Dulce
Nang sumapit na ang alas dose, nanatili ako rito sa tindahan para makipagusap kay Mina. Nakakatuwa nga dahil kasama niya si Maki. Ako muna ang nag-alaga sa kanya habang busy ang Mama niya sa pagbebenta.
Sinuot ko ang aking hoodie at lumabas na sa apartment nang makita ko na malapit ng mag5 o'clock. As per usual, bumili ako ng Cyndesal at dalawang ice cream bago pumunta kay Psalm. Habang naalakad papalapit sa kanya, napapangiti kaagad ako. Pwede na ulit akong magpahinga!
"Psalm!"
"Putang-"
Napatigil ang kanyang pagmumura nang yakapin ko siya habang nakaupo. Hay, na-miss ko ang lalaking 'to.
"Ano? Na-miss mo ko noh?" Asar niya habang nakayakap sa akin. "Marami kang ikkwento sakin malamang."
Tumawa ako at inilagay sa kanyang mga kamay ang pagkain. "Oh ayan, pambawi ulit. Cookies and cream yan ha? Naggawa na nga rin ako ng schedule ng flavors na bibilhin ko kada araw."
Nakita ko na naman ang ngiti niya. Nakakagaan naman ng pakiramdam. "Teka, nakikita mo ba yung wrist watch ko?" Aniya at tinignan ko ito.
"Oo naman. Bakit?" Sagot ko habang kumakain ng ice cream.
"May maliit na red button diyan," tinignan ko at meron nga. "Kapag pinindot ko 'yan, may isang tao mula sa bahay namin ang pupunta rito."
Namangha naman ako. "Payaman ka talaga ano? Pwede pa try?" Natutuwa kong tanong dahil gusto ko nga itong pundutin.
"Pindutin mo," aniya at walang anu-ano'y pinindot ko ito.
"Is there a problem?" Boses ng isang babae ang narinig ko mula sa relo ni Psalm.
"Ate, padala nga nung pinaorder ko last Wednesday," sambit ni Psalm.
"Oh okay. Nautusan ko na si Manang. Papunta na siya diyan,"
"Thanks." Sabi niya at pinindot ang red button.
Ilang minuto ang lumipas, may isang matandang babae ang lumabas sa gate nila. Naka suot siya ng uniporme ng mga kasambahay. Napangiti naman ako dahil binati niya ako.
"Sir, eto na po," sambit niya at nagulat ako nang sa akin iniabot ang isang kahon. Ang cute ng itsura.
"Salamat, Manang."
Umalis na rin kaagad ang babae.
"Hoy ano 'to?" Tanong ko kay Psalm dahil naccurious na ako sa laman.
"Para sayo 'yan. Buksan mo." Aniya.
Binuksan ko ang kahon at napangiti naman ako sa nakita ko. Cupcakes. My favorite. Pucha, ang cute naman ng itsura. May disenyong panda ang mga ito.
"Hoy, ang cute!" Tuwang tuwa ako pucha. "Salamat! Grabe, may pangdisplay na ako sa bahay."
Tumawa siya. "Baliw. Kainin mo 'yan kapag nagugutom ka. Nabanggit mo pa naman sa mga kwento mo na paborito mo 'yan. Pati na rin ang mga panda. Si Ate ang sinabihan ko na umorder dahil... hindi ko naman makikita ang disenyo."
BINABASA MO ANG
Light Within Dulce [On Going]
RomanceDulce's a type of girl that would memorize a country every breakdowns. And guess what? She memorized the whole world. That's how her life has been since her childhood. All she ever wanted was to escape from hell. After high school her greatest escap...