
“Hello, darling,” tumayo si Third at niyakap ang babae. “It’s been awhile ah. Kamusta ang business niyo?” napatingin siya sa akin.
“It’s doing great, Tita Trixie,” umubo siya. Tangina na-aawkwardan naman ako. “This is Roselynne, my workmate.”
Nginitian ko siya. Pinagmamasdan niya ako. Dulce, sanay ka na sa ganito, ‘di ba? Let her judge you.
“Hello, Roselynne,” nakipag-beso pa siya. “nililigawan ka ba ng pamangkin ko?”
Tumawa ako at umiling. “H-hindi po, Ma’am. Ang ganda po pala ng restaurant niyo.”
“Ang galang na bata naman nito,” bumaling siya kay Third. “Ano pang hinihintay mo, Third? Wag mo ng pakawalan ‘to ang ganda at sexy oh, sa tingin ko naman ay napakabuting bata nito.”
BINABASA MO ANG
Light Within Dulce [On Going]
RomanceDulce's a type of girl that would memorize a country every breakdowns. And guess what? She memorized the whole world. That's how her life has been since her childhood. All she ever wanted was to escape from hell. After high school her greatest escap...