014

71 1 0
                                    

Dulce

Mabagal ako na naglalakad galing kay Psalm. Madilim na rin at malamig kaya napapayakap ako sa aking sarili. Himala, mas magaan na ang pakiramdam ko kumpara sa bigat na naramdaman ko kanina.

Nang malapit na ako sa mahiwagang bakery ng angkan ni Cyrin, nakita kong nakatayo ang boss ko sa may harap ng gate. Ano namang ginagawa niya roon? Mukha siyang may hinihintay.

"Ser," bati ko. "May hinihintay po ba kayo?"

Nagulat siya sa akin at kaagad na lumapit. "S-saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay."

Ngumiti ako. "Pasensiya na po, kinailangan ko kasing mapag-isa." Tangina, bakit ba ganito ako makipagusap ngayon sa kanya?

"It's fine," he also smiled at me. "Since your classes are always in the morning, your shift will be at night. Is that okay with you?"

At night? Nakakapagod naman. Pero, kaya ko namang mag-aral sa may tindahan habang nagtitinda. Pati, hindi naman ako totally na magpupuyat kapag sa gabi ang shift. There's nothing wrong with that.

"Yes of course."

"Will it affect your acads?"

"Please don't worry about that. Responsibilidad ko naman, Ser, na magtinda rito talaga. Ayos lang po sa akin na pagsabayin ang trabaho sa pag-aaral."

I can manage.

"O-okay then."

Tumango ako at akmang papasok na sa loob. Napatigil ako nang hawakan ni Third ang braso ko. Ano na naman bang sasabihin niya? Gusto ko ng magpahinga sa kwarto at mag-aral.

"Kaya mo bang pumasok bukas? Knowing na kumalat yung pictures mo. Baka hinuhusgahan ka na nila."

I smirked. Gaya mo?

"I don't care at all."

"I'll still court you, kahit may ganitong issue," aniya. "Kung iniisip mo na titigil ako. I'll still help you."

Tumango ako. "Okay."

Hindi nga pumasok sa isip ko kanina kung hindi na matutuloy yung pagtulong niya sa akin financially. Pati, bahala siya kung titigil siya sa panliligaw na ayoko naman talaga.

Wala na siyang sinabi pa kaya dumeretso na ako sa bahay. Kaagad akong humiga para pumikit saglit. Maya-maya pa ay nagsimula na akong magbasa ng lectures kanina.

I'm making sure that everything will be worth it. Kaya mag-aaral ako para sa sarili ko. Hindi para subukang pasayahin sila Mama, hindi para hangarin ang pagmamalaki. Para lang talaga sa sarili ko.

I was a fool back then because I expected too much.

May oras na bigla kong maalala ang mga masasamang bagay, sa totoo lang, nalulungkot ako. Pero, nagagawa ko namang pilitin ang sarili ko na huwag itong isipin. Kakayanin, tama, kakayanin.

My phone vibrated. Cyrin texted me.

Cyrin:

Dulce, oh my gosh. I saw the pictures, grabe I couldn't imagine na magagawa mo yon. Kamusta ka? I'm still shocked.

Light Within Dulce [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon