Chapter 21

4 3 0
                                    

Lax's POV

Maaga akong nagising dahil narinig ko ang mga ingay ng mga sasakyan ng mga bumbero at pulis sa baba ng burol.

Bumangon ako at tumingin sa bintana. Papunta ito sa Lorega, a place next to Quezon. Umaatake na naman ang mga grupo ng mga criminal ohh. Saka na sila umaatake ng wagas kung kailan may kalamidad!

Tsk tsl tsk.

Umukot ako sa higaan papunta sa side table at kinuha ang cellphone. Tumingin ako sa wall clock ng kwarto and it's already 4:24 Am.

Napagpasyahan kong bumaba at pumunta sa kwarto ni Athex. Kailangan ko siyang gisingin, finals na nila mamaya. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Athex. "Tawag ko ng makitang nakanganga pa ito at lakop ang kaniyang malaking higaan dahil sa kaniyang katawang halos sakupin na lahat ng espasyo.

I smiled.

Even if he's serious, when he's sleeping he looks so childish! That's what is funny about him. My brother's cute, and I love it. Well, dalawa sila ni kuya Atheus, they're handsome and cute at the same time.

Hinawakan ko siya sa pisngi. "Athex. " gising ko. Medyo gumalaw siya at hinawakan ang kamay ko na nasa kaniyang mukha. Nakapikit parin siya at sarap parin ang tulog.

"Nace."tawag niya kaya kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ito. Sino si Nace? "Mahal kita, Wag mo akong iwan. " nagulat ako dahil dun. Ngunit ngumiti lang ako sa sinabi niya. Sleep talk.

"Athex. "Medyo malakas kong tawag at parang nagbabanta kaya dahan dahan siyang nagmulat at napatingin sa akin. I smiled.

"Ate! "Gulat niyang sigaw at napaupo sa kaniyang higaas. Pinalo ko ng mahina ang braso niya kaya tinignan niya ako ng masama.

"Hoy, bumangon kana, finals niyo diba? "Paalala ko. Ngumiti naman siya at tumango.

"Salamat, Hermana. "Aniya. (Hermana means Sister)

Tumango lamang ako at tumayo. "Sumunod kana. Gutom na ako, please. "Sabi ko at naunang lumabas.

Lagot ka mamaya sa kitchen kapag gising na ang lahat. Tatanungin kita sino si Nace. Hehehehe.

Pagkalabas ko, kaharap lang ng kwarto ni Athex ang guest room na kwarto nila Dette at Henry. Dito kasi sila natulog. Si Kurt naman ay nasa isa pang kwarto dito sa bahay. May walong kwarto ang bahay, kaya diba? Malaki!

Nakita kong lumabas silang dalawa sa kwarto at ngumiti sa akin. Ganun din ako. Sabay kaming bumaba papunta sa kitchen.

"Anong plano mo ngayon? "Tanong ni Henry sa akin kaya napatingin ako sa kanila. Kaharap ko ang mag asawa at pareho kaming nagkakape. Pumasok naman si Kurt na kakagising lang at nag iinat na naglakad papunta sa aking tabi.

"Well, nag leave ako ehh. Maligo tayo? "Yaya ko. Tumango naman si Henry habang si dette ay malaki ang ngisi.

"What?!"rinig kong angal ni Kurt kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya."Laksben! "Sigaw niya kaya kumunot ang noo kong nakatingin sa kaniya.

"What? "Inosente kong tanong.

"Maliligo tayo?! Sa iisang banyo?! Pagsasamantalahan mo ang kainosentehan ko! "Sigaw niya na parang bakla at tinakpan ang kaniyang katawan.

Napa poker face naman ako at pinagpapalo siya ng malakas!Bakla ka! Ako pa ang pinag sabihan mo sa kabaliwan mo!

"Aray! "Daing niya habang sinasangga ang aking mga palo! "Lax! Joke lang! Aray! "Sigaw niya.

Tumigil naman ako at umupo ng maayos. Tumawa naman ng malakas ang mag asawa. "Hoy! Wag kayong tumawa! "Suway ni Kurt sa dalawa ngunit mas lumakas pang tawa nila.

MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon