Dulce
I'm still sitting here at Psalm's favorite spot. Ilang oras na ang lumipas nang umalis si Manang. Ewan ko ba kung anong trip ko. Pero, nakatulala lang ako rito at inaalala yung mga nakaraan na dapat ikkwento ko kay Psalm.
Just some random thoughts, actually.
I remembered Christmas last year. Grade 12 ako noon tapos, hindi pa kami naghihiwalay ng gagong si Aden, hindi ba nangyayari yung bad memory na yon. Tapos, kasama ko pa si Mama at Ate sa bahay, I mean sa impyerno.
"Ma," I called out.
My Mom didn't looked at me. As per usual, she's ignoring me again. Sumuko na ako sa pagtawag sa kanya, pumunta nalang ako sa kusina para kumain. Kumuha ako ng isang cupcake sa ref at dinala papunta sa kwarto.
Ma, Merry Christmas.
'Yan sana sasabihin ko kaso hindi mo ako pinapansin. Nakakawalang gana naman palagi dito. Napapansin lang ako kapag may kailangan. Tapos, pag may kailangan pa sa akin, sila pa ang galit kapag makikipagusap. Ganan kalulupet ang mga kasama ko sa bahay.
Home, sweet, home.
Last Christmas ko na nga pala 'to bilang isang high school student. Which means that next year, hindi na ako sasama kay na Mama sa pasko. It is either maggagala nalang kami ni Aden or sleepover at Cyrin's house. Basta, ayoko ng sumama sa kanila. Pagod na akong magamit para sa pera na gusto nila.
Psh. Ang nangyari, wala akong nakasama sa kanilang dalawa ngayon. Walang gala na nangyari. Pero, at least, hindi ko na kasama sila Mama ngayon. Hindi ko na kailangang sumama sa kanila para lang magkaroon sila ng pera.
I grabbed my laptop. It's been years simula noong huling nakausap ko si Papa. Ewan ko ba kung anong meron sa akin, bakit binabalak kong i-message siya ngayon.
Hindi ko pa rin natitignan ang mga sinend niyang messages sa akin mula pa dati. I keep on ignoring him noong nasira ang passport ko dahil kay Ate. Pero ngayon, wala talaga akong magawa noh? Na-curious na rin ako sa mga laman ng messages ni Papa.
50+ unread messages.
Okay, what the hell. Should I be guilty for not replying to him back? Bakit nagguilty ako ngayon? Huminga nalang ako nang malalim. Wala naman akong ginawang masama. Tama, tama.
I smirked when I remembered that memory. It was one of the most painful nights of my life. I remembered how every word from his messages stabbed my heart deeply. I regretted reading everything because the truth that it happened, almost killed me.
Sa tingin ko, tuwing may okasyon at tuwing birthday ko siya nagsesend nga mga message. Nakita ko yung mga dates kanina eh. I opened his most recent message which he sent today.
Papa:
Nak, Merry Christmas. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sayo jan sa Pilipinas, wala na akong contact sayo kaya sobra akong nag-aalala hanggang ngayon. Siguro ito na muna ang huling message ko ngayong taon. Ingat ka palagi ha? Hindi ako galit sayo dahil hindi mo na ako kinakausap, basta ipangako mo lang sa akin na aalagaan mo ang sarili mo. Kahit na, sinabi sa akin ng Mama mo kung gaano ka kagalit sa akin. Hindi naman kita masisisi dahil ang dami kong pagkukulang sayo. Siguro nga, nasaktan ako sa mga salitang nasabi mo tungkol sa akin, pero, tinanggap ko nalang. Sana mawala na ang sama ng loob mo sa akin, nak. Merry Christmas, Dulce.
BINABASA MO ANG
Light Within Dulce [On Going]
RomanceDulce's a type of girl that would memorize a country every breakdowns. And guess what? She memorized the whole world. That's how her life has been since her childhood. All she ever wanted was to escape from hell. After high school her greatest escap...