Chapter 3

6 2 0
                                    

Klyde's POV

Napako ang paningin ko sa babaeng palabas ng canteen na kasunod sila Kurt ,Sai at isang babae.

Ang astig nitong maglakad at ang masasabi ko sa unang tingin palang, wala na syang galang. Para itong lalake kung kumilos, which is what always caught my attention but never touches my heart.

Hate ko ang boyish pero nakakakuha sila ng atensyon. Nang marinig ko ang sinabi nito Kay Alverah, nagulat talaga ako. No one dares to answer Alverah Cox that way!  She's the campus bitch!  I mean yeah.

Nagtataka talaga ako dahil parang ako lang ang gulat sa inasta ng babaeng iyon. Habang ang mga tao dito ay humahanga sa ginawa nito. )

'Wow! Kinakatakutan ang transferee. 'Bulong ko sa isip. Astig.

Kilala ba nila ito?

"Who's that girl by the way? "Tanong ni Cristal. Napatingin naman ako sa kanya, ganun din si Henry at Meo.

"I don't know. Pero, humahanga ako sa katapangan niyang sagutin si Alverah. "Sagot ni Meo.

"Hehehe. Narinig ko sa ating mga school mates na transferee daw sya. "Sabi naman ni Henry.

"Saang school galing? "Tanong ko.

"Di ko pa alam. "Sagot nito.

"So, may balak kang alamin? "Si Meo.

"So? "Nanghahamong sabi ni Henry.

"Hey guys. We better go. "Sabi ko na ikinatigil nila. Dali daling umiling si Meo at tumingin sa mga taong bumabalik sa kanilang mga table.

"I think, Klyde's Right. We better go. It's almost time. "Sang ayon nito.

Tumayo kami at mabilis na nilisan ang canteen. Habang naglalakad kami papunta sa building, napatingin ako sa field kung nasaan maraming juniors at freshmen ang nandoon.

Noong freshmen pa kami, naging close namin sila Sai at Kurt. Nanging magkaibigan kaming lima, parang magkapatid panga eh, ngunit ng tumungtong kami ng Third year, nabalitaan nila  Sai at Kurt ang pag babalik ng Kanilang Dalawang kaibigan. At doon, di na kami masyadong nagsasama dahil kapag free sila, dumederetso ito sa kanilang kakauwing kaibigan.

Okey naman kami, di ngalang katulad noon na parang di na kami maipaghiwalay. Ngayon, friends nga kami ngunit di kami mag barkada.

"Uyy, naalala ni Klyde noong natamaan sya ng baseball bat sa braso noon. "Tukso ni Henry kaya tinignan ko sya ng masama.

Tinamaan kasi ako ng bat diyan sa field noon. At dahil, payatot ako, mabilis iyong namaga. Hehehe.

"Tumigil ka, Henry. Wag mo akong simulan. "Banta ko ngunit tumawa lang ito at naunang umakyat sa hagdan ng building.

Umiling naman ako ng maalala ang pangyayaring iyon. Hindi ko talaga malimutan eh.

"Ihahatid na kita sa room nyo. "Sabi ko Kay Cristal kaya ramdam kong napatingin ito sa akin.

"Wag na, baka matagalan ka. "Aniya.

"Ihahatid na kita. "Pagmamatigas ko.

"Sige. "Nahihiya niyang tugon.

Matagal ko nang crush si Cristal. Sadyang natorpehan lang ako noon. Alam mo kasi, kapag ang lalaki playboy, di yan totorpehin kapag ang trip niyang babae ay di niya naman type. Ngunit pag dating sa kanilang kinababaliwan, magmumukhang bakla.

"Sabay tayong mag lunch mamaya, ha? " sabi ko kay Cristal ng makarating kami sa harap ng Classroom nila. Ngumiti naman syang humarap sa akin.

"Sige. Thanks sa paghatid. " sabi niya kaya ngumiti din ako at niyakap sya.

MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon