@andreayaaaaLax's POV
Sinubukan kong tawagan ulit ang linya nila ate Karyel ngunit hindi na ito ma contact. Sayang! May sasabihin sana siya sa aking importante pero naputol bigla ang linya at hindi na siya makontak. Ang hina pa naman ng signal dito.
"Lax? Tapos kana? "Rinig kong boses ni Dette sa likod ko kaya napalingon ako sa kaniya. Nakihiram lang kasi ako ng cellphone.
Ibinigay ko sa kaniya iyon at tumayo ng maayos bago humarap sa kaniya. Nakabihis ito ng isang floral dress at bagay iyon sa kaputian niya. Nakablush on pa ito at may lip tint. Nakapusod ang buhok nito at ang ganda niyang tignan.
"Uuwi na pala kami. "Sabi niya ng maglakad ako papasok ng bahay. Ramdam ko ang pagsunod niya kaya no need to wait.
"Sige, balitaan niyo ako kapag tapos na kayo sa research about sa earthquake. "Aniko at tinulak ang pinto bago pumasok.
"Nangyari na kanina ang lindol, pero mahina lamang. Inaasahan ang aftershocks" sabi ni dette sa akin. Napaupo ako sa sofa at ganun din siya.
"Mahina lamang iyon diba? "Tanong ko.
"Yeah. "
"I thought it's a huge and uneasy earthquake. "
"It is. Pero kakaiba. Mahina ang waves nito. Seismograph ang ginamit kanina ng mga seismologist. "
"Tapos ano daw? "
"Mahina eh. "
"Buti nakapasok kayo sa office ng earthquake researchers. "
"It was Henry. "
"Ow. "
"Mag iingat ka dito ha? Ikaw pa namang maiiwang mag isa dito. "Paalala niya. Tumango naman ako. Ang sweet ng babaeng ito. "I heard na nag leave ang guard niyo? "
"Yeah. Pinauwi ko, baka madamay sa lindol. May pamilya pa naman iyon. "
"Mabuti na iyon. "
"Mag iingat din kayo doon ha? "-ako.
Tumango siya at ngumiti. Yumakap ito ng mahigpit sa akin bago tumayo. Sakto namang bumaba si Henry dala ang gamit nila. Nakangiti itong nakatingin sa amin.
Hinarap ko ang tiyan ni Dette. "Babies wag magpasaway sa tiyan ng mama nyo. Iyakin yan. Sige kayo. "Bulong ko sa tiyan niya na ikinatawa ng mag asawa.
"Hala, hindi pa naman yan na u- ultrasound ahh. Feel mo, twin? "Nakangiwi na tanong ni dette.
"Feel ko nga. "Nakangisi kong sagot at tumayo na din.
"Henry, bilhan mo ako ng libro doon sa national book store, huh? "Paalala ko. Tumango ito at yumakap sa akin.
"Best friend ko yan pangit! Umalis ka! "Napakalas si Henry ng sumigaw si dette sa kaniya. Ang buntis na naman ang yumakap sa akin.
"Wag mong awayin ang asawa mo. "Bulong ko sa kaniya.
"Bahala siya. "Nag pout ito kaya napatawa kami ng bahagya ni Henry. "Mahal ko yun okay. "Sabi niya.
"Dapat lang. "Nakangisi kong sabi bago kumalas sa yakap niya. Ang bait talaga ng babaeng ito! Ang sarap sapakin! Promise!
Madalas na ang mood swings niya ngayon, kaya doble ang pasensya ni Henry sa kaniya. Ikaw ba naman ang asawa ?! Pero, hindi naman siya nanghihingi ng hindi naiibigay. Madalang siyang humingi ng lemonade kaya okay lang. Tapos palagi niyang gusto kainin ay mga prutas.
Dette dramatically hug Henry's waist while looking up on him. Her husband just smiled at her childishness now a days.
"Aalis na kami, Lax. Mag iingat ka palagi dito. Dapat, always ready! "Paalala ni Henry sa akin. I nodded slowly while walking towards the door to open it for them.

BINABASA MO ANG
Moved
Fiksi RemajaKung may kantang 'The MAN who can't be move '... Sa buhay nya, may sarili rin syang "The GIRL who can't be move". Masaya at malaperpekto na ang buhay nya, may mayamang buhay, malaking bahay, masayahing pamilya at magandang nobya. NGUNIT sa 'di inaa...