Lax's POVIling ili akong nakangisi na parang nainsulto papunta sa gate ngayon palabas ng campus.
Baliw! Baliw! Gusto ko talagang mag mura dahil sa nalaman ko. "Why would I be a lesbian? "Di ko makapaniwalang tanong. Tumawa naman ang tatlo.
"You think! The way you act, the way you move, the way you approach people! For us, it's pretty normal. But for other, tsk. It's not. They think you're a lesbian, because they see you as one. "Explain ni Sai. Tinignan ko sya ng may pagtataka.
"Bakit panay ka ng Engles? "Naiirita kong tanong. Tumawa si Dette at umakbay kay Sai.
"Alam mo kasing may halong Japanese blood ang lahi nito kaya nang umu, naks! Ingles ang gamit! "Natatawang tukso ni Dette kaya binatukan sya ni Sai.
"Tumugil ka Ms. Koreana! "Gigil na warning nito.
"Alam mo, ang grupo natin ay, may naghahalong lahi. At pinagkaisa tayo sa dugong pilipino !" Sabi Ni Kurt kaya napatawa kami sa point niya.
Tama sya. Mix ang blood namin.
•Sai Giff Samiko -Mama niya ay pilipina, papa naman ay Japanese
•Kurt Matthew Monte Verde -May british blood ang side sa papa at mama.
•Briddette Yin Park- Korean ang papa at pilipino ang mama.
•Athena Laxven Valdemor - both parent may dugong español.
Natatawa nga ako minsan kapag nag iinuman kami, Nagsasalita kami ng aming mga sariling lengguahe habang nakikipag usap sa isa't isa. Tapos magtatawanan kapag di naintindihan ang sinasabi ng isa.
"Ge, di yan marunong mag español si Lax eh! " panunukso ni Kurt kaya tinignan ko sya.
"Hintayin mong malasing ako at pauulanan kita ng mga mura, Miérda! "Singhal ko kaya nagtawanan sila.
"Baliw! "Sigaw ni Dette kaya tumawa rin ako.
Ng dumating kami sa parking lot, sumakay na agad si Kurt at Sai sa kani kanilang mga kotse. Big time EH.
"Sabay ka nalang sa amin lax. "Yaya ni Kurt. Sasagot na sana ako ng biglang bumusina ng malakas si Sai.
Tinignan ko sya ng may pagtatakang tingin. "Dito sa akin sasakay si Lax. " yabang niyang sabi.
Ngumisi naman si Kurt. "Dito sa akin dahil bago ang kotse ko! Ehh sayo? "
"Anong pake ko? At least mas mahal ang sasakyan ko kesa sa iyo! "
"Tss. Hayaan nating si Lax ang mag decide. "
Napangiti ako dahil sa pag aagawan nila. Noon payan ehh. Nag aagaw talaga sila pag dating sa amin ni Dette. Minsan nauuwi sa suntukan ngunit napupunta naman sa asaran. Hehehe.. Ganyan kami ehh.
"Oh, ano lax? "Baling ni Kurt.
"No thanks, guys. Meron akong bisekleta. At saka, pwede nyung yayain si Dette. "Sabi ko.
"Ohh. Dette! Dito ka! "Sigaw ni Kurt .
"Hoy! Dito ka Briddette! "Sigaw naman ni Sai.
Tinignan naman ako ni Dette ng masama dahil dun ngunit binigyan ko lang sya ng inosenteng tingin at ngiti bago nag kibit balikat.
"Hoy! Tigilan nyo nga iyan! Nakakabadtrip kayo ehh! " suway ni Dette na ikinatahimik nila.
"Si Sai, ehh. Nang aagaw. "-kurt.
"Nahh! Bakit ako?! "-Sai.
"Hoy! Di na kayo bata! Tigilan niyo yan! " sabi ni Dette. "Umuwi na kayo dahil kaya na naming umuwi mag isa. Magkita nalang tayo bukas, okey? "
"Okey! Susunduin kita! "Sigaw nilang dalawa kaya nagsimula na naman ang gulo.
"Ako ang susundo, Sai. "Kurt.
"Ako! Ako na una! "
"Me! "
"Watashi! "
"Ako! "
"Ako! "
"Ehh, kung pang untugin ko ang mga ulo nyo?"mataray na sabi ni Dette. Napatigil naman ang dalawa at nagpalitan ng masasamang tingin. "Wag nyo na kaming kunin. Makakapunta kami dito okey! At tsaka?! Hoy! Anong sunduin at anong ihahatid? Hoy! Iisang bahay lang tayo tumutuloy! Wag kayong tsusi! Chooo ! Mauna na kayong umuwi at dadaanan pa namin ni Laxven ang palenke! " sigaw nito kaya napatawa ako ng bumusangot ang dalawa.
"Di ba kami pwedeng sumama? "Tanong ni Sai.
"Hindi! Maglinis nalang kayo ng bahay. Habang kami, mamamalengke. Okey? "Sabi ko.
"Okey, pero, maraming stock ang bahay ah? "Si Kurt.
"Ayaw ko ng Karne, Kurt. "Sabi ko.
Ngumiti naman ang dalawa sa amin ni Dette at tumango. "Sige, alis na kami! Magpapaluto nalang kami Kay yaya ng kanin! " sabi ni Sai.
"Sige! Ingat! " kaway ko pa.
"Wag kayong mag away doon. "Bilin ni dette. Tumango naman ang dalawa bago bumusina at umalis.
"Tara Lax. "Yaya ni Dette at sumakay sa bisekleta niya. Ako naman ay sumakay din Sa akin.
Nagbisekleta kami ng sabay patungong market at pumunta sa pwesto ni Aleng Trida. Kapatid ito ng kasambahay namin kaya Close namin ito.
Ganun kasi kami sa bahay ehh. Kahit na sa iisang bahay lang kami nakatira, minsan lang kami nagkikita dahil May iba't ibang trabaho at business kami. Nag kikita lang kami kapag kumakain or minsan kapag aalis or uuwi ng bahay.
Kapag weekend lang kami nagkakasamang apat ehh. Pero ngayong pareho na ang school namin, nag kikita na kami paminsan minsan. Lol!
"Bili kanga ng Tuyo. Lulutuin ko mamaya! "Sabi ni Dette sa akin at binigyan ako ng isang libo.
"Kahit anong tuyo? "Tanong ko.
"Dipende sa gusto mo. Tapos bumili ka ng isda. May hotdog at ham na sa bahay ehh. Ako na ang bibili sa Gulay. "Sabi niya kaya sinunod ko.
Bumili ako ng ilang klase ng tuyo at isda tsaka pinuntahan ang pwesto ni Aleng trida. Hinintay ko doon si Dette at kumain ako ng Banana q na binta ni Aleng Trida.
Maya maya pa dumating na si Dette kaya nagpaalam na kami Kay Aleng Trida at mabilis na umuwi.
Nagbisekleta lang kami kaya nag isip ako ng paraan upang di mapadaan sa may gulong eskinita. Delikado nang makakita ng away. 😂

BINABASA MO ANG
Moved
Fiksi RemajaKung may kantang 'The MAN who can't be move '... Sa buhay nya, may sarili rin syang "The GIRL who can't be move". Masaya at malaperpekto na ang buhay nya, may mayamang buhay, malaking bahay, masayahing pamilya at magandang nobya. NGUNIT sa 'di inaa...