Lax's POV
Ng makarating kami sa bahay, napansin kong natigilan si Dette sa pintuan ng Receiving area, nanguna sya sa akin kaya tumingin ako sa kanyang tinignan.
"Ohh. "Mahina kong sabi ng makita sila Klyde at Henry na nakaupo sa sahig sa harap ng Glass table. May ginagawa silang project kaya hindi na ako nagtaka.
Dahan dahan kong tinulak si Dette papasok kaya medyo napansin kami ng dalawa at napatigil sila sa ginagawa.
Ngumiti si Henry at klyde sa amin at ramdam ko ang pag katigil ni Dette.
May something ehh. May crush to sa dalawa."Hi! Lax! Hi Briddete! "Bati ng dalawa.
"Hi! "Ngiti ring bati ko at natigilan naman sila. Taka ko naman silang tinignan. "Bakit? "
"Wala, nakakapanibago lang kasi ang ngiti mo. "Sabi ni Henry.
"Ganun bahh? Sige punta muna kami sa kusina. "Sabi ko at mabilis na dinala doon si Dette.
Ng makarating kami sa kitchen nakita ko sila Kurt at Sai na busy sa rice cooker.
"Hey! "Sabi ko sa kanila. Napatigil naman sila sa ginagawa at tumingin sa amin.
"Ohh. Nandito na pala kayo. "Sabi ni Kurt.
"Nakita niyo ba ang dalawa? "Si Sai.
"Yeah. "Parang kinikilig na sabi ni Dette.
"Woah! May crush ka sa dalawa noh? "Tanong ko.
Tumaas naman ang kilay ng dalawang kaibigan namin. "Ano yun, Dette? "
"H-hey! "Suway ni Dette kaya tinignan ko sya ng may mapanuksong tingin. "Fine! I like Henry! " pagsuko niya.
"Woah! Ang bilis nun ah? "Ako. Minsan lang kasi yan dumederetso sa usapan ehh. Pipilitin mo pa iyan. Ngunit di yan nagtatago ng sekreto.
"Kanina palang kayo nagkakilala ah? "Tanong ni Kurt.
"I just like his cuteness! "Giut ni Dette kaya napabuntong hininga ang dalawa.
"Lagot ka sa akin kapag iyak iyak ka kapag nasaktan ka ng kumagna iyan! At masasaktan DIN siya sa akin! "Warning ni Kurt.
"Yeah yeah! "Sabi ni Dette.
"Ano nga palang ginagawa ng dalawang yan dito? "Tanong ko.
"May group project kami. At kami ang group mates. "Sabi ni Sai.
"Oahh! Yessss! "Kinikilig na sigaw ni Dette. Moody talaga! Kanina nagsusungit ngayon masaya?!.
"Dito bayan matutulog? "Tanong ko.
"No. Pero late na silang uuwi. "Sabi ni Kurt.
"Dito nyo nalang kaya sila patulugin. "Suggest ko. Sumama naman ang tingin nila sa akin. "Don't be judgemental guys. Late na sila kung umuwi mamaya kaya, baka mapano ba sila. And besides, sa Guest room naman sila. "sabi ko.
"Yeah, Laxven's right, kurt. "Sabi ni Sai bilang pagsang Ayón.
"We'll talk to them later. "Sabi ni Kurt.
"Dette, mag bihis na tayo. Tapos magluto kana. " sabi ko. Tumango naman ito kaya umakyat na kami sa aming mga sariling kwarto at nagbihis.
Nagsuot ako ng simpleng t-shirt at Black pants. Tapos naka pony tail ang buhok.
Kumuha ako ng libro sa book shelve ko at nagbasa sa study table. "Ganun? "Parang bitin kong sabi ng simulang kong magbasa sa last chapter ng malamang tragedy ang estorya.
BINABASA MO ANG
Moved
Подростковая литератураKung may kantang 'The MAN who can't be move '... Sa buhay nya, may sarili rin syang "The GIRL who can't be move". Masaya at malaperpekto na ang buhay nya, may mayamang buhay, malaking bahay, masayahing pamilya at magandang nobya. NGUNIT sa 'di inaa...