Dulce
"Good morning." Bati ko kay Third nang makita ko siya pagpasok sa bakery. Nginitian niya kaagad ako kahit halatang inaantok pa siya.
It's 3 o'clock in the morning at parang kulang pa yung tulog ko. Masasanay din naman ako lalo na at araw-araw akong gigising ng ganitong oras. Niyakap ko ang aking sariling katawan dahil malamig kahit naka suot pa ako ng makapal na jacket.
"Good morning, Roselynne." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. What the fuck? Ew. Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya. Naka ngisi siya what the heck nakakaasar yung dating sa akin. "I expected that reaction," tumawa siya. "Binasa ko yung application form mo kahapon kaya nalaman ko."
"I prefer being called 'Dulce'."
Nakakasuka talaga. Roselynne my ass. 'Yan yung tawag sa akin ni Aden dati kaya mas lalo akong nandidiri. Pero bakit masyado akong apektado? Dulce, kalma.
"Ang cute kaya ng Roselynne."
"Mas cute ang Dulce."
"Oo nga. Cute ka."
And another what the fuck? Ewan ko ba. Napatigil ako at hindi ko na napigilang gumawa ng mukha na nandidiri. Ang smooth ng banat nito sa totoo lang pero nakakasuka pa rin.
"HOY PUTANGINA PABILI!"
Napatalon ako sa gulat at nagmadaling pumunta sa tindahan. Rinig na rinig ko naman ang malakas na tawa ni Third sa loob. Kaagad akong humingi ng pasensiya sa bumibili at pinagbentahan sila.
Lumingon ako sa loob ng bakery at naka tingin sa akin si Third. Mapangasar ang hayop na 'to ah. Pero parang magaan yung loob ko sa kanya. Nakalimutan ko nga na siya yung manager dito. Lol. Bahala siya.
I mouthed the word 'Putangina mo' at saka umupo para maghintay ng bibili.
Ilang oras ang lumipas nang lumabas si Third at umupo sa tabi ko. Ang sama kong tao. Di man lang ako nagiguilty na minura ko yung magbibigay ng sweldo ko. What a nice play.
"Noong nilapitan ako ni Cyrin dati para tanggapin ka rito, sinabi niya sa akin na medyo may attitude problems ka daw."
Napatingin ako sa kanya. "Like yung madaling mainis kaya hindi maiwasan ang madalas na pagmumura? I am really trying my best to change kaso ngayon ko lang pinaplanong magsimula. Tapos nambwiset ka pa."
Tumawa siya. "Masyado mo talagang sinasabi 'yang nararamdaman mo noh? Mukha namang madali kang pakisamahan basta't may limitasyon yung mga salitang pwede mong bitawan."
Humikab ako at isinandal ang ulo ko sa may upuan. "Alam ko naman kung paano rumespeto. Pero binibigay ko lang 'yon sa mga taong karespe-respeto. Eh yung sayo kanina-- big deal ba talaga yung sinabi kong mura?"
"Nope," tumawa na naman siya. Pucha di ko kayang sabayan yung trip niya na tumawa kapag magsasalita. "Pero kapag sa ibang tao, iwasan mo na."
"Yeah, I know. Parang sa barkada lang kasi yung dating mo sa akin. Eh parang magaan naman yung loob ko sayo kaya ko nasabi 'yon. Pero sa ibang tao, tangina bakit ko naman sila mumurahin? Depende na 'yon sa sitwasyon noh."
"Mukha namang wala ka ng dapat baguhin sa sarili mo ah."
Tumawa ako. "Kung alam mo lang yung mga katangahang ginawa ko dati."
BINABASA MO ANG
Light Within Dulce [On Going]
RomansaDulce's a type of girl that would memorize a country every breakdowns. And guess what? She memorized the whole world. That's how her life has been since her childhood. All she ever wanted was to escape from hell. After high school her greatest escap...