chapter 11

5 3 0
                                    

Lax's POV

"Nakauwi kana pala. "Bungad ni Sai ng makapasok sila. Tinignan ko ang wall clock sa receiving area.

6:45 pm

"Bakit ngayon lang kayo?"tanong ko sa kanila. Malungkot silang ngumiti kaya nangunot ang noo ko ng makitang may mga sugat at pasa sila.

"Break na pala kayo?"Tanong ni Dette. And I suddenly felt goose bump into my self. Nalaman na nila. I looked at them normally like nothing happened.

"Yeah."simple kong sagot. Bigla nalang nila akong niyakap ng mahigpit kaya di ko na naitago pa. Umiyak ako na parang ang sakit sakit ng aking puso. Para akong tinamaan ng maraming bala sa iba't ibang bahagi ng aking katawan ang ang puso ko ang napuruhan.

"Tahan na, Lax. "Patahan nila ngunit nanatali kaming ganun.

Sumugal ako at parang naglaro ng isang larong pamilyar sa akin, na kahit alam kong palagi akong talo. Ngunit sinubukan ko parin.

Alam ko nung unang sugal ko, may nawala. Pangalawa naman, napuruhan ako. At ayaw ko nang masundan pa ng pangatlo.

"Nag dala ako ng pagkain, kain tayo? "Namamaos ang boses ni dette kaya napakalas kami. Tinignan ko siya at nakitang umiiyak rin ito.

Ngumiti ako habang umiiyak. Nakakatwa lang na kahit ako ang brokenhearted, nadadamay din sila. Nananatili sila sa aking tabi kapag nag iisa ako kahit na tinataboy ko sila. Nandyan sila parati ehh.

Ang swerte ko sa kanila. Saturday bukas at wala kaming planong gumala. Wala akong gana para diyan at kain lang ang kailangan kong gawin. Di rin kasi ako mahilig sa gala gala.

Nakatulog ako ng mahimbing pagkatapos naming kumain ng hindi iniisip ang nangyari sa amin ni klyde. Pati panaginip koy walang planong isali si klyde doon. Pati Isip ko mismo ang umiiwas sa pag iisip sa lalalaking ito.

Ayoko nang matulad dati na nagmumukmok dahilsa sakit. Ng tawagan ako ng aking tita, kapatid ng aking ina. Nalaman niya ang nangyari at nakarating ito sa aking pamilya. Sinabi niya sa akin na huwag magpalubog sa lungkot. Kailangan ko daw gawin lahat ng uso at gusto kong gawin habang single at dalaga pa ako.

Sumang ayon naman ako sa sinabi niya. Napag desisyonan din ng aming pamilya na umuwi kami sa mansyon doon sa Malaybalay city, Bukidnon. And yeah. Magkapit bahay kami nila Kurt, Sai at Dette doon sa Mindanao noon. Kaya nga childhood friends kami.

Ngunit kapag nagbabakasyon kami doon, sa amin tumutuloy ang tatlo dahil wala naman silang gagawin sa kanilang mga mansyon.

Kaya bukas ng umaga, lilipad kami papunta sa Bukidnon. Na miss ko rin sila kaya sumang ayon ako. Ganun din ang tatlo.

Bago kami natulog, nag impake na kami dahil nagpabook na ng flight si Sai dahil ang karamihan sa kaniyang mga relatives ay nag tatrabaho sa isang airport dito malapit sa amin. At sabi ni Sai, mamayang 4:30 ang alis namin at 5:00 naman ang flight.

Kaya... Hindi ko na inisip ang mga bagay na makakasira ng mood ko.

Kinabukasan

3 am palang ay gising na kaming lahat at nakabihis na. Naready na rin lahat ng aming dadalhin na nasa sasakyan na ni sai.

"We'll go to Blue water in Quezon after we rest from arrival. "Sabi ni Kurt kaya napangiti kami.

"Hilig mo pala ang adventure?"pambabara ni Sai.
Nangunot naman ang noo ni Kurt at tinignan ng masama si Sai.

"Edi maiwan ka sa mansyon! "

"Joke lang naman eh! "

"Yun naman pala eh! Sasama rin pala! Nagpapakabakla pa! "Singhal ni Kurt kaya napatawa kami ng batukan ito ni sai.

MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon