Dulce
It's been four months, Psalm.
Almost seventeen Saturdays na ko pumupunta sa bench na tinatambayan namin dati. This year's about to end after weeks and still, wala pa rin ang presence niya. I'm still waiting for you, mf.
"Rose," Third raised his brows twice. "Tara na?"
Ngumiti ako at pumasok na sa loob ng kotse niya. May inabot siyang isang cup ng coffee at isang sandwich. Simula na naman ng umaga ko papunta sa school kasama siya.
"Eat up. I know wala ka pang almusal. Puyat na puyat ka eh." Aniya.
Uminom ako ng kape. "Paano mo nalaman?"
Tinuro niya ang mga mata ko. "Your tired eyes tell me."
Tumingin ako sa side mirror. Gago, daig ko pa yata ang nakagat ng ipis sa mukha. Paano ba naman eh nagpatong patong ang mga tests ngayon? Alam ko naman halos lahat ng mga lessons pero delekado na, baka mamaya may mga hindi ako masagutan.
"Sabi ko nga puyat ako," sambit ko.
"Bumawi ka ng tulog mamaya paguwi. Kahit ako na muna ang pumalit sayo sa tindahan mamaya. Wala naman akong aattendan na meeting." Aniya habang nagmamaneho.
He's still not stopping from being like this to me. Kulang na nga lang, tawagin ko siyang tatay o kuya ko. Alam naman niya na ganto ang tingin ko sa kanya. Pero sabi niya, kahit wag ko na daw isipin na manliligaw ko siya. Gusto niya lang daw talaga na alagaan ako.
I'm really glad that he cares for me like this. But, there are times that I feel guilty for not being able to stop him from courting me. Meh. Pero, nasanay na ako sa treatment niya na ganito.
Umiling ako. "May breaktime naman kami after ng tests at pwede rin naman akong matulog sa biyahe. Hindi mo na kailangang gawin 'yon." Kinakain ko na ang sandwich na bigay niya.
"If you say so," sigh. Buti nalang at nagpatalo na siya kaagad. "But, if you're really tired, you can rest and I'll take your shift."
Ngumiti ako at tumango.
Ilang minuto ang lumipas, nasa harap na kami ng building. Nagpaalam na ako kay Ser Third at lumabas na sa kotse. Dumeretso na ko sa room. At dahil may test na naman, at tatlo pa 'to, nirereview namin ni Thea ang isa't-isa.
I know almost everything about her. Ang dami ng gala na nangyari for the past few months. And, syempre, hindi pa rin mawawala ang pagkakaroon namin ng mataas na grades. We're pulling each other up.
Matapos ang dalawang giyera, breaktime na. Tangina, parang exam day ng highschool pero hindi naman mga periodical tests ang kinukuha namin. Lugaw na lugaw na utak ko kahit na-review ko naman lahat ng kasama sa test. Nakakapagod lang magbasa at magsulat jusko.
"Dala mo reviewers?" Thea asked while walking.
"Yep,"
Pumasok na kami sa loob ng cafeteria. Zask's already there on our table. Inorder na niya rin kami ng mga pagkain dahil alam niya na marami kaming imporanteng lalabanan ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Light Within Dulce [On Going]
RomanceDulce's a type of girl that would memorize a country every breakdowns. And guess what? She memorized the whole world. That's how her life has been since her childhood. All she ever wanted was to escape from hell. After high school her greatest escap...