027

16 1 0
                                    

Dulce

The plane landed here at Singapore. After double checking the cabin, we went outside the airport and waited for a vehicle to pick us up. We'll stay here for three days, actually. This is my first time here.

Habang nasa loob ng sasakyan, abala ang mga kasama ko sa pakikipagkwentuhan. Ako naman, kinuha ko ang phone ko at nagsend ng text sa mga kaibigan ko. Sanay na naman ang mga kasama ko rito na hindi ako palagi umiimik kapag hindi naman kailangan.

To Thea:

Touchdown.

From Thea:

Pasalubong! I'm here at Tokyo btw.

To Thea:

Pasalubong din! Hahaha take care.

We checked in here at a hotel. Kasama ko sa kwarto si Leonor. Binigyan kami ng ilang oras para magpahinga, matulog, kumain at kung anuman. Mamaya ay pupunta kami sa Merlion Park.

After napping for almost two hours, it's lunch time already. I am now wearing a fitted long sleeve top tucked in a pastel blue skater skirt. I wore my heels and went outside the room with Leonor.

"Dulce kuhanan mo ko ng picture dito," kaagad akong tumigil sa paglalakad at kinuha ang phone ni Leonor. I took pictures of her with her OOTD.  "Thanks! Kuhanan na rin kita!" masiglang sabi niya.

Umiling ako pero hindi siya nagpatalo. Nagawa niya pa rin na kuhanan ako kahit na ayaw ko.

The whole team is already waiting for our service here outside the hotel. After almost fifteen hours of waiting, a van stopped in front of us. I sat at the back when I got inside.

As per usual, nakikinig lang ako sa mga pinaguusapan nila. Kung minsan, nakikitawa lang ako at nagsasalita lang tuwing may tinatanong sa akin.

At last, nakarating din kami pagkatapos ng kalahating oras. Maraming mga tao rito, yung iba kumukuha ng litrato, yung iba naman ay tumitingin sa tanawin. Kaagad kaming lumapit doon.

I remembered when I was learning about Singapore and its famous landmark. Hindi ko na tanda kung kailan ang breakdown na 'yon pero kasama sa nabasa ko ang tungkol dito sa Merlion. Nabasa ko ang tungkol sa pagkakagawa nito, at noong natamaan ito ng kidlat dati.

"Tulala na naman ang baby namin," inakbayan ako ni Ate Emma. Siya ang chief flight attendant namin. Ewan ko ba kung bakit baby ang turing sa akin niya, siguro dahil ako ang pinakabata sa ngayon dito.

"Inaantok lang," sambit ko at nakihalubilo na sa kanila.

Pagkatapos mamasyal, bumili ako ng souvenir. Sa tuwing may pinupuntahan akong mga lugar, hindi ko nakakalimutang bumili ng keychain na magpapaalala na nakarating ako doon. Sa ngayon, mayroon na yata akong halos fifty na piraso ng key chains, kadalasang galing sa lugar sa Pilipinas, ang iba naman ay galing sa ibang bansa.

We ate our dinner when we got back at the hotel. My phone vibrated as I sat down on my bed. I've already changed my clothes. There's a message from Psalm.

Psalm:

Kumain ka na? How's your day?

Ngumiti naman ako. Naks naman, may pa ganito na siya ngayon. Parang dati lang ako ang nagawa ng paraan para makapagusap kami. Pumupunta pa ako sa bahay nila. Ngayon may pa-text-text na siya.

Light Within Dulce [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon