015

68 1 0
                                    

Dulce

Saturday.

"Huy," napatingin naman ako kay Thea. "Why are you smiling?" binigyan niya ako ng mapangasar na mukha habang naglalakad.

Hindi lang pala ako nakapapansin na kanina pa kong nakangiti. Malamang, napansin nga ni Thea, bobo. Paano ba naman eh Sabado ngayon? Which means...

"Ikaw 'di ba yung may scandal?"

Tangina naman, nasa kalagitnaan ako ng kasiyahan sa isip ko, bigla namang may umepal. Pucha. Isang panira ng moment ang lalaking 'to.

Napatigil kami ni Thea sa paglalakad. Papunta na dapat kami sa susunod na klase kaso may lalaking humarang sa amin para magtanong. I rolled my eyes. Wow, Dulce, ano ka? Bitchesa ng department na 'to?

"Isn't it obvious?" walang emosyon kong sagot sa kanya.

Hindi ako pamilyar sa lalaking 'to. Napansin ko naman na may mga estudyante na nakatuon na ang pansin sa akin. This guy is making a scene and I hate it.

Fuck attention.

"So, ikaw nga?" Nakangisi niyang paglilinaw.

This was the first time that some stranger approached me about that topic. Bakit naman big deal sa kanya yun? Ang insensitive naman.

Ano bang problema nito?

Napatingin ako kay Thea at sumenyas na maglakad nalang. Kaso, hindi siya umalis. Ano ring problema nito? Jusko, ano bang problema ng mga tao ngayon?

"What is it to you?" Sabad ni Thea. Grabe, taas noo. "Stop making a scene. Ikaw lang ang mapapahiya dito kapag hindi tumigil ang bunganga mong bastos sa pag-dada."

Nanatiling walang emosyon ang mukha ko. As planned, I won't show them that I'm so fucking affected. Kung hindi ko 'to ginagawa, itong pagtatago ng nararamdaman, malamang nakasapak na ko ng tao.

Pero seriously, deep inside, nagugulat na ako sa nangyayari. Isang malaking factor na rito si Thea. Hindi ko naman inakala na may ganito pala siyang side. At, isa pang napakalaking factor itong lalaki. Ewan ko ba kung malulungkot ako o magugulat sa tanong niya.

Bubuka pa sana ang bibig ng lalaki para magsalita ngunit inunahan na naman siya ng katabi ko na si Thea.

"Can you just shut the fuck up?" inis na sabi niya. "Move away, may klase pa kami." Utos niya at kaagad na sumunod ang lalaki.

Wala ng umimik. Damn, she's really effective on giving discipline. Parang walang laban yung lalaki kanina. Nakakatakot palang magalit ang magandang 'to.

She's really intimidating at first, but when I talked to her, she's really soft and mature at the same time.

Umupo na kami nang makarating sa room. We are actually 15 minutes early so, we still have time to talk. Inilabas ko na muna ang notebook ko para sa klase na 'to bago makipagusap sa kanya.

"I gladly appreciate what you did back there," sabi ko sa kanya. "Pinagtanggol mo ko kahit na sa mga mata nila, ako yung may nagawang masama."

Light Within Dulce [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon