029

9 0 0
                                    

Dulce

Thea's already here and I'm still brushing my wet hair. She's waiting at the living room actually. I grabbed my backpack and left my room. I'm wearing a hoodie with my black tank top inside, paired with jeans.

"Tara na," sabi ko kay Thea. Busy siya sa kanyang phone nang madatnan ko.

"Baka may nakalimutan ka pa ha?" tanong niya at umiling ako.

Lumabas kami sa bahay at inilock ko na ang pinto. Wala na naman siguro akong nakalimutan. Pumasok na kami sa kanyang kotse at nagsimula na kaming bumiyahe.

Isang buwan na halos ang nakaraan noong huli akong pumunta sa bakery. Nasabi ko na rin kay Thea na dumaan kami roon pagkatapos pumunta sa restaurant ni Tita Trixie. Pumayag naman siya kaya excited na ako para makita sila Mina.

"Doon natulog si Psalm sa bahay mo?" tanong ni Thea habang nagmamaneho.

Tumango ako. "Yep, why?" sagot ko at binigyan niya ako ng nangaasar na mukha. Alam ko na naman ang iniisip nito. "Bich, no. Kung anu-ano na naman ang iniisip mo ha?"

She laughed. "Magkatabi kayong matulog?"

"Sabi ko sa kanya pwede naman siyang matulog sa tabi ko. Pero, nag-aalala siya gawa ng nangyari sa amin dati ni Aden. Kaya, doon siya natulog sa living room. Sa may sofa," paliwanag ko.

Her mouth formed an 'o'. "Mabuti naman. Grabe ha? I like him!" nanliit ang mga mata ko. "For you! Duh."

"Ah, akala ko nga eh," umakto ako na para bang nagtatampo. "Kinilig kaya ako nung sinabi niya 'yon!" natutuwa kong sabi.

"Sino bang hindi matutuwa kapag may nakakaalala ng traumas mo tapos takot siya na mag-alala ka? Ikaw ha? Niyaya mo pa talaga na matulog sa tabi mo," nagulat ako nang kurutin niya nang bahagya ang tagiliran ko.

"Aba eh, may tiwala naman ako sa kanya. Pati, normal lang naman 'yun sa mag-jowa ah," dipensa ko.

Ewan ko, natulog na naman ako dati sa tabi ng ex ko. 'Yun nga lang yung mga panahon na malaki pa ang tiwala ko sa kanya. My God, it's been years, nagagawa ko pa ring alalahanin 'yun?

"Jowa mo na ba?" asar niya.

I coughed when I remembered what I said. "May sinabi ako?"

She rolled her eyes. "Kakasabi mo lang babe. Normal lang naman 'yun sa mag-jowa ah," she's mocking me. "O sige itanggi mo."

I pouted. "Sabi ko nga ah! Hindi ko pa siya boyfriend. Joke lang talaga yung sinabi ko. Pero, may tiwala ako sa kanya kaya ko inalok 'yon."

Tumango siya. "Oo na. Pero, dahan-dahan muna ang karupukan ha? Baka magbigay ka na naman ng tiwala tapos masisira na naman. Iiyak na naman tayo sa dulo kagaya ng nangyari sayo dati."

I pursed my lips. "Hindi naman niya siguro masisira ang tiwala ko. Pati, kilala ko na siya dati pa kahit pa noong hindi pa siya nakakakita. Sana lang talaga hindi siya kagaya ng iba."

Ginulo ni Thea ang buhok ko. "Lakas naman maka-love life na pang high school ah," tumawa siya. "Sana nga si Psalm na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Light Within Dulce [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon