017

56 0 0
                                    

Dulce

"Paano mo nalaman?" tanong ko at humiga sa kama niya.

Pinagmamasdam ko ang itsura ng kwarto niya habang nakikipagusap. Her room is red themed. Maraming branded bags sa taas ng closet niya. Ang ganda rin ng mga nakadisplay na paintings. I wonder if Thea painted them.

Their family is really rich. I mean, yung buong angkan nila Cyrin at Third. Sa business pa nga lang nila na bakery, ang dami ng mga tumatangkilik kaya dumarami ang mga branch. Tapos yung iba pang parte ng pamilya nila, may business na isang restaurant gaya ng Mom ni Thea.

Hay, soon.

Kaya pala pamilyar yung mata ni Thea. Parehas lang sila halos ng mama niya. Bakit nga ba hindi ko kaagad naisip na si Ma'am Trixie yung tinutukoy niya noong nagkkwento siya tungkol sa Mom niya?

Slow mo, Dulce.

"Nakwento kasi sa akin ni Mom dati," aniya habang nagsusuot ng kwintas. "Pumunta raw si Kuya Third sa restaurant niya tapos may kasamang babae. Hindi nga raw inaamin ni Kuya Third na nililigawan ka niya pero halata raw ni Mom na may gusto siya sayo."

Sigh. Hindi ko naman kailangang mailang kay Thea kung pinsan niya si Third. Wala ngang nagbago sa pagkikipagusap niya sa akin nang malaman na ako ang nililigawan ng pinsan niya. I don't need to worry about anything.

"I see," sambit ko.

Lumabas na kami sa kwarto niya. Hindi nagpaalam si Thea sa kung sino. Siguro wala rito ngayon ang Mom at Dad niya. Hinintay ko siya sa labas dahil may kinukuha siya sa garahe nila.

Nakasakay kami sa kotse ni Thea ngayon at papunta sa kakainan namin. Sabi niya sakin, regalo 'to sa kanya ng Dad niya noong gumraduate siya ng high school.

"Do you like my cousin?" Tanong ni Thea pagkababa namin sa kotse.

Ngumiti ako sa kanya at umiling. Alam din naman ni Third ang totoo. Siya lang talaga ang pumipili na ipagpatuloy pa yung nararamdaman niya pati na rin yung panliligaw niya sa akin.

"Hindi ba siya tumigil?"

Umiling ulit ako.

Umupo na kami sa loob ng restaurant. Everything looks so vintage here. Dagdag pa ang mga pinapatugtog na kanta. I like it here. Ang gaganda talaga ng mga kainan dito.

Mukhang buong pagkain namin ni Thea, paguusapan namin ang tungkol kay Ser Third. Ayos lang naman sa akin. Hindi ko naman ikamamatay kapag nagkwento ako sa kanya. Pati, masaya kaya makipagkwentuhan kapag interesado ang kausap mo.

Sigh. Tangina, naalala na naman kita, Psalm.

"You can say that I'm mean," sambit ko. "Pero, simula dati, pinaparamdam ko sa kaniya na ayoko. Kasi, ayokong makasakit at gusto ko na alam niya talaga kung anong nararamdaman ko. Eh, hindi alam kung paano siya pigilan eh."

"Hindi siya nasuko."

Tumango ako sa sinabi ni Thea. "Yep."

She smiled. "My tita didn't raise a quitter. Kaya ganun ang ugali niya. I know him since childhood and I can say, he's really hard working as fuck," tumawa siya. "Dala niya ang pangalan ni Lolo kaya malaki expectations sa kanya palagi ng pamilya namin."

Light Within Dulce [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon